Chapter 24
Break"Tignan mo. May mga nagsend na naman ng picture mong may kasamang ibang babae. Saan nila nakukuha number ko?" Ipinakita ko sa kanya ang mga picture. May ibang demure pa kasi magkatabi lang sila o kaya naglalakad lang ng magkahawak kamay.
Mayroon din malala. Naghahalikan na e. Tapos iba ibang babae pa. Sinisiraan siya.
"Kumusta? Nagseselos ka na?" Ang ganda ng tanong niya noh? Hindi kasi ito ang unang beses na may sumubok na siraan siya sa akin. Yung iba nga kineclaim pa na recent lang yun.
"Wala. Okay lang. Atsaka naman kasi, sana hindi na nila kineclaim na recent yung pics eh magmula nung nakilala ko si Aleyna, parang dito na din kayo nakatira sa bahay. Paano ka makukuhanan ng picture kasama yung mga babaeng yun eh busy kang bantayan ako." Totoo naman kasi. Lagi kaming magkabuntot. Kung asan yung isa, andun din yung isa.
"Ano ba yan, kahit magpanggap na nagseselos, wala pa rin?" Para siyang bata kung makapagreklamo. Eh sa hindi ko mafeel ang kahit katiting na selos e.
"Paano ba magselos? Ano feeling? Malay mo nagseselos na pala ako, di ko lang alam na yun na pala yung selos. Di ba nga I'm new to all of this? Inexperienced." Tinuro ko ang sarili ko pagkasabi ko ng inexperienced.
"Not that I'm always jealous but you feel like it when you feel hurt seeing somebody you like talk, walk, laugh or interact with an opposite sex. You want to strangle someone who makes a move to your special someone. Or as simple as wanting to claim possesion on your partner. Or wanting to take away those who comes close to her." Wala naman akong killer instincts. And I don't plan on developing the slightest bit. Hinahayaan ko lang din siyang lumapit lapit sa girls.
"Nah. Wala talaga. Siguro you could say I'm jealous pag binawalan na kitang tumanggap ng stints na may kasamang babae."
"Wala pa ring feelings. Robot!" Pabiro niyang sabi sabay lapag ng tuna sandwich sa harap ko. Tinawanan ko lang siya. Okay. Robot it is.
"San kayo sa Christmaw break? Gusto kong bumalik sa farm niyo. Kahit before Christmas lang." Nagtatry ako magpacute. Well. Siya dahilan bakit umuwi na kami. Mag aayos pa kasi siya kasi yung Division level nung isang competition na sinalihan niya sa first day ng klase nitong November kaya kailangan na niya magreview and magpractice.
"Ang alam ko, they're choosing between a trip to Davao or a trip to Prague. Wala pang final decision. Gusto mong sumama? Dad would be glad to have you there. Aley too. And of course, I'd love to come with you." Nakikagat siya sa sandwich ko after niya magsalita.
"Baka hanggang New Year's eve naman trip niyo? Paano naman sina mommy?" Tatlo nalang nga kami e, iiwan ko pa ba sila?
"Sama natin kung okay sila. Dad would not complain. Mom doesn't have a say. Tanungin natin sila?" Tinaas baba niya ang kilay niya habang nakangiti. Uminom din siya ng juice gamit ang baso ko. Nagshrug lang ako. Kasi nagpapaparty si mommy sa company 3 days before Christmas and usually charity event ang Christmas party na inoorganize nila kaya di ko sure kung papayag yun. Part kasi ng corporate social responsibility and masaya kaya maggive back.
"Kuya, let's go home na po. Yaya texted po that dad and mom are expecting us sa dinner." Humiwalay siya sa akin tsaka tumayo. Tunulungan niya din akong tumayo. Gusto niya kasi hinahatid ko sila sa gate and nagpapaalaman kami ng maayos.
"I'll miss you." Hinalikan niya pa ako sa pisngi bago pumasok sa kotse nila.
Wala na din akong magawa pagkaalis nila kaya nanood lang ako ng sci-fi movies. Lumabas lang ako nung kakain na kami. Dumiretso na din ako sa kwarto pagkatapos kumain. Natawa pa nga ako kasi nung tinext ko siya na ganun lang ang ginawa ko. Sabi niya,
"See. Our lives become boring the moment the moment we part so make sure we don't break up. I'll genuinely miss this, whatever you call this thing we have." Ako din. It'll break me to lose whatever this is that we have. Nathan and I are mutually special.
Nag-iiscroll ako sa feed ko sa facebook nung makakita ako ng isang picture na nakatag kay Nathan at Aley. Medyo masakit.
May pa siyang our lives become boring the moment we part pa siyang nalalaman!
I texted him after seeing the photo.
To Nie:
Once a playboy, always a playboy.
BINABASA MO ANG
Mr. Casanova cured my love phobia
Teen FictionTwo broken souls brought together by fate. Two, among seven billion people, who are both afraid to fall in love. One is afraid to take risk in love, one is out to play with love. Nathan never wanted a serious relationship. BEARY never wanted to be...