Chapter 26
Lecheng Nathan"Nagseselos ka? Kanino, kay Misha? May boyfriend yun! Ikaw nga tsaka yung boyfriend niya pinagkukwentuhan namin." Nakatalikod pa rin ako sa kanya pero sigurado akong nakangiti siya. Naramdaman ko nalang ang mahigpit na yakap niya sa akin.
"Pero, Bee. Nagseselos ka! Ang saya ko! Sige. I'll give you space. Cool down, okay? " Narinig ko pa ang mumunti niyang tawa pagkatapos akong halikan sa pisngi at dumiretso sa labas. Malamang nagsabi na yun Kay mommy.
Hindi naman kami talaga magkikita pagpasok sa school kasi DSPC na. Tapos bukas na isa yung Division level ng Math Challenge. Busy siya. Kaya siguro pumayag ba di kami muna magkita. Hmp!
Nagtataka man yung mga kaklase namin kasi di kami masyadong nag uusap tuwing nasa school siya, ipinagsawalang bahala na din nila.
May nakakasense din na nag away nga kami at hindi mawawala ang mga atat kung magconclude na wala na kami. Okay lang. Bahala sila. Basta ako? Masaya sa tahimik kong buhay.
"Hindi nagtetext si 'Nie mo'?" tanong sa akin ni Isabelle. Umiling ako. Kasi hindi naman talaga. Malay ko dun! Sasakit lang ulo ko pag inalala ko pa.
"Tsk. Tsk. Akala ko pa man din unbreakable kayo. Selos lang pala katapat niyo e" panunuya ni Juaren. Nagkibit balikat lang ako. Hindi pa naman e... Yata?
"Huwag ka nga. Pag umiyak yan, ikaw magcomfort!" pagbabawal ni Monica. Bumaling siya sa akin.
"Ang mga dyosa, di namomroblema sa lalaki. Habulin kaya tayo. Cheer up!" Hay nako Monica. Kailan kaya siya titigil kakadyosa niya? Siguro kung alam niya iniisip ko sasabihin niya, 'never'. Dyosa siya e, eh di siya na!
"Ayun, tumawa rin sa wakas! Lakas ni Monica. Iba alindog ng dyosa!" biro ni Rishelle. Nagbiruan sila ng nagbiruan na akala mo wala ako dun. Mga baliw talaga.
"Ryza! December na" excited na paggising sa akin ni Ate Anya. Nakaugalian na kami sa household namin na December 1 kami magtatayo ng Christmas tree at magdecorate ng bahay. Excited siya kasi gustong gusto niya ang designing. Yun ang tinapos niya e.
"Hindi pa rin ba kayo bati ni Nathan? Miss na miss ko na si Aleyna." pagrereklamo ni mommy sa akin.
Eh nakalimutan na niya ako e. Nalaman lang niyang si Isabelle pala yung batang babaeng crush niya nung 5 years old siya, naging papansin na siya kay Isabelle. Minsan nga si Isabelle pa nagpapalapit sa kanya sa akin. Leche niya! Bahala siya sa buhay niya.
Imagine my surprise! Kaya pala crush na crush niya si Nathan. Pero hindi naman siya papansin, discreet pa nga e. Matalino kasi. Marunong lumugar.
"Hi baby. I missed you!" sabi ko pagkasagot ko sa tawag ni Aleyna.
"I missed you too Ate Bee!" excited na sabi niya. "Can I come over? I missed you and Ate Anya and mommy so much." Umoo ako sa kanya tapos nagkwentuhan kami habang hinahatid siya papunta dito. Wala si Nathan. 1 week yung wala para sa RSPC.
"How's Kuya Nate na baby? Ate Bee's being grumpy because kuya doesn't like her anymore?" panunuya ni Ate sa akin. I reacted with nonchalance. I seriously dont care anymore.
"He's competing sonewhere in the region. Ate Bear, who is Isabelle? He is telling dad about a certain Isabelle. He even appeared ecstatic upon telling dad about her." oh. Eh di magsama sila! Pakasal na sila! Lakompake! Ako pa magbayad sa paring makakasal sa kanila e.
"Isabelle is your kuya's first love. I think they reconciled already." Okay lang naman sa akin e. Basta wag silang magpakita sa akin. Kainis. Wala pa ngang formal breakup, napakilala na agad sa tatay.
Lecheng Nathan. Kahit kailan ka talaga!
BINABASA MO ANG
Mr. Casanova cured my love phobia
Teen FictionTwo broken souls brought together by fate. Two, among seven billion people, who are both afraid to fall in love. One is afraid to take risk in love, one is out to play with love. Nathan never wanted a serious relationship. BEARY never wanted to be...