Chapter 29
Nakakakilig
"Ayoko pang umuwi. Grabe ang saya ng araw na to." Kakatapos lang ng Christmas party namin at ito nga, kailangan na namin magsiuwian. Christmas break na!"Mga bruha! Mamimiss ko kayo super." Nagkunwari pang umiiyak si Judy para exagg. Natawa nalang kami. Pero mamimiss ko din sila.
"Gagang to. 2 weeks lang naman. Magkikita ulit tayo. Pwede din namang habang break magkikitakita tayo." Suhestiyon ni Rishelle.
"Hindi naman tayo kumpleto niyan. Si Isa sa US magkiChristmas at New Year e. Tas si Beary sasama kina Nathan sa Davao. Sila Myca dun sa ate niya sa Pampanga. Tayo tayo lang?" May point naman si Cristine pero pwede pa din naman e. Nakakainggit nga yun pag ganun.
"1 week lang kami sa Davao, hindi naman kami sasama kina Nathan sa Prague. Pwede ako after Christmas." Ayaw kasi ni mommy na sumama pa kami sa Prague. Nakakahiya na daw nun. Ayaw kasi kami ipagshoulder ng expenses nila tito. Mahiyain pa man din si mommy pag ganyan.
" Oy tuloy niyo yan ah. Overnight tayo nun. Pupunta mga kamag anak ko sa amin. Ang aarte pa mn din ng mga pinsan ko. Mga RK kasi. " Umoo nalang kami kay Pia.
"Andiyan na sundo natin Bee. Tara na?" Walang katapusang ayiee naman natanggap namin sa mga kaibigan ko. Parang di na nasanay mga yun. Magkahawak kamay kaming naglakad papunta sa kotse nila Nathan. Hindi kaila na may ilan pa ring tumitingin tingin sa amin.
"Ang gwapo mo po." Walang alinlangan kong sabi sa kanya. Nakapaskil ang malaking ngiti sa mukha niya.
"Naiinlove ka na sa akin niyan?" biro niya bakas pa rin ang kagalakan sa narinig.
"Hindi naman. Sabi kasi ni ate, 'It's not bad to boost your man's ego kahit paminsan lang'" Kasi sabi ni ate kanina nung sinundo niya ako ang gwapo nga daw ni Nathan.
"So kung hindi sinabi ni ate di mo ako sasabihan ng gwapo ako?" Nauulinigan ko ang pagtatampo sa boses niya. Umiling ako.
"Gwapo ka naman kasi. Araw araw. At alam kong alam mo na yun kahit hindi ko pa sabihin." Nginitian ko siya. Pilit niya tinatago ang ngiti niya sa pamamagitan ng pag nguso kaya pinindot ko yun hanggang magflat. Hindi niya rin inaasahan ang biglang pagtingkayad ko at mabilis na paghalik sa kanya. Nakapasok na ako sa sasakyan pero nakatayo pa rin sya doon.
"Huy Nathan. Natulala ka na diyan! Tara na" masayang tawag ko sa kanya. Di ko akalain na ganun ang magiging reaksyon niya. Mabilis syang tumabi sa akin ng makabalik siya sa sarili niya."Ginawa mo ba talaga yun o nananaginip lang ako?" parang di makapaniwalang tanong niya. Pakiramdam ko nag init ng husto ang mukha ko sa tanong niya.
"Isa pa nga." Hirit pa niya atsaka nagsumiksik sa akin habang yakap yakap ako. Kinurot ko nalang siya sa tagiliran. Nakakahiya sa driver.
"Sige na bee. Di naman titingin si manong. Nagdadrive siya. Isa lang, please?" Mahinang pakiusap niya habang nakasubsob sa leeg ko.
"Ayoko." Nakakihiya. Tsaka ganun ba yun? Bibigyan mo ng kiss pag humihingi siya?
"Namumula ka. Nahihiya ka ba? Sige pag uwi nalang natin sa inyo. Kahit isa lang, yes? Yes. Thank you bee. You're the best". What? Ganun ba talaga kadali yun? Hindi naman ito yung unang beses pero nahihiya pa rin ako. Dati naman kasi hindi siya nagpapaalam, basta lang niya ginagawa.
"Ang bilis ng tibok ng puso mo. Kinikilig ka ba?" Nag init na naman ang mukha ko sa sinabi niya. Nathan!
"You're making me uncomfortable. Creepy na. Kinakabahan ako, hindi kinikilig" depensa ko pero hindi siya naniwala. Magkahawak kamay ulit kaming pumasok sa bahay.
"San tayo? Sa kwarto mo?" Nagtaas baba pa siya ng kilay habang tinatanong yun.
"Ang cute naman ng Bee ko na kinikilig. Lagi namang kitang pinapakilig, buti ngayon may reaksyon na. Gusto mo na ako? Kasi ako gustung gusto na kita. "
BINABASA MO ANG
Mr. Casanova cured my love phobia
Teen FictionTwo broken souls brought together by fate. Two, among seven billion people, who are both afraid to fall in love. One is afraid to take risk in love, one is out to play with love. Nathan never wanted a serious relationship. BEARY never wanted to be...