Chapter 17
Perfect
"San ka galing? Tagal mo. " Salubong sa akin ni Nathan pagkauwi ko.
"Ba't andito ka ulit?"
"Wala lang. Miss na kita eh."
"Akala mo naman tayo. Umayos ka nga. Kasama mo si Aleyna?" Sa totoo lang hindi naman ako nagrereklamo na nandito siya parati sa amin. Si mommy at ate nga akala mo kapamilya na si Aleyna e. Nung minsan nga na galing si mommy sa Dubai dapat sa isang business meeting si Aleyna lang ang may pasalubong, kami ni ate wala.
"Oo nandiyan kasama si Liam tsaka si Tita Elle. Hindi ka naman miss nun, bakit hinahanap mo?" narinig ko ang iritasyon sa boses niya. Ipinagsawalang bahala ko lang yun. Bakit ba. Hindi ko siya kailangang suyuin, wala naman kaming relasyon talaga.
"Alam mo minsan, nakakainis kang kasama. Pero madalas, hindi naman. Kaya masanay ka na, mangungulit ako sa'yo hangga't kaya ko." Nakuha pa niyang guluhin ang buhok ko.
"Nakakainis ka Nathan! Guluhin mo na ang lahat, wag lang ang buhok ko. Argh!" sabi ko sabay palo sa kamay niya. Tumawa lang siya tapos lalong ginulo ang buhok ko.
"Yung mga bagay na kinaiinisan mo, wag mong ipagsabi. Kasi mas lalo lang gagawin yun sa'yo." sabi niya pa. Asar ka Nathan! Letse ka!
Hindi ko siya pinansin magmula nun. Tuwing mapapatingin ako sa kanya, nakatingin siya sa akin pero sinasamaan ko lang siya ng tingin. Tatawa lang siya. Kainis. Nawiweirdohan na nga si mommy sa amin eh. Magbati na daw kami.
Heh! Ewan ko kay Nathan. Naiinis ako! Lesssssssssheeee! Si Aleyna at Liam lang pinapansin ko. Bahala si Nathan sa buhay niya.
"Ate Bear! We'll go ahead. Goodbye! I will miss you." paalam sa akin ni
Aleyna nung aalis na sila. Maggagabi na din kasi e.
"Bye baby. I'll miss you too. When are you coming back?"
"I'll see if I could go back tomorrow. Kuya Nate said he'll be busy tomorrow so, I won't promise you. I'll see you soon ate. Goodbye." sabi niya na may kasamang yakap at halik. Aleyna is so adorable. Isa siyang walking keychain. Ang cute cute! Napakasweet pa.
"Batiin mo na si Nathan. Para kang bata" sabi ni mommy tsaka iniwan akong nagwewave sa kasasakay lang na si Aleyna.
Mommy! -______-
Mas love na niya si Nathan kesa sa akin :3
Panay ang kalabit sa akin ni Nathan habang nagkaklase kinabukasan. Panay din ang pagtapik ko sa kanya.
"Mr. Cruz, Ms. Yan alam kong parehas na kayong matalino pero would you two please respect me, I'm still your teacher and I'm teaching here. Kung alam niyo na itong tinuturo ko, please behave and let the others learn the lesson. Or would you two want to go outside?"
"Sorry Sir, si Nathan kasi, kanina pa po niya ako kinakalabit. I'm trying my best to behave and listen to you just how it works everyday pero Nathan is pestering me po. Pwede po bang magchange seats na lang po?" tanong ko kay sir. Mukhang iniisip niyang pagbigyan ako kung hindi lang nagsalita itong katabi ko.
"Kung sana nakikipagbati ka, hindi naman kita kukulitin. Wala naman akong ginawang masama, nag iinarte ka na. Sino kaya sa atin ang hindi namamansin di ba?"
BINABASA MO ANG
Mr. Casanova cured my love phobia
Teen FictionTwo broken souls brought together by fate. Two, among seven billion people, who are both afraid to fall in love. One is afraid to take risk in love, one is out to play with love. Nathan never wanted a serious relationship. BEARY never wanted to be...