Chapter 56
Unnoticed Love War
Beary's POV
"Napakagentleman mo talaga pagdating sa akin. Touched na touched ako." Sarcastic kong sabi kay Nathan. Grabe talaga siya. Bakit pag sa ibang babae ingat na ingat samantalang sa akin ganto, hatak lang ng hatak. Nasasaktan na kaya ako. Alam kong sanay akong nakaheels pero hindi ako sanay ng kinakaladkad ng nakaheels. Bakit hindi niya marealize yun?
"Sorry" simpleng sagot niya tapos tumigil sa pagkaladkad sa akin. Kinuha niya ang kamay ko tsaka hinawakan ng maayos. "Kinakamusta ka sa akin ni daddy. " sabi nung nagsimula na kaming maglakad. This time, lakad nga, ang bagal bagal naman. Hindi ko na pinansin.
"Sana sinabi mo ayos na ayos lang ako. Tsaka namiss ko sila ni Tita. " sagot ko naman. Nagkita naman kami nun sa Italy eh.
"Ako di mo namiss?" Pilyong ngiti ang nakita ko sa mukha niya habang nakatingin sa daan. Napailing na lang ako. Malandi pa rin talaga tong taong to. "Ako kasi, namiss kita... sobra" tapos mas ngumiti pa siya. Langya! Gwapo pa rin siya kahit long hair na siya.
"Kamusta?" Ewan ko saan nanggaling yun. Basta nalang lumabas sa bibig ko eh. Siguro kasi yun yung gustong gusto ko itanong sa kanya mula nung bumalik siya.
LEILA'S POV
'Eto, sa sobrang pagkamiss ko sa yo, gustong gusto kong yakapin ka buong araw' yan ang gustong isagot ni Nathan pero dahil nga sa merong boyfriend si Beary, hindi niya pwedeng sabihin yun. Kaya para makaiwas na madulas siya sa bagay na yun. "Ganda mo ngayon ah. Dahil ba birthday ni Aleyna o dahil... kasama mo siya?" Halos ibulong niya na yung huling phrase na sinabi niya.
"Wow! Ang layo na nga ng sagot nang-intriga pa. Ikaw talaga Nathan!" Pagalit na pabirong sabi ni Beary.
'Ikaw talaga Nathan!' Napangiti si Nathan sa sinabing ito ni Beary. Parang sa pagkakasabi kilalang kilala siya ni Beary. Tulad ng gusto niyang iparating sa dalaga, na hindi pa rin siya nagbabago.
"Gusto mo yata makarinig ng drama eh. Basta! Tagabantay ni daddy sa ospital, katulong ni mommy sa pagpapalakad ng business while studying. "
"Weh? Walang distractions? Well-driven ka pala habang nasa ibang bansa. Pero hindi ako naniniwala. Nakailang girlfriend ka? Di mo na naman mabilang noh? Ikaw talaga!" Mas napangiti si Nathan nung sinabi yun ni Beary. Kilalang kilala talaga siya.
"Anong ibig mong sabihin?" Painosenteng tanong niya.
"Asus Nathan! Hindi mo kailangang itago sa akin na babaero ka pa rin hanggang ngayon. Naikwento na sa akin ng mommy mo. " sabi ni Beary sa kanya. Buti nalang at nasa harap na sila ng kwarto ng mga magulang niya kaya ligtas na siya sa pagtatanong ni Beary. Binuksan kaagad ng mommy niya ang pinto pagkatapos ng ilang katok.
BINABASA MO ANG
Mr. Casanova cured my love phobia
Teen FictionTwo broken souls brought together by fate. Two, among seven billion people, who are both afraid to fall in love. One is afraid to take risk in love, one is out to play with love. Nathan never wanted a serious relationship. BEARY never wanted to be...