SLEEPLESS NIGHT

373 13 0
                                    

3RD PERSON'S POV



Di tulad ng ibang mga lalaki, puro babae ang kanyang kasama.



Malaking question mark? Okay, aminado siyang bakla pero hindi makikita sa kilos o salita. Secretly, may mga kaibigan siyang bakla pero hindi nga lantad sa karamihan. Maaaring confused lang si Pare pero hindi pa naman siya totally naglaladlad.



Si Karl Christian Carlos, 4th year student. Matangkad na lalaki at matipuno ang pangangatawan. Malinis siya sa pananamit, mabangong tingnan at higit sa lahat mukha siyang banidoso. May hawak na pamaypay at nag-aaply ng face powder kapag naiinitan o pinapawisan. Tourism ang kurso sa Aeronautic School.



Napabuntung hininga si Karl habang nasa kotse ito. Natatawa ito sa sarili at napaisip kumbakit nagawa niyang halikan si Ian. Hindi niya alam kung ano ang nagtulak sa kanya na gawin iyon. Napalapit lang naman kasi ang mukha ni Ian kanina pero nagkaroon siya ng instinct na halikan ang dalaga sa labi. And the worst scenario is that he closed his eyes. Hindi niya alam kong nahalata ba ito ni Ian. Napailing si Karl. Parang napahiya ito sa sarili.



May nangyaring hindi niya maintindihan at hindi niya kayang ipaliwanag.



"Gago ka talaga! Bakit mo iyon ginawa?"



Damang-dama niya ang malambot na labi ng dalaga. At sa kauna-unahang pagkakatan, nakahalik siya ng babae. Kung lobo lang siya, kanina pa ring pumutok sa sobrang kaba at nerbyos. Napapangiti siya ng walang dahilan.



Pag-uwi sa bahay.


"Hi, Mom"


"Hello there, Baby"


"Baby mo pa rin ako"


"Wala nang iba. What's wrong? Mukhang tahimik ang anak ko"


"Napagod po ako sa school"


"Any mirienda you like?"


"I'll just go inside my room"


"Okay, just come down if you want to eat"


"Yeah, Mom"



Nag-iisang anak si Karl. Biyuda na ang kanyang mama. Dalawa lang sila sa malaking bahay na iyon. Mayaman ang kanyang namatay na ama. May mga negosyo itong naiwan para sa kanilang dalawa na puwedeng magbuhay donya na ang kanyang mama. Hindi niya problema ang kahit na anong materyal na bagay; pera, kotse, bahay at gadgets. Masaya naman at kontento na siya sa kanyang buhay.

ANG LOVER KONG BADINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon