Chapter 62

1.7K 26 6
                                    

Chapter 62

I want us back

 "Tita Bianca, why po yung eyes mo po nagbablack? Tapos it's swollen. Tita is pangit na." sabi ng pamangkin ko sa akin. "Mommy, is she turning into a zombie? Tapos magkakaroon po siya ng tissue all over her body tapos she's gonna eat us po?" ewan ko kung matatawa ako o mabubwisit sa pamangkin ko. Masyadong pinalalaki ang issue  ng maleta sa ilalim ng mga mata ko. Nakakaiyak kasi yung mga message ni Tristan sa akin... 

"No baby, malungkot  kasi si Tita Bianca kasi nasa malayo si Tito Dom mo. " paliwanag ni ate sa anak niya. "But... san po yung malayo mommy? Sa US po? Di ba po malayo po yung  US dito?" inosenteng tanong nung bata. "Basta malayo baby. Oo baby, malayo yung US dito pero wala doon si Tito Dom. Babye ka na kay Tita Bianca, andyan  na si daddy mo sa labas" sabi ni Ate kay baby pamangkin kaya tumakbo palapit sa akin yung bata. 

"Byebye Tita, kiss kita para hindi ka na sad tapos bibigyan kita ice cream tomorrow. " sabi niya bago sila umalis. Nagbeso lang din si ate sa akin tapos nagpaalam na. 

Kagabi, bago ako matulog. Iyak pa ako ng iyak. Ikaw ba naman ang tambakan ng messages ng pinakamamahal mong tao. Puro nagrereminisce ng past... pinapaalala niya sa akin lahat ng masaya at malungkot na pinagdaanan namin. Tapos sa bawat message niya, may I love you wife. 

Iyak lang tuloy ako ng iyak kagabi. Halos hindi ako makatulog. Naiisip ko yung pinakawalan ko. Pero mas lumalamang yung pride ko. Mas pinili niya yung career over sa akin eh...

----

Tinawagan ko si Alyana para sa isang girl talk. Nalilito na rin kasi ako sa dapat at hindi dapat gawin. Kailangan ko ng pangalawang say sa mga problema ko. Para saan pa't naging bestfriend ko ito kung hindi siya ang pagsasabihan ko.  

"Alam mo girl, mas maganda ka pag nakangiti. Bakit ba parati kang nakasimangot o di kaya nakatulala ngayon? Malapit na ang kasal ko Yan! Dapat maganda ka rin sa araw na yun" Hindi ko alam kung nang-iinsulto ba tong babaeng to o sadyang ganyan nalang talaga siya. "Nasan ba ang papa Nathan mo? Para hindi ka nagmumukmok diyan..." pangasar talaga babaeng to! Papa Nathan daw! "Papa Nathan ka diyan! Huwag ka nga. Kitang broken-hearted pa yung tao... "

"Ay saya teh! Parang ikaw yung brineak ah! Gaga ka talaga. Ikaw kaya nakipagbreak tapos may gana kang gumanyan ganyan" eeeeh. Naman to! Kaya ko nga kinwento sa kanya para kampihan niya ako tapos gumaganyan siya. "Eh sa masakit eh. Second priority lang ako. Tama ba yun?!" 

  

"Malay mo, nag-iipon lang pala kasi balak na magpropose sa'yo!" Kinilig ako sa thought pero paano kung hindi? Pero kasi... alam ko kung gaano ako kamahal ng hubby ko. Kahit na moody yun, napapakalma ko yun. Tsaka alam niya lahat ng tungkol sa akin... close rin siya sa mga kaibigan at kapamilya ko. Ano ba to!  ano ba dapat ang paniwalaan ko?  

...sa ngayon di muna ako masyadong aasa. Tama. Nung nandito siya, open ang communication namin, hindi niya kailanman sinarado yun. Buo ang tiwala niya sa akin kahit madalas kaming magkalayo dahil sa mga trabaho namin. Pero, ayoko ng communication sa cellphone lang. Gusto ko sa personal kami magsesettle ng issues. Tama ulit. Ganun nga. Hihintayin ko yung pagbabalik niya pero iaassume kong wala na kami. 

Mr. Casanova cured my love phobiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon