Chapter 61

1.8K 28 10
                                    

Chapter 61

Unbreakable Bond

Beary's POV

317 missed calls mula sa taong miss na miss ko na. Marami rin siyang messages sa skype na inignore ko lang. Pati email ko at pati ibang networking sites ko, andun siya. Paano naman yun? Ako nakipagbreak di ba? Eto nga ako at magang maga pa mga mata sa kakaiyak sa nawalang tatlong taong pinagsamahan namin. Bakit ganun? Bakit mas pinili niya yung trabaho o kung anumang oppurtunity na yun kesa sa akin? Mas mahalaga ba talaga yun kesa makasama ako? Kesa umuwi dito at mag-enrol sa review school kasama ko? Pero kahit ganun, sising sisi na ako kung bakit lumabas pa sa bibig ko ang tanong na yun. Napakaimpulsive ko! Tapos ano? Eto ako oh, pinapanood ko lang yung pag-ilaw ng cellphone habang nagriring dahil sa mga tawag niya. Pero hindi! Kahit ano pa yung dahilan niya. 

Bakit mas pinili niya yung oppurtunity na yun kesa sa akin?! 

Masakit. Pero kailangan kong tiisin. Bahala na kung anong mangyayari. 

"Umiiyak ka na naman" napatingin ako sa pintuan ng kwarto ko nung marinig ko yun. Si Nathan. Parang kailan lang, umiiyak ako dahil kay Nathan tapos siya ang nagpapagaan ng loob ko. Ngayon kabaligtaran naman. Kumbaga, ako naman ngayon ang nang-iwan. Ako nakipagbreak eh. Tapos ngayon, may masakit na dahilan yung break up namin di tulad noon, expiration date lang. Kung tatanungin niyo kung alin ang mas masakit, Ito, yung ngayon. Mas masakit to kesa noon. Pero kahit ganun kailangan ko pangatawanan. Ako ang dahilan bakit nagkaganito eh. 

Tama. Dapat panindigan ko nalang ang desisyon ko. Ngumiti ako kay Nathan. "Hindi. Napuwing lang ako. Bakit naman ako iiyak? Ako nga nakipag-break eh" Napailing si Nathan sa akin. I knew I was not born an actress. I can't hide my bitterness. 

"Smile because you want to spread the love, not because you don't want anyone to see the sadness in your face. Alam mong hindi uubra 'yan sa amin Bee. Cry. Reflect on everything. I won't say don't go back to him nor go back to him. Pag-isipan mong mabuti. Damn! I wish I could wipe those tears away. " Niyakap niya si ako at doon ako mas lalong naiyak. I miss him. I miss my hubby.

"Akala ko kasi tama sila... Minsan talaga, tamang paasa yung mga quotes noh? May pa- Sometimes, smiling and pretending to be happy is just easier that explaining why you're sad pa sila eh hindi rin pala effective lalo na kung may taong kagaya niyo sa paligid nila." Pinunasan ko ang mga luhang lumandas ulit sa pisngi ko. Nakakapagod umiyak. Pero thankful ako kasi may mga taong tulad nila sa buhay ko. Hindi ko pa kasi maikwento sa kanila. Basta ang alam nila nakipagbreak na ako sa kanya. Yun lang. 

"Basta, Bee... pag-isipan mo. Sometimes we just don't need any commitment to be happy, we just need someone who can make us smile everyday and cares for us in any way they can.niyakap niya ako ng mas mahigpit habang lalong lumalakas ang pag-iyak ko. Umiyak lang ako ng umiyak hanggang sa nakatulog na ako.

----

"Alam mo bang wala akong ibang hinangad kundi ang mapalapit ulit sayo? Pero ito, patuloy ang pag-iwas mo. Bonus pa 'yang pag-iyak mo. Masokista na yata ako eh. Tignan mo anong ginagawa mo sa isang Nathan Cruz, Bee. If only... " gising na ako pero ayokong magdilat ng mata. Gusto kong marinig ang sasabihin pa niya... Binantayan niya ako? Matagal ba akong natulog? Teka-MASOKISTA? Am I hurting him? Oh my God! If seeing me hurting is hurting him, then... "you'll let me be yours again"  No. This can't be. Nagdilat na ako ng mata at nakita ko kaagad siya. Nag-iwas siya ng tingin. Pero hindi nakawala sa akin yung pagkislap ng tubig sa pisngi niya. Umiyak siya. May iba pa kaya siyang sinabi habang natutulog ako? 

Mr. Casanova cured my love phobiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon