Chapter 66
Sama ka na
Beary's POV
"Bee! Pinapasundo ka ni--" Natigilan si Nathan nung nakita niyang kasama ko si Tristan sa Kitchen. Pinapanood ko kasi siyang magluto.
"Nathan! Ano yun? Sinong nagpapasundo kanino?" Tanong ko sa kanya. Napatingin tuloy si Tristan sa amin. Tumango lang siya kay Nathan. Sungit talaga niya pag kay Nathan. Tapos dumiretso kami sa sala.
"Pinapasundo ka ng mommy mo. Nagyaya kasi sila Daddy sa amin mag lunch"
"Ahh. P-pwedeng umabsent? Pinagluluto na kasi ako ni Tristan. Namiss ko kasi ang luto niya. "
"Hindi. Walang aabsent. May kasalanan ka pa sa akin tapos tatanggihan mo na naman ako dahil nandito na yan? Psh"
"Nathan naman eh"
"Luto na yung lunch Biancs. Dito ba kakain ang bisita mo?" tanong ng walang malay na si Tristan. Eee. Paano ba ito? Si Nathan nang iinis pa sa way ng pagsmile niya. Ewan ko kung sa akin o kay Tristan. Papalit palit kasi ang tingin niya eh.
"ahhh. hehehe. Kain ka din muna dito, Nathan?" Awkward. Ano ba ito. Bakit kasi nasingit yung kasalanan ko sa kanya sa lunch na ito. Mula talaga nung umalis si Tristan parating kailangan kong mamili. Ano ba yan! Di bale sana kung may right o wrong answer eh.
"Sa bahay ka nga daw kasi maglalunch. Pinapasundo ka lang ng mommy mo." Diretsong sabi niya habang nakikipagtitigan kay Tristan. Pagtingin ko naman dito kay Tristan, ngumiti siya sa akin.
"Hindi pa alam nila Tita na nakauwi na ako?" Umiling ako. Ginulo lang niya ang buhok ko. TRISTANNNN >3<
"Sama ka na."
"Eh paano yung linuto mo? Pinagluto nga kasi kita kasi miss na miss na miss ko na ang mga luto mo. Kakainin ko nalang muna."
"Lunch nga pupuntahan mo dun eh. Hindi ka makakakain niyan. Baunin mo nalang o kaya i-ref mo tapos iinit mo nalang mamaya. Ipagluluto pa din naman kita bukas eh."
Ngumuso ako. Pero ang baliw na si Tristan, pinindot niya yung pout hanggang magflat.
"Hindi bagay!" Sabi niya tsaka pa ako tinawanan.
"Magbihis ka na dun. Uwi na muna ako. Matutulog lang. " Ay? Hindi na tumatalab ang pacute face ko kay Tristan? Huhuhu.
HOLO! ONG SOMO MOKOTONGON NO NATHAN T^T
Sa mga pagkakataong ganito sumisigaw si Alanis Morissette sa utak ko ng "Peace of mind for five minutes, that's what I crave"
Nagshower nalang ako tsaka nagpalit ng damit. Pagbaba ko umalis na daw si Tristan. Wala man lang goodbye kiss! Hmp.
Sumakay kami sa sasakyan ni Nathan. As usual, pagenteman effect, pinagbuksan niya ako ng pinto. Pero nung pareho na kaming nasa loob at nagsimula ng pumunta sa kanila.
"Eh paano yung linuto mo? Pinagluto nga kasi kita kasi miss na miss na miss ko na ang mga luto mo. Kakainin ko nalang muna." Inulit niya yung sinabi ko kanina habang pilit ginagaya ang boses ko. Tinignan ko nga siya ng masama.
"Bakit? Sinabi mo naman talaga yun ah?"
"Che! Bakit kailangan mo pang gayahin?"
"Bakit kailangan mo pang magpacute sa ibang lalaki sa harapan ko?"
Nabigla ako sa tanong niya. Hindi ko inaasahang may ganung effect.
"Wag mong sabihing... nagseselos ka?" Patingin-tingin lang siya sa akin habang nag-uusap kami kasi nga nagmamaneho siya. Pero nung tinanong ko yun... lumingon siya sa kabila pero hindi niya maitatago ang namumulang tenga niya. Oh my gosh! Nagseselos nga siya?!
Naging tahimik ang buong biyaheng yun mula nung tinanong ko yung tanong na yun. Obvious naman ang sagot. Hindi niya dineny, hindi niya inamin. Pero base sa reaksyon niya, lalo na sa pamumula ng tenga niya... hayyyy.
Ibig sabihin, kailangan ko na siyang iwasan niyan?
Parang may kumurot sa puso ko nung maisip ko yun. Hayyy. Ano bang dapat gawin sa ganitong sitwasyon?
"Maniniwala ka ba kung sabihin kong mahal pa rin kita?" Napatingin ako sa kanya sa narinig ko. Nawala lahat ng iniisip ko. Wala akong ibang naririnig ngayon kundi ang paulit ulit na
Maniniwala ka ba kung sabihin kong mahal pa rin kita?
Maniniwala ka ba kung sabihin kong mahal pa rin kita?
Maniniwala ka ba kung sabihin kong mahal pa rin kita?
Maniniwala ka ba kung sabihin kong mahal pa rin kita?
---
Leicheese's note:
Happy Birthday Myca XD
BINABASA MO ANG
Mr. Casanova cured my love phobia
Teen FictionTwo broken souls brought together by fate. Two, among seven billion people, who are both afraid to fall in love. One is afraid to take risk in love, one is out to play with love. Nathan never wanted a serious relationship. BEARY never wanted to be...