Chapter 18

3.3K 40 12
                                    

Chapter 18 

Sige

Dumaan muna kami sa isang botique bago kami dumiretso sa shop na nagseserve nung masarap na Cassava Cake. Gusto kasi ni Nathan na pareho kami ng suot. Ayaw ko sana pero mapilit siya at dahil "date" daw ito, normal lang yun. Pumayag nalang ako kasi ano ba naman ang alam ko sa norms ng dating. First time ko ito.

"Dun tayo sa may bintana or gusto mo sa labas?" tanong niya, pumipili ng pwesto namin.

"Dun sa malayo sa maraming makakakita sa atin. Baka mamaya may kakilala tayo dito, isipin pa nila may relasyon tayo"

"Maganda nga yun eh. Tara dun sa labas. Maganda dun, mahangin pa. Tsaka maganda yung garden sa may harap. Wala pang masyadong tao sa labas. Pili ka na ng upuan dun, order lang ako." sumunod nalang ako, ano pa nga bang magagawa ko.

"Nagorder din ako ng dalawang box pasalubong kina Tita. Nasa inyo na naman pala si Aley." sabi niya nung pagkaupo niya.

"Gustong gusto rin naman siyang kasama ni mommy. Mas mahal na nga siya ni mommy kesa sa akin eh. Minsan iniisip ko anak niya talaga si Aley eh, pinaampon niya lang sa inyo." biro ko naman sa kanya pero sumeryoso lang ang mukha niya.

"Alam mo namang half sister ko lang si Aley di ba?" tumango ako. Sabi kasi ni Aleyna, magkaiba daw ang daddy nila eh tapos hindi niya daw nakilala ang daddy niya pero tanggap naman siya ng daddy ni Nathan kaya okay lang rin siya.

"Okay lang naman magkwento di ba? Si Aley kasi kahit na vessel siya ng positive vibes, sa totoo lang ang tahimik niya lang pag nasa bahay kaya siguro mas gusto niyang laging pumupunta sa bahay niyo. Lagi rin naman kasing wala si mom and dad eh."

"Okay lang magtanong?" tumango siya. " Paano nagkaroon ng Aleyna? I mean kasi di ba panganay ka tapos si tito yung kasama pa rin ni tita. Ano yun, hindi pa kinasal parents mo nung nabuo ka? Nagreconcile lang sila after Aley, ganun?" huminga siya ng malalim bago sumagot.

"Honestly, yan din ang tanong ko. As far as I know, mom had Aley by mistake. Kasal sila ni dad nung mabuo si Aley. Alam ko dad is not in the country for months tapos nung time na nabuo si Aley yun yung time na wala si dad dito." Natigil siya nung dumating yung order namin.

"My knowledge about it is limited. They made sure we won't know. They never cleared that to us. We just hear their constant disagreements especially when dad's tipsy or really drunk. I guess he couldn't blame mom's mistake to Aley 'coz he's my dad and I know he won't take it against an innocent child. It's all on mom's, I guess. " Pagpapatuloy niya.

"Parang wala lang sayo noh? Hearing you tell that story with nonchalance. Siguro kung ako yun, I'd side with my dad or in my case, right or wrong, I'd take my mom's side whenever, whatever the circumstance there may be. Don't know my dad din kasi." He never made an effort to know me so wala din ako paki sa kanya. I'm contented with mom and ate. Actually, they're more than enough.

"Tayo nalang kasi! Ayaw mo ba talaga?" Ang galing sumegway talaga. "Pandagdag pa ako sa listahan ng mga mahal mo. Tipid mo sa love department e." Dagdag pa niya. Bakit kasi kailangan pa niyang ipagpilitan ang bagay na yun?

"Pero di nga ako naniniwala sa love love na yan. Wala din akong balak magboyfriend. Sakit lang sa ulo mga yan." sagot ko sa kaniya. Si Kuya Mark nga napakabait na, inaway pa rin si Ate Alyana dahil lang sa selos. Seriously, I think the ones who should enter into a relationship are those who has a certain level of maturity and openmindedness.

"Ako din naman ah, kaya nga bagay tayo. Dali na kasi, payag ka na?"

"Sige" sabi ko para matahimik na siya. Try. Masabi lang na naexperience ko magkaboyfriend.

"Sige?" naguguluhang tanong niya. Ngumiti ako.

"Sige na. Itatry ko gawin kang boyfriend. Baka kasi matupad ko yung pangarap kong tumandang dalaga tapos magsisi ako kasi hindi ko man lang sinubukan ang magboyfriend."

"Sus. Kunwari ka pa. Gusto mo lang talaga ako iboyfriend. Ang gwapo ko ba naman." Nakuha pa niya akong sundutin sa tagiliran para lang ipilit ang teorya niya. Hay Nathan. Handa na ba ako sa pinasok ko?

"Bee, ano palang itatawag mo sa akin? Dapat may endearment kasi. Para mas sweet." Tawag? Ang cheesy naman. Kailangan ba talaga yun? Ang common na ng mga tawagan. What if may nakasabay kayong couple ng boyfriend mo and yung other couple ang tawagan eh same as your tawagan with your bf eh di kasi weird.

It's as if you are referring to the girl or the guy from the other side. What if your boyfriend has been cheating on you and para hindi siya mahuli he calls his mistress the same endearment he uses to you? And pag nakasabay mo yung mistress, of course hindi mo mapapansin na hindi pala ikaw sinasabihan niya 'coz he calls you the same. The absurdity and complexity of relationships. Kaya ayoko mainvolve e.

"Pwede bang wala na lang? What if I had another man and if I call you baby, I'll call him baby din para iwas confusion. Can you bear that?"

"You won't dare." sabi niya sa nagbabantang tono. As if I'll get scared. I could easily go out of this relationship, wala naman kaming commitment na totoo. I said I'll just try. I'll try to feed my curiosity. I'll try so that I won't regret not trying it someday. I said I'll try. I didn't say I would be serious about it.

"Try me." Humugot siya ng malalim na buntong hininga.

"Why can't you cooperate? I thought you'll try? Do you think you're trying by refusing to call me with a special pet name? This won't work out with that attitude, Bee. We'll both want out real soon."

"Eh di okay. Isn't it more convenient? I tried, at least I could say I did had a boyfriend. And it's you. Wala ng lugi." sabi ko. Nagdilim lang lalo ang paningin niya.

"You know what, girlfriend? You deserve a punishment. We became an item just a few minutes ago and you're acting like a brat already. I won't tolerate that. C'mere" Hindi ko alam kung anong sumapi sa akin bakit lumapit nga ako sa kanya. Curiosity, maybe.

"May punishment talaga sa relationships? Nababasa ko din yun sa wattpad eh" Ngumiti siya. Ooooh. I wanna know!

"Yep. Hinga ka ng 3 beses." And so I did. "And here it is" Bigla niya akong kinabig sa batok at walang habas akong pinaghahalikan. Nasa labas kami ng cake shop for pete's sake!

Pilit ko siyang tinutulak pero hinuli niya lang ang dalawang kamay ko.

"Behave. You're receiving you're punishment. Might as well enjoy it nalang" bulong niya pagkatapos ng halik. Nakalapat pa rin ang bibig niya sa bibig ko habang nagsasalita siya at hinuli nalang niya ulit pagkatapos magsalita.

Hindi ko ulit alam pero ito ako at hinahayaan nalang siya sa ginagawa niya.

Malay ko ba ano dapat ang gawin!

Mr. Casanova cured my love phobiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon