3RD PERSON'S POV
Unang Araw sa klase. First year sila noon.
Tahimik lang na nakaupo si Ian sa isang tabi. Nangingimi itong makihalubilo sa mga bago niyang kaklase.
"Hi, anong pangalan mo? Ako pala si Cyanne"
"Nianne Ayle Lerman, Ian for short"
"Tabi tayo ha!"
"Sure"
Hindi siya iimik kung hindi mo tatanungin. Sa una mukhang seryoso pero katagalan, bungisngis ito at mahilig magkuwento. Pero higit sa lahat, malakas siyang kumain.
"Mauubos mo 'yan?" tanong ni Cyanne.
"Oo naman"
"Sa payat mong 'yan, nakakapagtaka kung saan mo dinadala ang kinakain mo. Imagine mo kung araw-araw ganyan ka kalakas kumain, sana tumaba kana"
"Ewan ko ba? Madalas nga akong magutom e" May binatang lumapit sa kanila habang kumakain sila sa kantin.
"Cyanne" bati ng binata.
"Hi, Karl"
"Late na akong nakapag-enroll"
"Ganoon ba?"
"Kain tayo?"
"Mukhang masarap 'yan a"
"Karl, si Ian. Ian, si Karl. Classmate natin siya"
Bumati ang dalawa sa isa't isa. Hinayaan niyang mag-usap ang dalawa habang abala sa pagkain si Ian. Dumating ang iba pa niyang kaklaseng babae at sumabay na rin sa kanya. Nadi-distract si Karl kapag nakikitang kumakain si Ian.
"Ano ba itong si Ian? Kung kumain akala mo construction worker?"
Minsan, nagkataong magkatabi sina Karl at Ian. Napapatunganga si Karl sa dalaga. Napapalunok ito sa paraan kung paano siya kumain.
"Ganyan ka ba kalakas kumain?"
"Bakit ba? E gutom ako " Wala siyang pakialam kung paano pa siya tingnan ng kaklase.
"Para kang hindi babae"
"Bakit ba palagi mo na lang akong napapansin? Eh di ikaw na ang babae. Pa-cute ka kasing kumain."
"Kasi kapag may ibang makakakita sa iyo, nakakahiya"
"E ano ngayon sa iyo? Nahihiya ka para sa akin. "
"Oo, nga naman. Ano nga ba naman sa akin?"
Doon nagsimula ang lahat. Sina Hailee, Aimee, Cyanne, Cximara. Samantala sina Pinky at Iris ang kasama ni Karl. Lahat ay sa kantin nagtatagpo at nagsasabay-sabay.
BINABASA MO ANG
ANG LOVER KONG BADING
RomanceNow I realized how stupid Cupid is. Why would he make me fall in love with a gay instead of a guy? Foolish heart to even beat for him. Crazy heart, crazy mind... What else can I do but to love him?
