Chapter 60
Lean on me
Hindi na hinayaan ni Aleynang masaktan pa lalo ang kuya niya pagkatapos ng gabing yun. Kaya siya mismo ang gumagawa ng paraan para mapag-iwas ang dalawa... sa ngayon.
Lumipas ang mga linggo ng pagod sila sa kaniya-kaniya nilang buhay. Si Beary sa trabaho pati sa supermarket, si Nathan sa kumpanya pati sa pakikipagkita sa mga dating kaibigan, si Aleyna sa pagpafangirling, si Liam sa pagiging trainee, at si Tristan sa concert for a cause nila.
Dahil may pangalan ang mga magulang niya sa larangan ng musika kaya hindi mapagkakaila ang talento niya para rito. Dahil doon, napansin siya ng mangilan-ngilan sa mga bigating recording company na Germany. Hindi niya gustong tanggapin ang offer, pero sayang daw iyon sabi ng magulang niya. Araw-araw naman niyang nakakachat si Beary pero hindi niya lang talaga masabi yun sa kanya. Syempre nasasayangan din siya, lalo't oppurtunity niya na yun para mag-excell. Para hindi siya maging 'wala lang' para sa minamahal. Pero kung kapalit ng oppurtunity na yun ang paglayo sa kasintahan ng ilang buwan para sa training, madali para sa kanya ang tanggihan iyon ngunit tinututulan ito ng kanyang mga magulang. Naghahanap lang siya ng timing para mapag-usapan nila to ni Beary. Marami na kasi silang plano.
Sa kabilang banda naman, Si Nathan at Beary? Minsan na lang nagkikita, minsan magkausap, minsan magkatitigan, minsan magkangitian pero para kay Nathan, hindi yun sapat. Hindi niya kaya. Nasanay siyang inaasar ang 'Bee' niya. Kaya makalipas ang tatlong linggo kung saan medyo maluwag na rin ang schedule ni Beary, ay madalas na silang magkita, mag-asaran at magsama na parang dati lang.
"Sunduin kita diyan. Gala tayo, mag-break ka naman sa trabaho" paalala ni Nathan kay Beary habang magkausap sa phone. Aligaga kasi ito sa pagchecheck ng financial reports ng supermarket niya, malapit na kasi ang deadline ng pagpapasa ng reports sa gobyerno. Ayaw niyang makasuhan ng tax evasion noh!
"Sige. Hintayin nalang kita dito sa office ko. Si Aleyna, di natin isasama?" tanong ni Beary na nagpa-isip kay Nathan. "H-hindi na! Bibisita ata siya kay Liam mamaya eh. " pagdadahilan ni Nathan para sila lang dalawa ang magkasama. Wala ng sinabi si Beary pagkatapos nun.
__
Naglibot libot lang sila. Yung tipong ineenjoy lang yung nakikitang mangilan ngilang puno sa paligid, nagtitingin tingin ng mga disenyo ng bahay at mga taong naglalakad, mga batang naglalaro at mga babaeng nag-uusap, mga ganun! Malayo-layo na rin ang napupuntahan nila kaya dahil siguro sa pagod, nakatulog si Beary. Nung mapansin ni Nathan yun, humanap siya ng isang payapang lugar na may magandang view tsaka huminto doon. May baon siyang mga pagkain kaya hinanda niya yun para pagkagising ni Beary, kakain nalang sila.
Pinagmamasdan ni Nathan ang mukha ni Beary habang payapa itong natutulog sa balikat niya, tama kayo, sinandal niya sa balikat niya ang ulo ni beary pero kahit ganun nga, hindi man lang nagising si Beary. Kaya habang pinagmamasdan tuloy niya si Beary, hindi niya maiwasang hindi isipin kung 'Kung hahalikan ko ba siya ngayon, magigising siya?'
Unti-unti na niyang inilalapit ang labi niya sa labi ni Beary nung bigla itong gumalaw kaya ayun, naudlot ang moment ni Nathan. 'Sayang!' sigaw niya sa utak niya. Kumain sila nung tuluyang nagising si Beary tsaka nagjoyride lang ulit tapos hinatid na ni Nathan si Beary sa bahay ng mommy niya. Dun siya umuuwi habang wala si Tristan at habang andiyan ang pamilya niya.
BINABASA MO ANG
Mr. Casanova cured my love phobia
Teen FictionTwo broken souls brought together by fate. Two, among seven billion people, who are both afraid to fall in love. One is afraid to take risk in love, one is out to play with love. Nathan never wanted a serious relationship. BEARY never wanted to be...