HIS FRIENDS

269 13 0
                                    

3RD PERSON'S POV



Pagkatapos ng klase, walang ibang lugar na puwedeng puntahan kundi sa kantin. Wala silang hindi napagkakasunduan kung ang tawag ng kanilang mga tiyan ang pag-uusapan.



"Karl, nagutom ako. Kain tayo" Yaya ni Ian.


"Alam mo parang lagi kang gutom. Kain ka ng kain pero parang hindi ka naman tumataba" Sumunod ang binata kasabay sina Pinky at Iris.


"Hindi ko rin alam kumbakit. Masarap lang kasing kumain. Mas gusto kong kumain ng may kasama"


"Bakit hindi ka sumabay sa mga kabarkada mo? Hinihintay ka nila kanina"


"Hayaan mo sila. Alam naman nilang malakas akong kumain pero may kabagalan nga lang. Atsaka ikaw ang gusto kong kasama" Sabay kindat sa binata.


"Huh! Bakit?"


"E kasi hinihintay mo ako kapag wala na akong kasamang kumain"


"Yun lang?"


"Bakit? May iba pa bang dahilan"


"Assumero ka na, Karl. Ini-expect mo bang may iba ng kahulugan ang pagsabay sa iyo ni Ian. Hey, get real. As in agad-agad..." Tumingin lang si Ian at ngumiti. Hinawakan niya ang kamay ng binata at hinila papunta sa pila ng pagkain.


"Angdami mo namang inorder. " Pagdating sa mesa.


"Konti pa nga lang 'yan e. Basta promise hihintayin mo ako ha!"


"Sige. Hindi ko rin maipaliwanag sa 'yo, Ian kumbakit nahuhulog ang loob ko sa iyo. Masaya ako kapag kasama ka. Hindi ko masabi sa ngayon kung anong meroon sa iyo at sa tingin ko ay gusto na kita"



Biglang dumaan ang mga kaibigan ni Ian. Tapos na silang kumain.



"Nakahanap ka ng kasama mo ha"


"Hailee"


"Doon lang kami sa tambayan mamaya. Punta ka na lang doon kung gusto mong sumabay sa amin sa next subject"


"Sige, Bye"


"Pinky, Iris, dito na kayo sumabay sa amin ni Ian" Yaya ni Karl.


"Hindi ba kami nakakaistorbo sa inyong dalawa?" sabi ni Iris.


"Bakit naman?"


"Huh! me ganun"


ANG LOVER KONG BADINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon