Chapter 40

2.6K 29 6
                                    

Chapter 40

Lessons from a Casanova

 

Beary's POV 

 

 

Galing kaming Baguio :))))

Dun namin sinelebrate yung last monthsary namin. Pumunta kami sa lahat ng park. Masyadong madami na hindi ko matandaan yung mga pangalan. Nangabayo kami, sumakay sa bangka, pumunta doon sa madaming bulaklak, naglibot, nag SM, bumili ng souvenirs, nagpunta sa Teacher's Camp,  PMA, Camp John, Burnham, Bell Park, sa strawberry farm! Sa buong Baguio City.   Tapos nung pauwi na nagside trip pa kami sa isang resort sa La Union. Hindi ko matandaan yung pangalan basta maganda yung resort. Tsaka may hot spring :)))) 

Maraming masayang alaala yung last monthsary namin. Mga nakakahiyang encounter namin sa mga Igorot na pinagsayaw kami... etc. 

And 3 days nalang  aalis na sina Nathan. 

Ang saya saya pa namin tapos yun nga, tuwing naalala kong aalis na sila tapos hindi sure kung kailan ang balik nila, nalulungkot ako. Yung tipong kung pwede lang na wag nalang silang umalis. O kaya kung pwedeng wala ng divorce divorce bago ikasal ulit para di na lang kami magkakalayo ng Nie ko. Isa pa yun sa iniisip ko. Yung june 17. Anong mangyayari sa akin sa June 18 and so on? Si Beary pa rin kaya ako pagkatapos ng Nie/Bee? Ako pa rin kaya yung dating ako? 

 Ang sagot? Hindi. Binago ako ni Nathan. Binago niya ang pananaw ko. Mali. Pinaintindi niya sa akin na hindi ako takot magmahal. Hindi. Sinasabi ko lang yun kasi natatakot ako ulit maiwan. Sabi nung isang post na nakita ko, 

"You are not afraid to love, you are afraid of not being loved back"

Na sinuportahan pa ni Nathan. Sabi niya, hindi ako takot mainlove, takot akong maiwan kaya takot akong magtiwala. Takot akong magtiwala sa taong maaring hindi deserving ng pagmamahal ko, takot ako Oo, na halos ilayo ko ang sarili ko sa mga lalaki pero ano? May isang playboy na unti-unting sumisira ng matibay na pader na ibinakod ko sa puso ko. May isang henyo na unti-unting lumulusaw sa makapal na yelo na ibinalot ko sa puso ko. 

Ang dami kaya nyang quotable quotes! 

" Actions may cause you to fall in love. Words may cause your heart to break. Friends may bandage the wounds, but the only cure is your strength."  naaalala ko pa mukha niya nung sinasabi niya sa akin yan. Parang tinitignan niya ako nun mula sa kaibuturan ng pagkatao ko. Gustong gusto niyang marealize ko na hindi dapat ako matakot magrisk pagdating sa love, kasi hindi ko naman maiintindihan bakit maraming nagpapakatanga sa love na yan kung hindi ko masusubukan first hand. Tulad nga ng sabi sa quote, 'Actions may cause you to fall in love' sabi niya nga,  'Actions speak louder than voice" daw pinakasimpleng explanation pero may kadugtong pa di ba? 'Words may cause your heart to break' kasi though pinapakita mong mahal mo ang isang tao kung iba ang sinasabi mo, pwede kang mamisinterpret. Or pwedeng ganun ka sa lahat pero dahil assuming siya, iniisip niya na yung actions mo may meaning. Syempre pag broken hearted ka to the rescue ang friends, kulang nalang pagtulungan niyo yung third party o yung partner mismo para gumaan ang feeling mo. Pero kahit na gaano pa kasensitive ang mga tao sa paligid mo, ikaw at ikaw pa rin ang makakapagdesisyon kung kailan ka dapat tumigil na masaktan. Ikaw ang nagpapasok sa kanila sa buhay mo. Ikaw ang nagbigay sa kanila ng permiso para mahalin ka at masaktan ka. Ikaw, sa huli ikaw ang babagsakan ng lahat. Nasa 'yo ang desisyon kung pipiliin mong maging masaya at mag move on o magpakabitter at umiyak buong buhay mo. Matatag ka ba para makayanan ang sakit na katumbas ng pagmamahal?

Mr. Casanova cured my love phobiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon