Chapter 8

4.3K 48 4
  • Dedicated kay juaren, judy, and jayve
                                    

Chapter 8

Test Score

Ilang oras din akong binagabag ng pahayag ni Aleyna. Ang batang yun. Hindi na siya naawa sa akin. Kung alam niya lang, ayaw ko kayang kasama ang kuya niya. Grabe naman kasi mang asar yung lalaking yun. Napapakulo niya ang dugo ko sa mga hirit niya. Idagdag mo pang ang hilig niyang sumingit sa mga usapan tapos kokorekin ka pag mali yung sinasabi mo. Siya na diba? Mr. All-knowing. KAIRITA! Paano niya banaging kapatid si Aleyna?  

Napi-feel ko ang mga mata kong unti-unting bumabagsak habang prenteng nakaupo ang teacher at nagchecheck ng mga test papers. Bakit ba kasi pag Math, wala akong kainte-interes ni katiting? Hindi naman kasi ako yung matalinong gifted na pagkasilang palang. Ako yung klase ng matalino na kailangan pang ulit-ulitin yung lesson para magets ko, at pag nagets ko, maiiwan na yun sa utak ko. Pero kung usapang  Math, wala. Palpak talaga ang utak ko. 

"I have finished checking your long test and the highest got 100. Nathan, Isabelle and Monica perfected the test and they'll compete for the math quiz bee on December. I need you three on my office after class. Congratulations. " Ohhhh. Math quix bee?! HA! goodluck nalang.

 "Excuse po, Miss. Ilan po yung lowest?"

 "The lowest got... 30." halaaa, bagsak! 50 items kaya yung test.

 "Sino kayang lowest? Sana di ako yun, di pa naman ako masyadong nakapagreview nun" sabi nung katabi ko.

 Habang pinapamigay yung test papers, yung puso ko, parang lalabas na sa ribcage ko. Paano ba naman kasi, highest to lowest yung pinamimigay na papel. Eh hanggang ngayon wala pa yung papel ko. Ako pa yata ang lowest, wag po! Humahabol ako ng honors. Paano na ang credentials ko? kailangan ko makasali sa top para sa extra subjects. Panipis ng panipis yung pinamimigay na test papers nung vice president namin. My gee. Sampu nalang ata yun.

 Wag sana ako ang lowest. Wag sana ako ang lowest. Wag!

 Juice ko po! Lima nalang yata yung hawak niyang papel. Anong ibig sabihin nito?!

 SA WAKAS!

 Papalapit na siya sa akin. Hindi ako ang lowest! Salamat po!

 Kaya lang, hindi pala sa akin yung papel na ibibigay niya, dun pala sa harap ko. Huhuhu. Yuyuko nalang ako. Hindi ko kakayanin ang kahihiyan ng pagiging lowest. Pesteng Mathematics, ipapasalvage ko ang nagpasimuno sa algebraic expressions, factoring chuchu na mga yan.

"Test paper mo" napatingala ako nung kinalabit ako ng kung sino. Si Nathan! Si Nathan pala! Si Nathan na nakangisi ng nakakaloko. Pagtingin ko sa score ko, 38/50 AKO!

SAKTO SA PASSING GRADE!

Ang galing galing ko! Ang galing galing ko! Kung kaya ko lang magcart wheel. Sa oras at lugar na ito, gagawin ko. Buti nalang hindi ako marunong! Nakaligtas ako sa kahihiyan.

"Pasang-awa lang, nagdidiwang na yang mukha mo. Ang babaw pala ng kaligayahan mo." Remember? nasa last row kami kaya pwede kaming magchismisan lalo na at nagsusulat ng formula sa board si Miss. Pwedeng pwede kong sagutin ang lalaking ito. Ang yabang talaga! Porket perfect siya. Eh di SIYA NA! Hindi ko pinangarap makaperfect sa Math para ilaban sa kung saang quiz bee. Ayoko ng stress sa buhay noh!

"Ang yabang mo talaga! At least, PASADO."

"Hindi tulad nung quiz nung friday na BAGSAK?"

"HA! Anong paki mo? At least pasado ako sa long quiz."

"Tsk tsk. Pasang awa lang siguro talaga ang aim mo noh?"

"Math to, hoy! Maraming iba diyan ang katulad ko. " umiling iling pa siya! My gee!

ANONG PROBLEMA NIYA?

EWAN! Basta ako, pasado! Hohoho. Ililibre ako n i Alyanna at Mark neto.

"Ano bang gusto sa yo ni Aleyna, hindi naman matalino. tss!" ako ba ang tinutukoy niya? BUMUBULONG BA SIYA? Bubulong nalang, yung maririnig ko pa!

"Bubulong nalang, dinig na dinig pa" parinig ko sa kanya. Nakakainsulto eh. Matalino kaya ako! Hindi naman sa conceited ako, pero matalino ako. Kasali ako sa honors sa dating school ko. Math lang talaga ang pinakamatindi kong kalaban. Pinakamataas na grade ko na yata ang 85 sa subject na to. Ewan ko ba, hindi ko makasundo ang Math.

"Totoo naman eh..." Aba't! Ang yabang nito. Kapatid ba talaga siya ni Aleyna? "Hindi ko magets anong meron sa'yo para ipilit na Aleyna na i-date kita. Alam naman niya na ayaw ko ng kung sinong galing sa school eh. Tignan mo nga yang sarili mo, simpleng Math problems, di mo makuha. Tapos... hayyy!"

"Hindi naman ako nagpapaimpress sa'yo o sa kahit sino, kaya pwede ba, lubayan mo nga ang mga test score ko! Hindi kita hahamunin dito, sa English nalang oh! Pag mas mataas ka sa akin sa Long quiz sa English, pwede kitang utusan, pag ikaw, bahala ka sa gusto mo, deal?"

"Deal."

Mr. Casanova cured my love phobiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon