Chapter 38
Gusto
Beary's POV
Nag aayos ako ng gamit ko kasi balak ni Nathan enjoyin ng bongga yung "last monthsary date" namin. Dapat daw kasi extra special kasi yun na ang last.
Pareho kaming pumayag dun.
"So, this will be the last. Ready ka na?" tanong ni Nie. tumango ako tapos nilabas na mga gamit ko. Kinuha niya mga dala ko at siya na ang nagbuhat papunta sa kotse. Susulitin daw namin yung last month or weeks na kami pa.
Pagdating namin sa bahay nila inayos ng mga katulong yung gamit ko dun sa katabing kwarto ni Nathan. Tapos umalis kami ulit. Pumunta kami sa school. Naglalakad kami paikot ikot sa school. ng biglang magsalita si Nie.
"Naalala mo yung nagsagutan tayo kasi nawala ka at hindi mo matandaan paano bumalik sa room?" bigla naman parang nagflashback sa utak ko yung lunch break ng first day ko sa school na to.
~flashback~
"Ui seatmate"
"Tsk. Anong kailangan mo?"
"Sasabay lang sana ako pabalik sa classroom, di ko pa kasi kabisado yung daan ee"
"Kung gusto mo lang ako makasabay pwede mo naman sabihin e. Ang lame ng excuse mo. alam ko naman na gwapo ako at crush ng lahat kaya wag ka ng mahiya "
"What's with the smile? Did my charms got into you? I got it right? hahahah"
"Ang kapal mo din e noh? Engot na kung engot pero mahina lang talaga ko sa direksyon. Tignan mo nga yang mukha mo, napakapangit‼ buti pa naman si kuya Mark ko.. Gwapo na humble pa di tulad mo.. Feeling gwapo na mahangin pa. mahiya ka nga sa balat mong walang melanin"
"Ako? Mahihiya? tsaka Mark? Mas gwapo naman ako dun ha. Iisa palang naging girlfriend nun e ako? babae pa nanliligaw sa kin... Alam mo interesting ka. Parang ang sarap mo paglaruan. Pero may klase pa tayo kaya babalik na ko sa classroom. Don't you dare na sabayan ako sa pagbalik baka isipin pangit na ang taste ko sa babae. kung gusto mo jan ka sa likod"
"Ano ako tsaperone mo? Stalker? Alalay? Ayoko nga‼ sabihin mo na kasi daan pabalik para di ka na mapahiya sa makakakita sa yong kasabay ako.. mauna nalang ako sa paglalakad para di ka feeling masyado. Feelingero ka ee tsaka tse‼ mas gwapo pa rin kuya mark ko sa yo. pangit ka pangit‼"
"hahaha. Nakakatawa ka naman. Bulag ka na. Kaya ayos nang sumunod ka na lang sa kin. Mas enjoy yun kasi makikita mo ko ng matagal. ingat ka ha.. baka mangisay ka sa kagwapuhan ko kahit nakatalikod na ko"
~End of flashback~
"Oo walanghiya ka nun eh! Ang kapal kapal ng mukha mo akala mo lahat ng tao may gusto sa yo"
"Sigurado naman ako dun. Hmmmmm, Bakit wala ba?" nanahimik siya habang nakatitig sa akin ay mali pala! parang nag iisip siya. "Mali pala. Bakit wala pa ba?" pag aayos niya sa tanong tsaka ngumiti ng nakakaloko. Sheep! Crush ko na ba kasi siya? EWAN!
BINABASA MO ANG
Mr. Casanova cured my love phobia
Teen FictionTwo broken souls brought together by fate. Two, among seven billion people, who are both afraid to fall in love. One is afraid to take risk in love, one is out to play with love. Nathan never wanted a serious relationship. BEARY never wanted to be...