Chapter 23
FirstAng kulit ng magkapatid na to. Hindi ko maiwasan ang hindi mapatawa sa kanila. Ang cute pa nila magsigawan. English! Di ko keri. Nakasakay kami sa kabayo ngayon. Nakaangkas kay Nathan si Aley. Di pa kasi niya kayang mag isa.
Ang alam ko nangiinis lang si Aley or nagpapalambing sa kuya niya. Lagi kasi siyang sumasama sa mga katiwala para makapagsolo daw kami ni Nathan. Ito namang si Nie, nawili na. Hindi na masyadong nilalambing kapatid niya.
Iwan ko kaya sila? Gusto kong lumibot magisa. Kaya naman tahimik akong nagpapabagal ng takbo sa kanila. Di naman nila napapansin kasi nagbibiruan sila dun. This is it!
Pinatakbo ko ng mabilis palayo sa kanila ang kabayo ko atsaka binagalan na nung medyo malayo na ako sa kanila. Tinignan ko sila pero di naman nila napansin na wala ako sa likuran kaya tumuloy na ako sa paglilibot mag isa.
Sa pag ikot ikot ko, may nakita akong tree house kaya bumaba muna ako at itinali sa puno itong kabayo pagkatapos ko siyang i-pet. Ang amo ng kabayo ko e.
Umakyat ako sa tree house at bumungad sa akin ang isang playhouse. May flatscreen tv na may nakaconnect na PlayStation controller sa gitna ng maliit na kwarto. May mga teddy bear at toy cars na nakaayos sa isang cabinet sa kaliwang bahagi ng tree house at may mga libro at mga writing at coloring materials sa ibabaw ng medyo mahabang study table sa may kanan. May maliliit na unan sa ilalim ng mesa na tingin ko ay nagsisilbing upuan sa mga gustong maglaro dun banda.
Lumapit ako sa study table at may nakitang sa tingin ko ay photoalbum kaya binuksan ko ito. Litrato ng batang lalaki na may nilalarong baby ang una kong nakita. Si Nathan at Aley yata. Ang cute na ni Aley mula pa nung fetus siya.
May ilang bata din silang kasama sa ibang pictures dito. Binuklat ko yung ibang albums kahit di na sila yung mga andun. Ang gandang lahi naman nila! Wala kasing kapatid si mommy. Tapos pag kinocompare ko kasi, average looking lang pamilya ko kesa sa kanila. Magagalit kaya sila pag kinuha ko ang picture ni Nathan? Ang cute niya kasi dito sa picture kahit bungi siya.
"Where the hell have you been?!" pasigaw na sigaw ni Nathan saka mabilis na yumakap sa akin. "Please. Wag mo na gawin ulit yun. Pinag alala mo ako." malumanay niyang sabi habang lalong pinahigpit ang yakap sa akin.
"Sorry I made you worry. Hindi mo kasi ako nililibot dito sa farm niyo so when I got the chance, I went to stroll around. Sorry ulit." paliwanag ko tsaka yumakap pabalik sa kanya.
"May ipapakita sana ako sayo." panimula ko.
"Maya na. I'm enjoying my place right now pa." pilit ko sitang hinihiwalay pero ayaw niya. Buti nalang sa back pocket ko isinuksok yung picture.
"Titignan mo lang e. Dali na. Kahit glance lang. You need to see my crush's face." humiwalay siya sa yakap pero di niya pa rin binibitawan ang bewang ko.
"What crush? Let me see. Babangasan ko talaga mukha niya so that wala ka ng ibang crush. Mas gwapo ako dun for sure. Let me see him" and so I gave him the picture. I wish I had a camera with me to capture his face hinting a blush and his lips forming a genuinely happy smile kaso cellphone nga ni hindi ko nadala papunta dito. Naiwan ko sa bahay. I charged it kasi tapos nung dumating si Nathan, I forgot about it hence me forgetting my phone. Mum asks for my welfare through Nate.
"uhmmm. Happy monthsary?" I said through a nervous tone. Nakalimutan niya yata e. I mean I'm not hoping for something extravagant pero I'm hoping na hindi niya nalimutan. I'll raise war naman talaga.
He scowled. What did I do now?
"Alam mo, Bee, you screwed all my plans. But I'm not angry nor pissed. In fact, I'm happy you're trying to loosen up to me. Let's celebrate our first with a blast. Want a tour around the farm? Hindi pa kasi ready yung surprise ko." Napapikit ako nung hinalikan niya ako sa noo.
"I'm sorry I ruined your plans but I'm happy too. Happy monthsary, Nie."
"Happy monthsary, Bee. I hope what we have will last for a long time." siniksik ko sa leeg niya ang ulo ko. Hinalikan niya naman ang buhok ko.
"I don't mind celebrating a lot more of monthsaries or even anniversaries with you. Thank you for keeping up with my shits." I'm happy I agreed to be his girlfriend. Maybe I should thank Aley too.
"No. Thank you for trying. And thank you for trying with me. You won't regret this. I'm assuring you."
BINABASA MO ANG
Mr. Casanova cured my love phobia
Teen FictionTwo broken souls brought together by fate. Two, among seven billion people, who are both afraid to fall in love. One is afraid to take risk in love, one is out to play with love. Nathan never wanted a serious relationship. BEARY never wanted to be...