Chapter 9

4.1K 43 4
                                    

Chapter 9

Beat Nathan

Malapit ng matapos ang first quarter ng school year kaya naman hindi magtataka kung within this week lang, may mangyayari ng kababalaghan sa akin.

Ano ba kasi ang pumasok sa utak ko at hinamon ko si Nathan Cruz? Yung "Genius Casanova" daw ng school na to. Anong mapapala ko kung mananalo ako? Eh pwede ko lang siyang utusan. Hindi ko na nga iniisip na matatalo ako kasi English yun men. English. Paborito ko yun since diaper days pa.

Mula pa nung tinuturuan palang ako ng alphabet, mahal na mahal ko na ang British accent kaya nga imbes na Mickey Mouse, Dora at kung ano anong kaekekan ang pinapanood ko eh, Harry Potter ang inulit ulit kong panoorin. Dahil kay Hermione yon. May video pa nga si mommy kung saan trying hard akong gayahin ang accent ni Emma Watson. Hanggang ngayon, cute na cute pa rin ang mommy ko sa baby video ko na yun. Anong connect nun sa pagkapanalo ko sa deal namin? Bahala na kayong mag-isip.

"Classmates, sabi ni Miss yung chapter test daw sa Language, sa friday na. Tapos yung Pre-Periodic test natin sa English, sa Wednesday daw...." Inanounce ng class monitor yung mga itetest daw namin tapos free na daw kami kasi may meeting lahat ng faculty.

Monday na nga. Oh Em Gee! Keri ko to! Matatalo ko si Nathan. Kahit na Mr. Perfect lahat ng Exam siya, lakompake. English yun, kaya ko yun. Lakas ng fighting spirit ko! Whooooooosh.

Dahil diyan, tambay ako sa kahit saan na tahimik nitong mga susunod na araw. Hindi kasi ako pwedeng matalo. Ayoko nga! Sinong gustong matalo? Baliw ka na non. Lalo pa kung si Nathan ang kadeal mo. Hirap mo nalang. Kaya nga, baliw na kung baliw. Basta ako, pag nanalo kay Nathan, ititreat ko ang sarili ko. Pwedeng overall spa treatment o kaya super shopping o food trip o bakasyon! My gosh. I'm so excited. Matatalo rin kita, Nathan Cruz. I'm going to beat Nathan and make him eat my dust. Maghintay ka lang Mr. Know-it-all! Kekekekeke~

" Pag indefinite pronouns , singular verbs... pati pag ginamitan ng together with, as well as, in addition to,singular verb din... Pag gumagamit ng either/neither, depende kung yung subject na malapit sa or/nor. Singular subject, may 's' ang verb. Plural, wala..." Nirerecite ko yung subject and verb agreement nung biglang may sumabat. Sino pa ba?

"Oy tama na yan. Nahiya naman ako sayo. Pinaghahandaan mo pala yung deal natin. Handa ka na bang matalo?" singit ni Nathan sa akin. Andito pala siya? Kelan pa?

"Asa Nathan. A-S-A! Tawanan mo ko sa Math pero wag mo kong i-ismallin sa English." pataray kong sagot sa kanya. Sampung buwan kong pagtitiisan ang ugali ng taong to. Goodluck nalang di ba? Lumipas ng ang tatlong buwan ng napakabilis eh. Madali lang siguro ang pitong buwan pa. I can't wait. Ang peaceful siguro ng buhay ko sa bakasyon.

"We'll see. Anyways, came here not to piss you off but to invite you to our house. Party ni A.M. sa saturday. Here's your invitation. And off I go. Still got a pictorial to nail. Goodluck nalang sa pagrereview mo kahit alam kong matatalo kita." Argh! At nagawa pang tumawa. Bwisit talaga yung lalaking yun! Ang yabang yabang niya!

Nagpatuloy na ako sa pagrereview ko. Buti nalang nga at review days ang one week before ang periodic exams kaya freeng free akong magmukmok dito sa study sheds kasama nitong mga reviewer ko. Ang ayaw ko lang, hindi nga sabay sabay yung schedule ng Periodic exams per subject, may klase naman dun sa mga subject na hindi affected. Yan tuloy, may chapter tests ekek pa kami kasabay ng periodic test. Nakakatamad kayang magreview ng magreview. Kung sa bahay to, panigurado, wala akong matututunan. Grabe ang tawag ng kama sa akin pag nasa bahay ako eh. Sarap matulog e.

"Uy girl! Break muna. Nagdala ako ng pancakes. Ako nagluto nito." Ang bait bait naman nitong si Isabelle.

"Salamat Isa! San yung iba?" wala kasi siyang kasama. Eh lagpas 10 sila sa barkada tapos ako, salimpusa.

"Nagpunta sa Heroes Park. Trip nila yung kubo doon eh. Manonood daw sila ng movie. Break muna sa pag-aaral. Gusto mong makijoin?"

"Gusto mo? Tara! Nakakapagod din magreview eh. Nakakaubos ng energy!" sabi ko habang nililigpit yung mga gamit ko.

"Tulungan na kita" sabi niya tsaka nakiligpit ligpit na din sa mga book at pamphlet na nakakalat.

"San nga dito yung Heroes Park? Ba't parang di ko pa nakikita yun?"

"Ha? Nakakatuwa ka talaga! Dun lang yun sa dulo ng hallway papunta sa classroom natin eh." Nanlaki talaga yung mata ko nung sinabi niya yun. May park pala doon banda? Bakit di ko alam yun? My geeeeeee!

"Talaga?!" Tawa siya ng tawa sa reaksyon ko.

EH SA HINDI KO ALAM NA DOON PALA YUN EH >3<

"Tawa pa~! Grabe di ka na natigil naman" Grabe tong babaeng to. Di na tumigil sa kakatawa niya. Titingin lang sa mukha ko, tatawa ulit ng walang humpay. Imbes na mainis ako, natatawa na rin tuloy ako sa kanya. Ang cute cute niya kasing tumawa. Nawawala yung mata.

Mr. Casanova cured my love phobiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon