FIRST DATE

196 8 0
                                        

3RD PERSON'S POV



Hindi nakaligtas ang mga matatamis na sandaling iyon sa mga kaibigan ni Nianne. Natural ang mga mga ganitong eksena kapag may kaagaw na nang atensyon ang isa. Siniko ni Jaimee si Darren. Alam niyang may malalim na iniisip ang kababata.



"Kanina ka pang walang imik dyan?"


"Huwag mo akong intindihin. Kumain ka na lang"


"Nagseselos ang lolo ko"


"Selos ka dyan"



Hanggang sa makaalis ang dalawa ay hindi na umimik pa si Darren. Hindi niya mawari ang biglang pagkairita niya sa nangyayari. Hindi niya matanggap sa sarili na may nanliligaw na kay Ian.



"Tita Almira, Tito Robert, uuwi na rin po kami ni Darren"


"Darren, bakit ba kanina ka pang tahimik?"


"Masama lang po pakiramdam ko"


"Ah ganoon ba?"


"Kinakabahan ka ba dahil baka sagutin ni Ian si Karl" sabi ni Robert. Napatitig na lang si Darren kay Tito Robert.


"Joke lang 'yun Darren. Huwag mong pansinin ang sinabi ng Tito mo"


"Okay lang 'yan Tita. Para matauhan siya" sabay tawa ni Jaimee at niyaya ng bumaba ng bahay si Darren



Samantala, sa mall.



"Puwede ko bang hawakan ang kamay mo?"


"Oo naman. Dati mo nang hinahawakan 'yan di ba? Ngayon ka pa nagpaalam. Bakit parang pinagpapawisan ang kamay mo? Ang lamig-lamig naman dito sa mall"


"First time kong makipagholding hands sa babae" Nakita niyang natatawa si Ian.


"First time mo rin bang umakbay babae?"


"Oo"


"Ano pa ang first time sa iyo?"


"Ang makipaghalikan sa babae"


"Maniwala ako"


"Kadiri ba sa pakiramdam?"


"Hindi ko maipaliwanag. Aaminin ko na, hindi aksidente ang pagkahalik ko sa iyo. Maybe it happened on purpose. Kissing you in particular is not as kadiri as I thought"

ANG LOVER KONG BADINGMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon