Chapter 30

2.7K 40 14
                                    

Chapter 30
Seryoso

"Okay na ba lahat ng gamit niyo? Wag kakalimutan ang under garments at bikini ha. In case of emergency... break the glass"

"Hahaha. Mommy patawa. Kumpleto na po. Si Beary po ang gulo ng gamit." Lagi namang ganyan si ate. May OCD kasi syiya. Hindi niya ako katulad kaya magdusa siya.

"Ayan na naman kayo. Settle everything na. Papunta na daw sila." Ngayon kasi kami pupunta ng Davao. Iikot daw kami sa Davao, Davao Oriental at Davao Occidental.

Marami kasing pwedeng puntahan. Mostly beach ang nakita ko tsaka adventure or nature parks. Naeexcite ako kasi ngayon lang ako makakapunta sa Mindanao. Hanggang Visayas palang ako.

"Mommy, Ate A, Ate B we're here!" Masiglang bati ni Aleyna atsaka mabilis na bumaba ng sasakyan para humalik sa amin isa isa.

"Someone's excited" Mom teased.

"I am! I am! Mom said you're not coming with us to Prague? Why? It'll be so much fun with you around..." Hinila ako ni Nathan papuntang kusina habang nagbibida si Aleyna sa itsura ng Prague.

"Bakit?" Tanong ko sa kanya.

"Good morning kiss ko? Si Aley meron, ako wala?" Ngumuso pa siya. Natawa nalang ako sa kanya. Pinalapit ko yung mukha niya sa akin tsaka siya hinalikan sa pisngi.

"Good morning Nie." Bati ko sa kanya.

"Ba't sa pisngi lang? Dapat sa lips. Boyfriend ako. Hindi kapatid." Tila nagtatampong saad pa niya.

"Pwede na yun. Tara na!" Hinila ko na sya palabas ng bahay. Doon kami sa van nila sasakay papuntang airport tapos pagdating sa Davao, may nirent ng sasakyan. Kakailanganin kasi namin talaga ng ride kasi magpapalipatlipat kami ng destinasyon.

Halata ang excitement ni Aleyna habang nasa eroplano palang kami. Napakabibo niyang nilalahad kung ano ang mga pupuntahan namin sa Davao. Pati ibang pasahero, nakikinig sa kabibohan niya.

Dumiretso na kami sa Gaisano Mall pagkababa ng eroplano. Sumilip na rin kami sa The Peak sa rooftop nitong mall.

"Ang ganda naman dito. Kitang kita ang skyline ng Davao! Parang gusto ko na din dito. Kung nasa Luzon lang sana ito. Tagaytay pa rin ako." excited na sabi ko kay Nathan.

"Takot ka lang sa Mindanao niyan e." Sumimangot ako sa biro niya kasi totoo. Dati ko pa kasi gusto pumunta ng Mindanao pero natatakot kami nina mommy kasi madaming rebelde dito banda.

"Eh di ikaw na. Alam lahat. Google? Google?" balik biro ko sa kanya.

Kinurot lang niya ilong ko. Di natuloy pagmomoment namin. Si Aleyna kasi nakatulog na. Napagod siguro sa biyahe tsaka ang active niya kasi sa eroplano palang.

Nagpahinga lang kami ng dalawang oras bago nagstart sa paglilibot.

Sa People's Park kami unang pumunta. Tuwang tuwa si Aleyna nung dumaan kami sa may pathway na iba iba ang kulay. Sinasabi niya isa isa kung ano ano ang mga kulay naa nandoon. Nagpakuha rin kami ng pictures sa mga estatwa na nandodoon. Magpapakain pa sana kami ng mga ibon kaso natakot si Aleyna nung magsiliparan ang mga yon pagkalapit niya. Tumatakbo kasi sya kaya natakot siguro yung mga ibon. Sayang nga at maliwanag pa ng pumunta kami dito. Maganda daw kasi dito pag gabi. May waterworks ba yun? Basta yung fountain na may ilaw na iba ibang kulay.

"Ano, gusto mo subukan?" tanong ni Nathan. Andito kami sa Davao Zorb Park ngayon. Gusto sana naming magtry na magpagulong gulong habang nasa loob ng bilog na kung anuman ito. Si Aleyna hindi pwede e. Si mommy, si Ate si tito at Tita ay game na game sa challenge na ito. Kaya heto at tinatanong ako ni Nathan kung gusto ko daw bang subukan.

"Panoorin muna natin ang mga oldies." sabi ko. Medyo natatakot kasi ako. Sila mommy tsaka sila tito pabagets kaya go lang sila.

"Let's Do the Zorb!" sigaw ni mommy bago pumasok dun sa may transparent na orb. Natatawa ako sa mommy ko. Napakacool! Tawa kami ng tawa nung sigaw ng sigaw si mommy habang nagpapagulong gulong siya dun. Tawa pa siya ng tawa pagkalabas niya.

" Nakakabawas ng beauty magpagulong gulong" tatawa tawang pagkausap pa niya kina tito. Tawa naman ng tawa si mommy habang nagkukwento ng experience niya.

"Excited nako panoorin ka." sabi niya kay tita. "Titignan ko kung papangit ka tignan pag nagpagulong ka na. Nakkawala ng poise!" nagtawanan ulit sila.

"Try natin." nakangiti kong alok kay Nathan. Walang sabi sabi niya akong hinila papunta kina mommy.

Nagpustahan pa kami kung sino ang mas magmumukhang haggard after magzorb and of course talo ako sa lahat ba naman ng naisigaw ko. Pero enjoy! Ayoko na nga Lang umulit kasi baka mahimatay nako. Medyo nakakahilo din kasi. Si Aleyna nga e gustong magtry kaso di pwede kaya nagvideo nalang sya. Tawa pa nga sya ng tawa kasi rinig na rinig sa video yung mga sigaw namin.

Dumaan muna kami sa San Pedro Cathedral bago kami bumalik sa hotel na tinutuluyan namin sa People's Park. Buti nalang at English ang misa na naabutan namin. Nakatulog kami kaagad pagkatapos kumain ng food na inorder nalang sa room service. Bukas pupunta naman kami saOutland Adventure.

"Napagod ka?" tumango ako Kay Nathan. Ayaw pa kasi niya bumalik sa kwarto nila. Dito muna daw sya sa akin. Magkahawak kamay kami habang nakatingin sa baba nitong terrace.

"Nilalamig ka" sabi niya tsaka yumakap sa akin. Ang init sa pakiramdam ng yakap niya.

"Ang lamig sa probinsya. Presko. Sa atin hindi masyadong ramdam." sabi ko tsaka yumakap na rin sa kanya.

"Pasok na tayo? Pahinga ka na. Mas exciting bukas." pinapapasok niya na ako pero sya itong lalong humigpit ang yakap sa akin. "Pakiss nga" medyo nilayo niya pa ang katawan niya para tignan ako ng malalim sa mata.

"Hingi ka ng Hingi ng kiss!" biro ko tsaka siya kinurot sa tagiliran. Umakyat naman sa pisngi ko ang mga kamay niya. Pakiramdam ko ang init init ng mukha ko. Nakakadagdag pa sa init ito ang mapaglarong ngisi sa mukha ni Nathan.

"Seryoso ako. Nakakaadik lips mo." Wala na akong nagawa nung bigla nalang niya akong halikan sa labi. Nakalapat lang pero matagal. Pinikit ko ang mga mata ko pagkakita kong nagmulat sya ng mga mata. Parang nagsilbing sign naman ang pagpikit ko para igalaw niya ang labi niya.

Sa totoo lang. Nagugustuhan ko na naman siya. Pero ayokong sumugal sa walang kasiguduhan. Natatakot akong madurog ang puso ko kapag sinubukan kong mahalin siya. Duwag kasi ako. Pero kung seryoso nga siya. Kakayanin kaya niyang maghintay hanggang sa kakayanin ko na? Sana. Kasi talagang masasaktan ako kung sakaling iwan niya ako. 

Nathan will always be my comfort zone. And I would choose comfort than love. I would choose what I think will last for a lifetime.

Mr. Casanova cured my love phobiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon