Chapter 21
MasakitMinsan ang insensitive ni Nathan. Kainis siyang tunay. Hindi ba niya alam na dapat pagpasensyahan ang babaeng nagpi-PMS. Pupunas ko sa kanya dugo ko e.
Well, joke lang. That would be super gross. For one, malansa. For two, malagkit. For three marumi yun. Kaya nga ini-excrete ng katawan ng mga babae eh. Kalevel sya ng pawis, ihi, tae, suka, kulangot at kung ano ano pang toxins na nilalabas ng katawan.
"Bee. Tayo kana kasi. Paano kita masasama sa province kung hihilata ka lang? Bearable naman yung sakit eh. Para san pa ang painkillers?" kumulo ang dugo ko sa sinabi niya. Walanghiya talaga minsan si Nathan. Nakahilata pala ako niyan eh para nga akong bola na nakayakap sa tuhod para lang maipit ang bottle ng mainit na tubig puson ko eh.
"Palibhasa hindi mo nararanasan. Sa inyo kasi tuli lang. Once in a lifetime lang maranasan eh sa amin? Monthly. " Ano ngayon kung masakit matuli? Hindi naman monthly nararanasan tapos ano? Babae din nakakaranas ng panganganak. Hindi nga sila nagkakamenstrual cramps for 9 months, babawi naman pag maglelabor na. Tapos habang nanganganak, nakataya pa buhay namin. Hell. Bakit nakakadagdag pa si Nathan sa mood swings ko.
"Okayyy" sabi niya sabay taas ng dalawang kamay para sabihing sumusuko na siya. Dapat lang! Kaya nga hindi ako naniniwala na inferior ang babae sa lalaki eh. Sa kababaihan binigay ni God ang privilege na magdala ng sanggol, ng buhay sa loob nila. Anong laban ng physical strength ng boys ng pribelehiyo ng kababaihan na magdala ng buhay sa sinapupunan nila? Walang wala. Eat our dust guys. Mas malaki responsibility namin kesa sa inyo.
"Ayaw mo talaga sumama? Aalis kami before lunch. Don't you want to see a new place? Breath of fresh air kumbaga?" sabi pa niya. Well pwede namang pag usapan pero mahapdi talaga eh.
Ayoko mgapainkillers kasi may side effects yun. Isa pa pag regular akong nagpainkillers, ma-accustome ng katawan ko yung painkiller and so pag nangyari yun dapat dagdagan ng dosage. Never ko pinangarap mahirapan in case, wag naman sana, kailanganin kong magundergo ng operation and kailangan ng painkillers.
"Pwede naman kasi magtake paminsan. You know. Hindi masasanay yung katawan mo sa gamot kung hindi naman regular na tinetake. Just this once, please?" Pagpipilit niya.
"One week lang naman tayo di magkikita. Tiisin mo nalang please" I teased him. Nilapatan ko din ng kaparehong tono ng pakiusap niya kanina.
"You're no fun, Bee. Ibuburo mo sarili mo dito just for a day of cramps? Paano yung next days? Wouldn't you want yo spend them with us? Besides pumayag na si Tita. I can even get out of here while dragging you. " sabi niya na may halong paglalaro sa boses.
" That's where the fun starts nga eh. How Nathan couldn't get me out of his sight and how he would cope? Di ba, interesting?" bawi ko naman.
" Nah. It'll always be fun with you around no matter how stiff you are sometimes." Aba't ang kapal namang talaga. Hindi ko tuloy naiwasang batuhin siya ng unan.
"I could always kiss the pain away... As long as it's for my Bee. I'm at the service." sabi pa niya and acted like a chivalrous gentleman. As if naman. Nathan yan. Pafall tactics lang. Ingat ingat din pag may time.
" Kuha mo nalang ako meds. Tsaka gusto ko ng massage please. Masakit likod ko." Automatic kasi yun. Hindi ko sure kubg may kinalaman ang dalaw pero pag meron ako, masakit din lower back ko. Lalo na pag malakas ang tulo.
Pagbalik niya may dala na din syang pagkain. Wala akong gana. Masakit kasi talaga. Pero pinilit niyang kumain ako and insisted on feeding me. Pag ayaw ko talaga, he would chew it and kiss me so we can share whatever is on his mouth.
And well... Distracting siya so hindi ko napansin na hindi ko na pala iniinda yung masakit. Tsaka ubos na din yung pagkain namin pero kiss pa rin sya ng kiss sa kung saan saang parte ng mukha ko.
"Chansing kana!" pabiro kong sabi tsaka ginulo buhok niya. Wala lang sa kanya nga e. Tumawa lang tapos kikiss ulit tuwing naakakatiyempo.
"Try lang baka makalusot, tagal mo din napansin e, nakaquota na rin man ako. Sama kana?" unsure pa rin yung tono niya. Kaya tumango ako at ngumiti saka siya inismack.
I'm loosening up, I know. I'm glad it's with Nathan. Physical yung intimacy namin pero I hope magloosen up pa ako sa kanya. I wanna overcome my love issues and I want him to play the big part of it.
BINABASA MO ANG
Mr. Casanova cured my love phobia
Teen FictionTwo broken souls brought together by fate. Two, among seven billion people, who are both afraid to fall in love. One is afraid to take risk in love, one is out to play with love. Nathan never wanted a serious relationship. BEARY never wanted to be...