Chapter 28

2.9K 36 25
                                    

Chapter 28
Insensitive

"May ipapakilala nga kase ako sayo. Mahalaga siyang part ng childhood ko." Kanina pa ako kinukulit ni Nathan na sumama sa kanya sa kung saan man kasi nga may ipapakilala daw sya.

Nakakainis kasi ang kulit kulit niya e sinabi ko na ngang wala pa akong panggift kaya yun muna uunahin ko bago ako pumayag makipagkilala sa kung sinuman yang ipapakilala niya kaso ang kulit kulit ni Nathan.

"Nie ano ba! Pwede ako muna? Sa Monday na yung Christmas party natin wala pa akong gift kay Leonard. Ayaw mo naman kasi ako tulungan para sana mabilis. Tss" Di ko na napigilan mag burst out. Imagine. Mula pa kahapon ako nagpapatulong sa kanya. Wala naman siyang ginawa maghapon. Tumambay lang dito sa amin tapos ayaw pako tulungan. Kaibigan niya kaya yun! Mapapadali sana ako kung sasabihin niya ano yung hilig nung tao. Naku!

"Sabi ko kasi hindi naman maarte yun. Kahit ano lang." Inis din niyang sagot. So ganun? Nagpapatulong ako tapos ganyan yung attitude niya tapos gusto pa niyang sumama ako sa kanya para mapakilala yang kung sinuman yang ipapakilala niya? Manigas siya.

Iniwan ko siyang mag isa dun sa kwarto. And take note not only that I walked out on him I also made sure he knew I'm angry. Nagdabog ako. Tinapon ko sa kama malapit sa kanya yung phone ko tsaka pabalya kong sinara yung pinto.

Tuloy tuloy akong lumabas ng bahay. Nasabihan ko na kasi yung driver na pupunta akong mall. Dapat kasama ko si Nathan pero naggaganyan siya kaya bahala siya sa buhay niya.

Akala niya naman hindi ko ramdam na si Isabelle yung ipapakilala niya. Magbigti na siya! Kainis. Napakainsensitive! Hindi ba halata na bumubuga ako ng apoy tuwing binibida niya si Isabelle? Kainis kasi ang tagal na niyang kaklase tapos porket nalaman niyang si Isabelle yung childhood crush niya naging si Isabelle na pinakamagaling. Laging pinupuri.

Wala naman akong reklamo sa side ni Isabelle. Ang bait nga niya e. Siya pa nagpapaalala kay Nathan na may girlfriend siya and he should have me, as in me and no other than me as his priority aside sa family niya. Kaso hindi ganun. Lagi niyang sinasabi na bumabawi lang siya sa lost time at wasted chances.

If I know! Nagrarason lang siya. Crush niya pa si Isabelle! Sino ba namang aayaw sa maganda, mabait at matalino. Medyo short sa height pero napunan niya sa ibang areas. Ilang beses na rin akong humirit ng break up sa kanya. Ayaw niya naman. Siya na nga tong binibigyan ng chance para pwede na niyang landiin si Isa ba't ayaw pa niya.

Nag ikot ako ng nag ikot sa mall. Buti nalang iniwan ko phone ko kundi sabog na siguro ng tawag niya yun. Buti nalang din di ko sinabi saang mall. Baka sundan niya pa ko. Napatawa ako ng mapait sa sarili kong iniisip. Sinong niloloko ko? Si Nathan ngayon ay infatuated ulit sa childhood crush niya. Bat naman siya maghahabol sa akin e bago lang kaming magkakilala? Tss. I'm a lost case. But at least I enjoyed it while it happened.

Napasukan ko na yata halos lahat ng stalls sa first at second floor bago ako nakapili ng ibibigay ko kay Leonard. Madilim na ng masilip ko ang labas mula dito sa loob. Naghihintay pa kasi ako ng donuts dito sa J.co. Si Ate kasi paborito niya to.

Isang nakasimangot na Nathan ang naabutan ko sa sala namin. Inirapan ko lang siya atsaka nilagpasan para dumiretso sa kusina. Nandoon kasi si Ate.

"Nag away na naman kayo?" Tinanong pa niya, halata naman sa kanyang sigurado siyang nag away nga kami.

"Ewan ko diyan sa taong yan. Nagpapatulong lang ako bumili ng pang exchange gift para sa kaibigan niya, ayaw niya kagad. Tapos gusto niya ipapakilala daw niya ko sa kung sinuman VIP sa buhay niya. Magsama sila!" Inis kong sabi bilang parinig na rin sa sumunod sa akin na si Nathan. Bahala naman siya. Hindi ko siya bati!

Umalis na ako sa kusina pagkasabi ko nun at tumakbo papunta sa kwarto. Baka abutan niya pa kasi ako. At hindi nga ako nagkamali. Tatlong steps pa sa hagdan bago ako makaakyat sa taas, may humawak na sa kamay ko.

"Sorry na." Sinuklian ko lang ng mapanuyang tss ang sorry niya. Ano ba kasing big deal sa pagpapasama ko di ba? Kailangan na kaya yun bukas.

"Sorry kasi nagseselos ako." Mahina ang pagkakasabi niya pero rinig na rinig ko ang sinseridad niya kaya napatingin ako sa kanya. Umiwas naman siya ng tingin. N-nagseselos siya? Kinabig niya ako para yakapin. Napasubsob ako sa dibdib niya.

"Sorry. Sorry. Sorry." Bawat sorry ay may katumbas na halik sa tuktok ng ulo ko at paghigpit ng yakap niya.

"Nagseselos ka?" Di makapaniwalang tanong ko. Yumakap ako pabalik nung naramdaman ko ang pagtango niya. Nagseselos siya?

" Sa akin ka lang. Huwag kang mag effort para mapasaya ang iba. Sa akin lang dapat. Paano kung magustuhan ka niya? Tsk. No way. Akin ka lang. Akin lang."

Mr. Casanova cured my love phobiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon