Chapter 25

3K 31 3
                                    

 Chapter 25 
Selos

In-off ko ang cellphone ko pagkatapos ko siyang itext ng ganun. Ewan ko. Bigla nalang akong nainis. Siguro kasi ang ganda nung babae tapos hiwalay yung table nila sa families nila. Si Aleyna kasama both yung parents nila. 

Napasabunot ako sa buhok ko. Nababaliw na ba ako? Kinuha ko yung teddy bear na bigay niya tsaka piningot pingot.

"Kainis yung nagbigay sayo. Letse siya. Ang kapal ng mukha niyang makipagdate sa iba. Di man lang nagpasabi." sinuntok suntok ko yung kawawang teddy bear. Naiinis ako sa nagbigay sa kanya!

Kainis! Mamatay na siya. Makikipagbreak naman na ako. Hindi ko pinangarap maloko. Kaya nga ayoko ng boyfriend e.

Bakit kasi kahit text man lang na hoy pontio pilata, hindi pala family dinner lang yung pupuntahan namin, magchichicks muna ako ha.

Bahala naman siya sa buhay niya. Wala na kami! Di naman na talaga siya makakaulit! Nakakapanggigil! Wag siya magpakita sa akin, nananakit ako.

Pinatay ko ang PC ko at humiga na. Nawalan ako ng ganang kumain. Feeling ko natraydor ako. Bakit kasi kailangan pang picture-an. Kainis talaga.

Dinial ko yung number ng telephone sa kusina para sabihin na hindi ako kakain. Sabi ko nalang busog na ako. Dami kasi nung dinala ni yaya na meryenda kanina. Sinabi ko din na huwag na ko katukin kasi matutulog na ko.

Pero sigurado ako na kahit anong pilit ko, hindi maalis sa akin na hindi isipin yung nakita ko. Ngayon lang ako nakaramdam ng ganito. Ano kayang eksaktong tawag dito?

Kinuha ko ang tab ko at nagsend ng message sa fb sa mga kaibigan ko. Ilang sandali pa at sunod sunod silang nagsipagreply.

From: Alyana
Selos ka lang!
Inom inom ng malamig pag may time. Masyado kang hot! Malay mo napilitan lang and out of chivalry lang yung pagpayag niyang iba sila ng mesa.

Out of Chivalry daw! Eh may patawa tawa pang nalalaman. Nagseselos nga ba ako? Shems. Ayokong magselos. Sino ba sila?

From: Mark
Pakwento mo muna sa kanya yung totoong nangyari. Normal lang ang magselos bunso. Huwag papasobra ha :)

Normal sa iba. Mismo ngang relasyon namin abnormal e. Hindi ako dapat makaramdam ng selos kung selos mga ito.

From: Isabelle
Palamig ka muna. Huwag masyado magselos. Kausapin mo lang :)

From: Monica
Ay girl. Masama yan. Nambabae ba? Kutob mo? Ano, pasalvage na natin?

Monica! Kahit kailan talaga, magkasundo tayo. Gusto kong gumanti. Makikipagdate din ako sa iba. Ha! Akala naman niya.

Nagreply ako sa bawat message nila at sinabi ko rin na balak kong ibreak nalang siya. Kasi naman kung maglolokohan lang pala kami dito, wag na namin ituloy di ba. Pero sabi nila, huwag daw. Ang babaw ng dahilan ko. Sabi pa nila  makipagdate din ako sa iba para patas. Pero di sumangayon si Yana at Mark. Ang childish daw ng gumaganti.

Kahit kailan, ang bait ng dalawang yun. Bakit di ako nagmana?

"Ryza, gising ka pa ba?" Iniwan ko sa kama yung tab tsaka lumapit sa pinto para pagbuksan si mommy.

"Bakit po?"

"Tumawag si Nathan, nak. Galit ka daw ba sa kanya? Nakapatay daw phone mo." Ayun tayo e. Nakalimutan kong dikit nga pala siya kina mommy. Ang galing naman. Hindi man lang naisip puntahan nalang ako para mas maayos kami? Bahala siya.

"Hindi naman po, mmy. Naiinis lang ako sa kanya. Mmy di ba sabi ni Aleyna family dinner? Mmy! May kasama siyang magandang babae." Nasa kama ko kami at kinuwento ko sa kanya lahat pati mga sinabI ng mga kaibigan ko.

"Dalaga na talaga ang bunso ko, nagseselos na" nakangiting sabi ni mommy habang hinahaplos ang buhok ko. Sasagot na sana ako nang May kumatok.

"Bee?" si Nathan. Umiling ako kay mommy. Ayaw ko pa siyang makita. Ngumiti si mommy pero umiling din. "Kailangan niyo mag usap. Sabihin mo sa kajya yung mga sinabi mo sa akin." sabi niya tsaka siya tumayo para pagbuksan ng pinto si Nathan at para lumabas na din.

Umupo siya sa pwesto no mommy kanina.

"May nagawa ba ako? Sorry na." tinalikuran ko siya. Naiinis pa rin kasi ako. Naramdaman kong gumalaw yung kama. Aalis na siya? Ang bilis naman niya sumuko.

"Kausapin mo ako, please." Naramdaman ko nalang ang mga braso niya sa bewang ko. Nakaupo pa rin ako.

"Galit ako sayo. Bakit naman kita kakausapin?" mas lalong humigpit yakap niya sa akin. Kinukurot ko siya pero ayaw niya talagang bumitaw.

"Pwede bang huwag mo muna ako kausapin? Papalamig lang ako ng ulo. Ako mismo tatawag o lalapit sayo pag di na ako galit. Pwede ba?" nagbuga siya ng hangin. Ayaw niya? Aba't mas nakakainis siya a!

"Bakit muna? Please. Kahit Isang sentence lang. Bakit ka galit?" desperadong tanong niya. Tinitigan ko siya. I can sense irritation and frustration.

"Kasi nagseselos ako."

Mr. Casanova cured my love phobiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon