ACT LIKE A MAN

233 7 0
                                    

IAN'S POV



Nadaanan lang namin ni Karl ang mini-park na iyon sa pagitan ng dalawang matataas na tower. Sinabi ko kay Karl na huminto muna kami doon para makapag-usap. Tinitigan niya ako. Alam ko kung ano ang naglalaro sa kanyang isipan. Ayaw sana niyang huminto doon.



"Please, let's talk..."Sabi ko sa kanya.


"Ian..." Nginitian ko siya para mawala ang kanyang pangamba. Tulad pa rin siya ng dati. Kapag ako na ang nagre-request, kabado na siya. Humanap siya ng mapaparadahan sa di kalayuan saka kami naglakad patungo doon.



Ah, tama nga ako. Isang mini-park sa gitna ng abalang business center. Kapag nga naman pagod ka, mainam ngang maupo saglit dito at tumingin sa luntiang paligid para mas relaks sa pakiramdam. Inalalayan niya akong naupo sa ilalim ng bench na nasa punong iyon na napapalamutian ng Christmas lights.



Pag-upong pag-upo, napabuntunghininga ako. Nakatitig siya sa akin pero hindi ko siya tiningnan. Pinakikiramdaman ko ang kanyang buntungininga. Mas malalim at may hugot.



"Are you breaking up with me again?" Tanong niya sa akin. Kinuha niya ang kamay ko. Hindi rin niya siguro inaasahan ang eksenang gagawin ng babaeng iyon. Dati si Alvin lang ang karibal ko. Tapos ngayon, tunay na babae na ang na-attract sa kanya. Bakit hindi nangyari iyon noong panahong wala ako? Baka naibaling pa niya ang pagtingin sa babaeng iyon. Ah, malabo... Si Karl pa, stick to one siya at alam kong sa akin lang ang kanyang loyalty.



"Karl..." Pangalan pa lang niya, OA na siyang humagulgol sa tabi ko.


"Ian, huwag mo naman akong iwan ulit. Mahal naman kita at hindi kita ipagpapalit sa babaeng iyon. Magtiwala ka sa akin."


"Teka ngaaaa, patapusin mo muna ako bago ka magdrama dyan. Nakakainis ka ha! Feeling mo lalaki ka na talaga para habulin ng babae. In fairness, maganda siya pero I hate her. At ikaw, hindi mo man lang kaagad napigilan ang kilos niya na halikan ka sa harapan KO..." Napasigaw ako sa inis. Napalingon tuloy ang mga dumadaan doon. Bigla akong natahimik. "How could you? Did you like it? Ha! Did you like it?" Hinampas kong muli si Karl.


"Kadiri kaya ang kiss niya. Ewwwww!" Sabay nandiring bigla. Gusto kong matawa.


"Kinilig ka rin sa babaeng iyon. "


"Excuse me...."


"Excuse me daw. Ewan ko sa'yo. "


"Ian, anong gagawin natin?" Ay tingnan mo ang baklang ito. Ano daw ang gagawin namin? "Pakasal na tayo. Hindi na muna ako pupunta sa boutique." Mukhang natakot nga siya sa posibleng mangyari. Ah oo naman. Baka naiiisip niyang magkaroon ng second walkout kapag nagkataon.


"I love you , Ian...Marry me..." Sabay luhod niya hawak ang kahon ng singsing.


"I love you too, Honey..."HInalikan ko siya habang nasa ganoong ayos, Nakaluhod siya habang nakaupo ako sa bench kaya yumukod lang ako ng konti at hinalikan siya. Itinodo niya ang halik mapatapos niyang ilusot sa daliri ko ang singsing. Yes, magpapakasal na ako kay Karl. And that's final.



Should I feel afraid sa gagawing iskandalo ni Philena? Mahadera ang babaeng iyon. Bigla akong natigilan. I was thinking that she looks familiar to me. Yes, that's right. I think I have seen her somewhere. Nag-iwan siya ng takot sa aming pareho ni Karl. Lalo na si Karl. Traumatized na traumatized siya sa pagkakahiwalay namin kaya naiintindihan ko ang takot niya ngayon. Halos ayaw niya akong paalisin sa bahay. Ayaw niyang nalilingat ako sa paningin niya. Bantay-sarado ako at pati sa banyo ay gusto niya akong sundan.



I really regret what happened.



Sa bahay na nina Karl kami umuwi. Nadatnan pa namin doon sina Mama at Papa. Pumayag na ako na magpakasal kami. Valid pa naman daw ang seminar naming dalawa. Naka-file pa sa mismong simbahan ang aming mga requirements at kung doon din naman kami magpapakasal ay hindi na daw iyon namin masyadong poproblemahin. Iyon ay ayon sa nakausap naming staff ng opisina.



Nagkasundo kaming magpakasal in two weeks time. Hindi na sila nag-usisa kumbakit. Nasa loob kami ng kuwarto ng gabing iyon. Umalis na rin sina Mama at Papa.



"Karl, do you hate me?"


"NO, not even once will I hate my Ian..."



Niyakap ko siya. OO, siya 'yong tipo ng tao na hindi marunong magalit. Hindi siya madaling mag-give up kahit mahirap ang kanyang pinagdaanan. Niyakap ko siya ng mahigpit.



"Are you sure, you want to marry me?" Muli niyang tanong sa akin. " Even if I can't let you go... just say and I will..." Sabi niya.



"NO, I love you, Karl...We'll spent the rest of our lives together." Sabi ko sa kanya. Bigla na naman siyang umiyak. Pinahid ko ang luha niya. Malambot pa rin ang puso niya. Ang lover kong bading talaga...

ANG LOVER KONG BADINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon