Chapter 7
Date her Again
Ang bilis ng panahon. Isang linggo nalang tapos na lang tapos na first grading period. Kasali kaya ako sa top? Maganda kasi pag kasali ka sa top kasi pwede kang mag-take ng advance subjects. Libre lang yun kasi pang college na yung level nun. Pag isa ka sa top 10, mabibigyan ka ng certificate. Yung certificate na yun kalevel nung mga diploma ng mga nag-aaral sa TESDA. Kaya pag nakakuha ka nun, pwede ka ng magtrabaho kahit hindi ka magcollege. Pero syempre, magkacollege ako noh. Gusto kong maging CPA eh.
“Ryza, may tawag para sa yo. Sa landline”
“Opo, sandali lang po.” Inayos ko yung kama ko tsaka bumaba na.
“Hello?”
“Ate Beary? Are you there?”
“Aleyna? Yes, baby. Why?”
“Can you come with me?”
“When? Where to?”
“If you're not busy, today. To my big brother.”
“Where is he? Do you want me to call him?”
“I want to see where he went. He said he will go to work. He doesn't work on sundays! And I saw through his website that he has a girlfriend again. I thought you were together?”
“Okay baby, where will we meet?”
“Do you know our house? Or-- I'll fetch you”
Nagbihis kaagad ako ng maayos na damit tsaka ko tinawagan si Nathan. Yes we exchanged numbers. Para sa isang group activity sa school. We don't text each other often. Pure acads.
“Hello Bee”
“Ang saya mo pa, hahuntingin ka daw ng kapatid mo. Saan ka?”
“Talaga? Good timing talaga yun. Dalian niyo ha? Dito sa PleasanTEA. Ingat!”
“Bye.” sabi ko nalang. Hindi man natakot? PleasanTEA? Anong trabaho niya dun?
“You and my brother are together, right?” bungad sa akin ni Aleyna pagkarating niya sa bahay namin.
“We used to be” Sinungaling ka BEARY! Bata yan. Ang sama ko na. Yan na rin kasi ang napag usapan naming sabihin para tumigil na si Aleyna. Na hindi kami nagwork out.
“We are going to fix it. Come.”
“He said he's in PleasanTEA."
Pagkarating namin doon, may kahalikan si Nathan na babae. Tinakpan ko kaagad ang mata ni Aleyna.
“What's wrong, ate Beary?”
“Uhhmmm. You shouldn't see this. It's Rated SPG” sagot ko sa kanya tapos binuhat ko siya. Magaan lang naman si Aleyna eh. “Close your eyes baby.”
Tinapik ko balikat ni Nathan pagkarating namin sa table nila. Wala namang kurot o kung anuman sa puso ko nung nakita ko yung scene na yun so, wala akong gusto kay Nathan. Buti nalang! Nakahinga ako ng maluwag doon.
“Oh, hi Bee!” akmang hahalikan niya pa ako pero tinulak ko na siya. Sinuswerte naman siya! Wala pang nakakahalik na lalaki sa akin, maliban sa mga uncle, pinsan, at bestfriend kong lalaki.
“It's okay now, baby. Do you still want to see your brother?” sabi ko kay Aleyna. Umiiyak na siya nung tumingin siya sa akin. Bigla akong nakaramdam ng inis kay Nathan.
“Can you put me down please?” binaba ko siya tapos tinignan ng masama si Nathan. “Chill” sabi lang niya. Dumiretso si Aleyna malapit dun sa babaeng kasama ni Nathan.
“Hi baby, you must be Aleyna, right?”
“Yes, I am. And I hate you.” sabi niya tsaka sinampal yung babae.
“Aleyna!” sigaw ni Nathan. Grabe. Ngayon ko lang nakita si Aleyna na ganun. Tumakbo sa akin si Aleyna tapos niyakap ako. Binuhat ko nalang ulit siya.
“I hate my kuya, I hate my kuya, I hate my kuya” iyak ni Aleyna sa akin. Hinahaplos ko lang ang likod niya.
“My gosh! Ikaw ba ang yaya niya? Bakit hindi mo turuan ng magandang asal yang alaga mo? Bakit bigla nalang nananampal yan?! Pasalamat siya, bata siya kundi, makakatikim yan sa akin! ” galit na galit na baling nung kahalikan ni Nathan sa akin. Hindi ko siya pinansin kahit tinawag niya akong yaya ni Aleyna kasi ayokong naririnig yung iniiyak ni Aleyna.
“Sinabi ko naman kasi sayo! May magagalit kapag ginawa mo yun, naniwala ka ba? Kanina ko pa kasi pinagpipilitan sayo na may girlfriend ako, tapos ngayong andito na siya, tatawagin mo pa siyang yaya ng kapatid ko?! Sinigawan mo pa siya! Wala siyang ginagawa sayo pwede ba! Umalis ka na nga.” galit din yung boses ni Nathan. Nakakatakot siya. Yung babae, umiyak nalang tapos umalis na. Napahiya kasi siya. Ang dami ng nakatingin eh.
Nathan mouthed the words sorry before going to my back to face Aleyna. “You don't hate kuya, right baby?” Huminto si Aleyna sa pagchachant ng I hate my kuya pero umiiyak pa rin siya. Tinago niya yung mukha niya sa leeg ko.
“You' are acting like mommy. I hate you” sabi ni Aleyna at mas lalong tinago ang mukha sa akin.
“No baby, Aleyna loves kuya forever, right? And kuya loves Aleyna very very very much.” Pumunta si Nathan ulit sa harapan ko. “Akina siya” sabi niya
“Baby, talk to your kuya, alright? If kuya says bad, we'll beat him, okay?” tumango sa akin si Aleyna bago lumipat kay Nathan. Nakapagbayad na din siya kaya tahimik kaming bumalik sa sasakyan nila.
“Dito nalang ako sa harap. Usap muna kayo.” sabi ko pagkarating namin sa sasakyan nila.
“Hush, Aleyna. I'm sorry”
“You kept saying sorry yet you are doing it again and again. You are acting like mommy. She says she loves us but she kept on fighting with daddy. She doesn't play with me anymore. She isn't mommy. And you are acting like her. You always say you're sorry but you're playing with girls again and again. You said you hate mommy and now you're acting like her. Do you really want me to hate you?”
“No, baby. I'm sorry”
“Don't say sorry if you don't mean it. I've always looked up to those who can sincerely say their sorrys. I guess yours aren't sincere.”
“I mean it this time. I will find you a big sissy and I won't toy around with her.”
“Then date Ate Beary again.”
WHAT THE?!
BINABASA MO ANG
Mr. Casanova cured my love phobia
Teen FictionTwo broken souls brought together by fate. Two, among seven billion people, who are both afraid to fall in love. One is afraid to take risk in love, one is out to play with love. Nathan never wanted a serious relationship. BEARY never wanted to be...