STEP ONE

291 13 0
                                        

3RD PERSON'S POV



Hindi mo na umalis ng parking area si Karl. Tanaw niya si Ian sa gate. Gusto niyang paunahin ang dalaga hanggang makasakay ito. Kahit paano ay magiging panatag naman ang loob niya na maayos na nakasakay si Ian.



"Bakit ko ba siya kailangang hintayin? Sabi na ngang hindi siya sasabay. Bakit ba ako nagkakaganito? Nakakainis naman e"



Kahit nagtatalo ang kanyang isipan ay isang oras siyang naghintay. Hanggang nagdesisyon siyang umalis na rin. Ngunit nakita niyang nagkakagulo sa waiting shed na kinaroroonan ni Ian. Nagmadali siyang pumarada muli malapit sa gate. Lumapit siya sa dalaga.



"Ian, bakit?"


"Karl, na-snatch 'yung cellphone ko." Parang batang nagsumbong si Ian. Hinawakan niya ang dalaga upang payapain. Ramdam niya ang pangangatog ng kalamnan ni Ian sa pagkabigla.


"Halika na nga dito at ihahatid na kita. " Hindi na umimik ang dalaga. Iyak pa rin siya ng iyak sa loob ng kotse.


"Sana sumabay na lang pala ako sa iyo" Sumulyap siya kay Ian at ngumiti.


"Nakakainis!"


"Mabuti at safe ka"


"Wala na tuloy akong cellphone" Pagmamaktol ni Ian.



Kinabukasan, lahat ng mga kaibigan ni Ian ay nagulat ng malamang na-snatch ang cellphone nito.


"Sinabihan ka na kasi na huwag na huwag kang gagamit ng cellphone habang nasa kalye. Angtigas kasi ng ulo mo!" sabi ni Hailee.


"Nanisi ka pa!"


"Nakauwi ka ba agad?"- Daran.


"Inihatid ako ni Karl"- Ian.


"Akala ko ba hindi ka sasabay sa kanya?" Cximara.


"E nakita niya ako dyan sa labasan. Kaya isinabay na niya ako. " Aimee.



Nagkatinginan lang silang lahat sa kanya. Sa kauna-unahang pagkakataon, sa kabila ng nangyari ay nakita nilang may spark ang mga mata ng dalaga. Meroon ng sasabay sa kanya.


Tulad ng dati, sumabay ulit si Karl sa kantin.



"Salamat pala kahapon ha!" Sabi ni Ian habang nasa pila sila at nasa likuran niya si Karl.

ANG LOVER KONG BADINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon