3RD PERSON'S POV
Maagang gumising si Ian sa pagpasok. May nareceived na text message ang cellphone niya.
"Ian, nandito na ako sa kanto ninyo. Hihintayin kita dito"
"Okay" reply nito.
"Mama, aalis na po ako"
"Bakit ka ba nag mamadali?"
"Nasa kanto na po kasi si Karl"
"Mag-almusal ka muna"
"Doon na lang po sa school"
"Sige. Uuwi ka ba ng maaga?"
"Magti-text na lang po ako"
"Bye, Ma. Pakisabi po kay Papa, umalis na ako"
"Sige, ingat"
Nang umagang iyon. Inabangan ni Darren si Ian.
"Hi. Ian. Sabay na tayo"
"Sabay kami ni Karl. Ikaw baka gusto mong sumabay sa amin?"
"Hindi na bale" Inihatid na lang niya si Ian sa kanto. Dali-daling pumasok ni Ian sa kotse. Nakita ni Karl na inihatid lang ni Darren sa kanto at nag-jeep lang ang binata. Hindi man lang pinansin si Karl.
"Sabi ko naman sa iyo, huwag mo na akong sunduin e."
"PUwede naman tayong magsabay di ba?"
"Nakakahiya kaya"
"Sus, ano bang nakakahiya doon?"
"Bakit mo ba ginagawa ang lahat ng ito, Karl?"
"Ian, puwedeng magtanong?"
"Ano 'yon?" Biglang natigilan si Karl. "Puwede ba kitang ligawan?"
"Hoy, Bakla. Anong itatanong mo sa akin?"
"Ha? Ano nga ba ang itatanong ko? Mamaya pala, idadaan ko ang mga sketches ko sa boutique. Sabay ka na sa akin." Sabi ni Karl. Nawalan na naman siya ng lakas na loob. "Si Darren ba 'yong kasabay mo? Bakit hindi mo na lang niyayang sumakay dito?"
"Naku, ayaw nga niya eh. "
"Masugid mo bang manliligaw si Darren?"
"Hmm, bestfriends ko sila ni Jaimee... Bakit ba paulit-ulit ka ng tanong? Tapatin mo ako, type mo siya. Promise, hindi mo ako karibal sa kanya... Atsaka, nagyayaya si Cyanne at Demetrice bumili ng libro sa NSB Store kaya mauna ka na para maabutan mo pa ang mommy mo sa boutique"
"Ah ganoon ba? Paano ko nga ba sasabihin? Hindi pa nga lang ako nanliligaw pinahihirapan na ako ni Ian? " Napabuntunghininga ang binata.
Hindi talaga ganoon kadali. Nandoon ang pagdadalawang isip ni Karl. Hindi rin siya tiwala sa kanyang kakayahan kung kaya niyang magpakalalaki para lang kay Ian. Hindi niya sigurado kung mapapanindigan niya ang pagiging boyfriend para kay Ian.
BINABASA MO ANG
ANG LOVER KONG BADING
RomanceNow I realized how stupid Cupid is. Why would he make me fall in love with a gay instead of a guy? Foolish heart to even beat for him. Crazy heart, crazy mind... What else can I do but to love him?