Chapter 16

3.4K 41 6
                                    

Chapter 16

Friendship problems

Isang box ng chocolate ang sumalubong sa akin pagdating ko sa may upuan ako. Tumikim muna ako ng isa bago ko binasa yung note. Hmmm, ito yung timpla na gustong gusto ko, 30% cocoa. I have a hunch already. Nakumpirma ko nung binasa ko na ang note na kasama ng chocolate. In her cursive and neat handwriting she wrote...

Bianca Erin Ann Ryza Yan,

I'm so sorry to cause you pain. T'was so insensitive of me. Pero kasi, it slipped out of my mouth by mistake. I was just jealous. It was my fault. I'm so sorry for even thinking of that. I regretted it the moment I voice it out. It was my mouth who talked, not my brain nor my heart. I wish you could find it in you to actually forgive me.

Forgive me, please...

-Lei Isabelle.

P.S. At the back of this note is another note. Kung pupunta ka, I'm forgiven. Though I could understand if not. Sorry Ryz.

Tinignan ko yung likuran at pinapapunta lang ako sa Heroes Garden kung bati na kami. Tinignan ko yung oras. 10 minutes nalang, oras na ng klase. Mamaya ko nalang siya sasabihan na hindi ako galit. Hindi naman ako nagalit eh. Nabigla lang ako na naisip niya yun. Akala ko kasi iba siya.

Nakakapagtaka lang, na 5 minutes nalang bago magklase pero wala pa rin mga kaklase ko. Dati pag ganitong oras, mabibilang nalang sa kamay yung mga wala pa. Wala kaya kaming first subject at hindi lang ako nainform? Lalabas na sana ako nung nakita kong lumabas yung teacher namin galing sa faculty room, bumalik nalang ako sa upuan ko.

Sunod sunod na pumasok sa classroom mga kaklase ko. Huling pumasok sina Isabelle na pare-parehong nakatungo. May balak ba sana sila? Nakokonsensya ako. Gusto ko sana silang lapitan muna kaso dumating na ang teacher namin.

"Nathan?" tawag ko sa katabi. Isa pa to, nakakapagtaka na ang tahimik niya.

"Hmmm?"

"May alam ka ba sa balak sana nila? Hindi naman ako galit e. Pupunta pa nga sana ako, kaso nakita ko ng palabas si Miss ng faculty kaya di na ako tumuloy. Late kasi akong nagising."

"Kausapin mo nalang mamaya. Umiyak yan kahapon nung umalis ka na. Tapos kwinento niya sa akin nung uwian, kaya dumiretso ako sa inyo. Okay ka na?" tumango nalang ako sa kanya.

Pagdating ng break, tumayo agad ako at pumunta sa pwesto nina Isabelle.

"Belle, hindi naman ako galit. Nasaktan lang ako dun sa sinabi mo kaya ako umalis. Hindi ko din kayang makita ka agad nun. Nag cool down na ko. Sorry din, OA lang ako. "

"Hindi. Mali talaga yung nasabi ko. Sorry Ryz. Biro lang dapat yun e kaso jealousy ate me. Sorry ulit. Thank you for forgiving me." sabi niya tsaka ako niyakap. Narinig kong nag aww yung mga nakakita. Hayyy. Kakayanin ko kayang kalimutan agad yun? Madaling magpatawad, mahirap makalimot.

Naging okay na kami after nun. As in, okay lang. Walang kakaiba. Okay as in we're all guarded sa possible outcomes of every word that'll go out of our mouths. And it's scaring me.

Papasok ako ngayon at dinig kong nagbibiruan sila sa may Heroes Garden. Nakahinga ako ng maluwag. Siguro kasi ngayon palang may nagkatampuhan kaya ganun yung naging asta nila. Nilagay ko muna yung bag ko sa classroom bago ako dumiretso sa Heroes Garden. Nakita akong paparating ni Aira kaya ngumiti ako sa kanya. Ngumiti siya pabalik tsaka may sinabi sa grupo.

Mr. Casanova cured my love phobiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon