Chapter 69

1.6K 21 2
                                    

Chapter 69

Choice, Change, Principles

Beary's POV 

"Hindi naman kasi kita nilalandi. Dinadaan ko nalang nga sa biro mga hirit ko para hindi ka mailang. Mahal ka kaya nito..." turo niya sa puso niya. Seryosong seryoso ang mukha niya. "...kaya lang may may-ari sa'yo. Ibreak mo na nga yan at piliin mo ulit ako" 

"Ewan ko sa'yo Nathan. Tigilan mo na nga yan." 

"Yayayain lang sana kita lumibot eh. Aalis na kaya ako sa lunes. Mamimiss kita kaya sinusulit ko na pero sinusungitan mo lang ako. Wag na nga lang. Sige alis na ako. Kung ayaw mo na talaga sa akin, sige... hindi na ako magpapakita sa'yo. " sabi niya tsaka dumiretso na sa gate. 

"Ah Bee... pag biglang nagbago ang isip mo. Pwede mong pigilan yung pag-alis ko. Monday yung flight ko, 6 AM ang alis ng eroplano. Pag dumating ka, ibig sabihin, ako ang pinipili mo. Ay oo nga pala. Kamay mo?" Lumapit siya sa akin. May kinuha siya sa wallet niya tsaka nilagay sa kamay ko. 

"Pag ako ang pinili mo, sumama ka nalang din sa akin sa US. Ayaw natin pareho ng long distance relationship di ba? Kaya yan. Piliin mo na ako niyan. Mahal ang ticket papunta dun." Nakuha pang magbiro samantalang ako naguguluhan na dito. 

"May hihingin lang ako. Baka kasi last na to eh. " Sa lalim ng iniisip ko, hindi ko na pinansin kung anuman yung gusto niyang hingin. Basta ang alam ko, kinukuskos niya yung labi ko, parang nililinisan.

Nabalik lang ako sa katinuan nung maramdaman ko ang labi niya sa labi ko. 

"Sabi ni Stephen Covey, 'There are three constants in life... change, choice and principles. ' " sabi niya nung humiwalay siya. Nilagay niya yung noo niya sa noo ko tsaka  tumuloy sa pagsasalita.

 "It's your decision to make the choice whether to have the change or not without breaking your principles"

Pagkatapos ng quotable quotes na iniwan niya para alugin ang utak ko, umalis na siya. 

"Sus. Buti naisipan ng umalis nun. Tara na nga sa loob. Ano bang sinabi nun? Ang tagal tagal niyong mag-usap. Nakapagluto na nga ako ng meryenda sa tagal eh." 

"Wala naman. Aalis na daw siya sa monday. Nagyaya lang. Sulitin daw natitirang araw niya sa Pilipinas" 

"Ako din, sa monday din ang balik ko sa Germany kaya nga sinusulit natin ang oras sa isa't isa di ba?"

Mr. Casanova cured my love phobiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon