3RD PERSON'S POV
Kinabukasan sa school, tahimik ang lahat. Walang nagsusungit at sumisigaw. Masayang naglakad ang mga bagong lovers ng campus.
"Huh! Tingnan mo at sabay na ang dalawa"- si Pinky.
"Parang mga lovebirds" – si Iris.
"HHWW lang talaga"- si Cximara
"Mukhang payapa na ang mundo" si Cyanne.
"Ian, bago ba 'yang kuwintas mo" Nilapitan siya ng babae at sinipat ang kuwintas nito.
"Oo"
"Patingin, letter K as in Karl"
"Meroon din bang ganyan si Karl?"
"Oo, letter N ang sa kanya"
"Sabi nila hindi daw magandang nagbibigay ng mga bagay na napuputol sa girlfriend o sa boyfriend dahil puwede silang magkahiwalay"
"Huh, di naman ako naniniwala sa ganyan"
"So, ibig sabihin kayo na ni Karl"
"As in mag-on"
Hindi napigilan ang tilian ng mga kaibigan niya sa loob ng klase. Lahat ay kinilig sa ibinalita ni Ian. Nang lumapit si Karl, hinawakan niya ang kamay ng dalaga at itinaas para ipakitang opisyal na silang mag-on.
Biglang nahinto ang kuwentuhan ng biglang tumawag si Alvin sa pinto. Sumenyas si Karl na tatawagan na lang ang binata ng makitang pumasok na ang professor para sa next class nila. Pero hindi umalis si Alvin. Huling klase na nila ito kaya hinintay talaga niya ang binata.
"Karl, hinihintay ka yata ni Alvin sa labas" Sabi ni Ian.
"Hayaan mo siya. Mamaya ko na lang siya kakausapin" Sagot ng binata.Pagtunog ng bell. Sabay ng lumabas sina Ian at Karl. Hinarang kaagad ni Alvin si Karl.
"Karl, mag-usap tayo saglit"
"Saglit lang, Alvin. Kakausapin ko lang si Ian" Ngunit pagbaling ni Karl ay kausap na niya si Aimee.
"Ian, may naghahanap sa'yo sa gate" Sabi ni Aimee.
"Darren yata ang pangalan niya"
"Ha!"
BINABASA MO ANG
ANG LOVER KONG BADING
RomansaNow I realized how stupid Cupid is. Why would he make me fall in love with a gay instead of a guy? Foolish heart to even beat for him. Crazy heart, crazy mind... What else can I do but to love him?
