Chapter 13
Try me, I fit
"Nagkaboyfriend ka na ba, Bee?" Nagulat ako sa biglaang tanong ni Nathan. Akala ko wala na yung usapan na yan. Akala ko tapos na nung humindi ako sa kanya para maging girlfriend niya. Ayoko nga ng nobyong playboy! Isa pa unang boyfriend ko siya kung nagkataon. Ayoko sanang katulad ni Nathan.
Sa totoo lang, hindi ko inakala na itatanong niya yun. Akala ko wala lang sa kanila yung "figures" ng exes. Well, maraming namamatay sa maling akala.
Umiling ako para sabihin na hindi pa ako nagkakaroon. Meron namang nanliligaw sa akin kahit papaano pero wala eh, hindi ko din alam kung wala ba talaga akong interes o hindi pa lang talaga dumadating yung hinihintay ko kaya parang wala akong interes sa pagboboyfriend.
"Bakit hindi pa? Walang nanliligaw?"
"Meron naman. Ayaw ko lang talaga."
"Ohhh. NBSBBC"
NBSBBC? Ano yun? Pauso itong si Nathan.
"NBSBBC-- No boyfriend since birth by choice" Siya na ang sumagot sa tanong na nasa utak ko. Asus! Pauso talaga.
"Bakit ayaw mo magboyfriend?" Ano ba naman tong si Nathan. Kailangan ba talagang itanong pa yun. Hindi ba pwedeng ayaw lang talaga. Di pa feel. Ganun.
"Tinatanong mo talaga?" Binigyan niya naman ako ng 'obvious-ba-look' niya. Haynaku. Bakit nga ba?
"Ewan ko kasi. Hindi ko pa feel..." tumigil ako. Sasabihin ko ba talaga? Kaya ayoko sa usapang pag-ibig na yan e. Ayaw ko sanang natatanong ng mga ganitong bagay.
"Hindi mo feel na?" sabi niya, gusto akong patuluyin sa pagsasalita.
"Alam mo, okay lang magshare paminsan minsan. Sige ganito, pag sinabi mo kung bakit, pwede mo din akong tanungin ng kahit ano. Sasagutin ko, with all honesty pa"
Para namang kakagat ako sa bargain niya. As if! Kung siguro isa ako kina Isabelle at sa iba pa, baka. Pero hindi naman ako interesado kay Nathan e.
Nabigla ako nung bigla nalang bumangon si Nathan at walang habas akong pinakikiliti.
"Sasabihin mo ba o hindi ako titigil? Sagot!" hindi niya ako tinigilan hanggat hindi ako umo-oo kaya kahit labag man sa akin, umoo nalang ako para tumigil siya.
Hinihingal pa ako nung akmang mangingiliti ulit siya kaya sumenyas ako ng timeout para patigilin siya.
"Walang puso! Kainis ka!" sabi ko sabay sabunot sa kanya. Naalarma ako nung hinawakan niya ako sa baywang kaya hinawakan ko din kamay niya para pigilan siya. Nakita ko ang mapaglarong ngisi sa mukha niya kaya sinimulan ko na ang sagot ko.
"Saglit... bitaw muna. Sasagot na ko." Huminga muna ako ng malalim ng ilang beses bago nagsimula. Hindi kasi biro para sa akin ang magbigay ng impormasyon tungkol sa mga pananaw ko sa pag ibig.
"Bakit ayokong magboyfriend?" huminga ulit ako ng malalim nung nakita kong tumango siya.
"Ganito kasi... lumaki akong wala akong daddy. Tingin ko malaking part yun. Wala kasing magtuturo sa akin kung ano yung dapat kong iexpect pag may manliligaw ako. Although, andyan si mommy tsaka si ate... pakiramdam ko kasi, iba yung feeling pag meron kang father figure na mag aadvice sayo.
Isa pa, feeling ko kung sana meron akong daddy... secured ako na hindi ako lolokohin ng magiging boyfriend ko kasi if ever na gawin niya yun, may gugulpi sa kanya." Huminto ako para huminga ulit. Ang bigat sa pakiramdam, ang bigat bigat. It's like I'm laying out all of my vulnerability in front of Nathan. In front of a guy...
Pinupunasan ko ang mga mata ko para pagtakpan ang namumuong luha ko nung bigla ko nalang naramdaman ang yakap niya. Ang init sa pakiramdam. Hindi ko rin maintindihan pero ang kumportable ni Nathan.
Nanatili kaming ganun hanggang sa bumulong siya.
"Alam mo ang pakiramdam ko ang aga mong tumanda. Ang mature mo pakinggan."
"Siguro nga ganun ako" tinulak ko siya para kumawala sa yakap niya pero may parte sa akin na gustong kayakap lang siya.
"Lola" biro niya tsaka ginulo ang buhok ko.
"Bwisit ka, alam mo yun!" bulyaw ko sa kanya.
"Gusto ko sana yung una ko, siya na din yung last"
"Ayoko na pala maging first mo kung ganun"
"Salamat naman"
"Bakit ayaw mong magtry muna? Alam mo kahit mature kana, pag nainlove ka dun lalabas yung romantic bone mo, yung matalinong nagiging tanga, etc. Ayaw mong mag explore muna bago ka magsettle? Experience kumbaga."
"Ayoko nga! Makapagsalita ka para kang inlove ah. Ang dakilang 'casanova', love guru na din. Bakit, nainlove kana ba?"
"Oo. Sa maniwala ka at sa hindi, nainlove ako. Waiting nga lang. Pero narealize kong nakakasawa palang maghintay lalo na at walang kasiguraduhan. Hindi kasi ako tulad mo na tahimik na naghihintay lang, ako kumukuha ng experience. Para smooth sailing lang kami ng babae ko. Masyado pa kasing bata ang 5 years old para makipagtanan kaya naudlot. Pero mabuti na din yun. " Naalala ko yung kwento nung mga lalaki sa salon dun sa binanggit niya. Siya nga pala talaga yun. Akalain mo yun, tama yung kasabihan! Na lahat ng playboy, may dahilan kung bakit naging playboy. Pero seriously?! Sa lahat ng paraan, pambababae pa pinili niya. Echos din isang to e.
"Ewan ko sayo! Experience experience ka diyan. Ano natututunan mo, magpaiyak ng babae? Wow ha. Kawawa naman yung katanan mo."
"Of course I know how to treat my woman right. Hindi naman sa pagmamalaki pero sa tingin ko hindi sila maghahabol kung balasubas ako. Ayoko lang talaga maattach. Ayokong umasa sa idea ng love. Hindi naman totoo yun. I treat women just like how they imagine a man taking care of them, yun nga lang, I don't do commitments." K.
"Pero Bee, ayaw mo nga itry? I promise to treat you right. Para alam mo lang yung feeling ng may boyfriend. 'wag ng choosy, please." Ganda ko talaga! Si Nathan pa nagmamakaawa para igirlfriend ako. Marami ang magngangawa, gawin lang to sa kanila. Pero kasi... kung sana ako sila. Hayyy. I can't. I'm afraid I can't.
"Ayoko." sabi ko with finality.
"Takot ka. Duwag!" sabi niya, nang aakusa.
Oo, takot ako.
Gusto ko sana isaboses pero pati pag amin na takot ako, kinakatakot ko.
"Try me, I fit"
Napabunghalit ako ng tawa. Naalala ko yung isang character sa nabasa ko sa wattpad. Nung nag audition yung bidang lalaki para maging babymaker nung matagal na niyang crush na babae. Kasali dun sa form niya yung condom, na may note na eksatong eksakto ng sinabi niya. Dami kong tawa sa istorya na yun. Grabe! Naimagine ko tuloy si Nathan si yung bidang lalaki dun. Hahahaha!
Hindi ko maimagine -_-
"Tss. Halikan kita diyan e!" Lalo akong napatawa nung sinabi niya. Yung story kasi ng anak ni nung bida, yun ang title! Ang galing ni Nathan.
Kakaisip ko sa mga story sa wattpad, nakaligtaan ko yung banta niya, kaya ayun! Nanakaw ang first kiss ko. And I was stunned. Totoo palang mapapatahimik ka ng halik.
Napabalik ako sa realidad nung gumalaw ang labi ni Nathan na nasa labi ko pa rin. Shit! My first kiss just got stolen and I stand too stunned to even react. By reflex, tinulak ko siya. Tapos dinamba. Tsaka binugbog. Tawa lang siya ng tawa.
Argggggggghhhhhhhhhhhhhhh!
BINABASA MO ANG
Mr. Casanova cured my love phobia
Teen FictionTwo broken souls brought together by fate. Two, among seven billion people, who are both afraid to fall in love. One is afraid to take risk in love, one is out to play with love. Nathan never wanted a serious relationship. BEARY never wanted to be...