Chapter 15
Insecurities
"Hoy Beary! Kainis ka na ha. Ang sweet sweet niyo ni Nathan. Ang sakit sa puso. Bakit ikaw pa? Bakit kaibigan ko pa? Mas gugustuhin kong kahit babaeng mababa ang lipad nalang. Bakit ikaw na kaibigan ko pa? " Pagdadrama ni Monica. Naikwento na kasi sa kanila ni Judy.
Andito kami ngayon sa tambayan namin, ang Heroes Garden. Naalala ko na naman tuloy yung katangahan ko nung first day. Laughtrip ako sa sarili ko.
"Kinikilig siya mga teh! Nangingiti mag-isa. " narinig ko pang sabi ni Cristina kay Monica.
"Wala kang puso!" mas madramang pahayag ni Monica. Kaya siya nagiging officer sa drama club eh. Ang galing umarte! Magaling din siyang kumanta. Nung minsan kasi na may program sa school may mini musical na prinoduce ang drama club. Isa siya sa mga bida.
"Timeout nga. OA na Nics. Awat na, hindi kami okay?" subok ko sa pagpapaliwanag. Di naman talaga eh. "Malandi lang talaga si Nathan. " dugtong ko pa.
"Hindi sapat na dahilan yun. Alam mo yung kasabihan na "It takes two to tango, yun. Hindi naman magkakaroon ng lalandiin si Nathan kung hindi ka pumapayag. Choice mo din yun" parang biglang may tumusok na karayom sa puso ko pagkarinig ko sa sinabi ni Isabelle. Did she just, impliedly, called me malandi? Ouch ha. Sa tinuturing ko pang pinaka close na kaibigan nanggaling.
"Alam mong hindi ako ganun. Ikaw, sa lahat ng nandito, ang pinakahindi ko inaasahan na manghuhusga sa akin ng ganun. Sorry ha? Hindi ko din kasi inaasahan na magiging ganun kami kaclose ni Nathan. Hindi ko nga din alam paanong naging ganun nalang eh. " puno ng pait na sabi ko bago tumayo at umalis dun.
Hindi na din ako pumasok sa sumunod kong mga klase. Pumunta ako sa clinic para kumuha ng pass para makauwi. Sinabi ko nalang umatake dysmenorrhea ko at hindi ko kaya ang sakit. Pumayag naman ang nurse kasi 2 subject nalang.
Yun din ang sinabi ko nung magpasundo ako sa driver namin. Alam ko, alam ni mommy na nagsinungaling ako pero hindi siya nagtanong. Dumiretso nalang ako sa kwarto ko tapos umiyak. Naiinis ako sa sarili ko. Ang sensitive ko kasi minsan. Alam ko naman kasi sa sarili ko na hindi ako ganun e. Pero the fact na naisip ni Isabelle yun, masakit. Akala ko, okay kami e.
"Nagseselos ba siya kasi close kami ni Nathan?" sabi ko sa sarili ko tsaka lalong linubog ang mukha ko sa unan. Ang childish naman. Hindi ko hawak ang utak ni Nathan. Kahit naman bawalan ko siya, ako pa rin talo sa kakulitan niya eh.
Naiinis ako na hindi ako yung taong pag namisunderstood, kayang ipaliwanag yung side nila. Hindi kasi ako ganun. Nakakainis na hindi ako ganun. NAKAKAINIS!
Minsan ayoko ng maging ako. Takot kasi ako. Takot akong ganito. Takot ako na pag naaattach ako sa mga tao, magkakaroon sila ng dahilan para ayawan ako, para masaktan ako. Ayokong masaktan. Takot akong masaktan.
Isang oras din akong nagmukmok. Naghilamos ako pagkatapos. Ayokong mapansin nila na umiyak ako. Humiga ulit ako sa kama pagkatapos kong maghilamos. Paano na bukas? Hihiwalay na ako sa grupo nila? Hindi ko na sila papansinin?
Sanay naman ako e. Sa dati kong school, wala akong matuturing na best friend. Meron naman akong mga nakaclose pero hindi ako yung taong nakakapagsabi ng problema sa kanila. Parati lang yung tipong pag may lakad, sama lang, pag may birthday, bigay ng regalo. Mga ganun lang.
Tingin ko kasi, pag nagsabi ako, aayaw na sila sa akin. Naputol ang pag iisip ko nung may kumatok.
"Bakit po?" sigaw ko sa kumatok.
"Bee, pwedeng pumasok?" Nathan? Ano namang ginagawa niya dito?
"Bakit ka nandito? May assignment ba tayo o kaya project na pinapagawa?" tanong ko sa kanya pagkabukas ko ng pinto. Pumasok naman agad siya.
"Umiyak ka?" tanong niya. Yumuko ako. Para kasing maiiyak ako ulit pag tumingin ako sa kanya.
"Wala. Masakit puson ko kanina e. Dysmenorrhea lang.''
"Talaga? Ang alam ko kasi 2 weeks palang nung last kang nagrereklamo na masakit puson mo. Ang aga naman yata ng dalaw mo." Natigilan ako sa sinabi niya. Shit! Ang talas naman ng memorya nito.
"Meron kaya yun. Irregular ako. Normal lang yun pag di pa nagbubuntis."
"Kay, sabi mo eh. Okay ka na? Sabi ni tita kanina ka pa dito." sabi nalang niya kahit halatang hindi siya naniniwala.
"Medyo. Alangan namang lalabas pa ko, masakit nga e. Labas ka na nga! Dun ka na kina mommy" Tumalikod naman siya kaagad.
"Kung umasta, parang meron talaga. Moody" bulong pa niya. Tss. Bubulong, yung dinig pa!
"Che!" sabi ko nalang. Humarap naman siya ulit.
"Hindi ka malandi, okay? Hindi ka nga nagpapaligaw e. Paano ka naging malandi nun? Isa pa, ako nga, pinagpipilitan ko pa sarili sa'yo eh. Huwag kang papaapekto sa hindi naman totoo. Okay? Insecure lang yun. Close kasi tayo." sabi niya tsaka yumakap na. Tsansing to! Hayaan na nga. Kinocomfort naman ako ng yakap niya.
"thank you" pabulong kong sabi tsaka yumakap na pabalik. Thank you, Nate. Kahit malandi ka, mabait ka naman pala.
BINABASA MO ANG
Mr. Casanova cured my love phobia
Teen FictionTwo broken souls brought together by fate. Two, among seven billion people, who are both afraid to fall in love. One is afraid to take risk in love, one is out to play with love. Nathan never wanted a serious relationship. BEARY never wanted to be...