Chapter 67
Second Priority
Beary's POV
Maniniwala ka ba kung sabihin kong mahal pa rin kita?
Hindi ako sumagot. Kung tutuusin, ramdam ko yun. Binabalewala ko lang kasi akala ko, ganun lang talaga siya. Ganun naman talaga siya eh. Dati pa ganun na siya kaya dahil sa nakasanayan kong ganun siya hindi ko naassess na may nararamdaman pala siya para sa akin. Akala ko sweet lang talaga siya kasi ako yung isa sa mga pinakakaclose niyang babae at dahil na rin sa past namin na wala namang bahid ng galit sa isa't isa. Akala ko lang pala lahat. Tama. Maraming namamatay sa maling akala.
Ilang araw na ang nakalipas simula nung naglunch kami sa kanila. Nalaman kong pasado si Nathan dun sa pinagtest-an niyang school para sa master's niya. Sinabi ko na din kila mommy na nagkabalikan na kami ni Tristan. Tinotoo naman ni Tristan na araw araw siya sa bahay ko para gawin ulit yung mga dati na niyang ginagawa pero...
Kailangan ulit niyang umalis.
Nakakainis lang. Kasi sa tuwing ipinapamukha niyang mas pinipili niya ang career over sa akin eh sobra akong naooffend. Inexplain naman niya sa aking pamilya niya ang may gusto nun. Pero kasi masakit.
Parati nalang ba akong hindi ipaglalaban?
Si Nathan din noon. Kinailangan niyang umalis para sa daddy niya. Oo, break na kami nun. Pero sinabi niya dati na pagbalik niya, liligawan niya ako ulit. Pero yung bakasyon lang dapat, naextend ng 7 taon. Pinilit kong hintayin siya pero dumating si Tristan. Nainlove ako ulit. Tapos ito na naman?
Parati nalang ba akong magiging second priority?
Nakakainis! Umalis si Nathan para imanage yung kumpanya nila dahil comatose si Da- este Tito Sir. Aalis si Tristan para maabot yung pangarap niya at dahil gusto rin yun ng magulang niya.
Hindi kasi uso sa kanila yung "Four things for success: work and pray, think and believe" ni Norman Vincent Peale. Sa susunod nga, ituturo ko sa kanila yun. Hindi nila alam yung nakakafrustrate isiping hindi ka priority ng taong mahal mo. "Arghhhhhhhhhhhhhhhhhh!" Sigaw ko out of frustration tsaka ginulo ang buhok ko. Ano bang dapat gawin?
"Mananakawan ka na, hindi mo pa alam dahil sa lalim ng iniisip mo. Spill!" Surprise, surprise. Sina Myca, Rishelle at Pia nasa harapan ko ngayon. Sinabi ko sa kanila ang pinoproblema ko. Nakinig lang sila. Walang sumasabat habang nagkukwento ako. Hinayaan nilang ilabas ko lahat ng frustrations ko.
"Ano bang dapat gawin ko?" Sa wakas natapos din ako.
"Mahal ka pa daw ni Nathan? Tapos nandiyan pa si Tristan. ang haba ng buhok mong babae ka!" Sabi ni Rishelle habang niyuyugyog ako. Si Myca at Pia naman nakasimpleng hampas lang sa akin. Ang mga bruha! Seryosong seryoso ako sa pagkukwento at paghingi ng advice tapos ayun ang isasagot sa napakadramang tanong ko. Mga kaibigan ko talagang mga to. Kapareho ko!
Mga isip bata! XD
Halata naman di ba? Kitams kinilig sila dun sa thought ng tanong ni Rishelle. Hindi nila sineryoso yung problema ko. Kung pwede nga lang burahin sa eraser yung problema ko, dati ko pa ginawa. Narealize kong wala akong makukuhang advice sa tatlong mga bruhang ito kaya nakipagchikahan nalang ako. Pero infairness. Gumaan ang pakiramdam ko. Naishare ko yung pinoproblema ko at napatawa na rin ako.
Pero bago ako matulog, ito ang nasa isip ko.
Ang bottomline.
Aalis si Nathan para mag-aral. Aalis si Tristan para magtrabaho.
Teka lang pala. Nakakapansin na ako eh. Bakit ba pati pag-alis ni Nathan pinoproblema ko? Di ba kaibigan ko lang siya? Sinabi ko naman bago kami maghiwalay ng landas nung naglunch kami sa kanila eh. Pero ano ito?
Prinoproblema ba ng isang kaibigan ang pag-alis ng isang kaibigan kapantay ng pag-alis ng kasintahan niya?
BINABASA MO ANG
Mr. Casanova cured my love phobia
Teen FictionTwo broken souls brought together by fate. Two, among seven billion people, who are both afraid to fall in love. One is afraid to take risk in love, one is out to play with love. Nathan never wanted a serious relationship. BEARY never wanted to be...