BF WORRIES

189 7 0
                                    

KARL'S POV



Nawala ang pag-aalala ko kay Ian ng muli kaming magkausap. Nagkasakit nga siya. Labis din akong nag-alala. Naisip ko na baka dahil sa mga pangyayari ay na-stress siya.



"Hi, Mommy."


"Late ka na?"


"Dinalaw ko po si Ian. Di kasi siya nakapasok kanina"


"Nagkasakit ba siya?"


"Opo"


"Sige, kumain ka na at magpahinga. Bati na ba kayo?"


"I guess so"



Natulog akong payapa at walang alalahanin. Gustuhin ko mang makasiguro na lahat ay okay na, nandoon pa rin ang kaba. Nagtiwala na lang ko na ang lahat ng pagsubok ay matatapos din.



Halos tatlong araw na absent si Ian. Araw- araw ko din siyang dinalaw.



Isang gabi, natyiempuhan ako ni Darren na palabas na ng gate . Hinarang niya ako at nag-usap kami. Bahagya akong kinabahan. Ayoko ng ganoong klase ng komprontasyon dahil alam kong matindi ang galit sa akin ni Darren.



"Karl mag-usap tayo"


"Huh! Darren. Bakit?"


"Hoy! Bakla, huwag kang magyabang na sinagot ka ni Ian"


"Me ganoon bang issue?" Nakakainsulto ang tawag niya sa akin pero hindi ko siya pinansin kaya lalo siguro siyang nainis sa akin.


"Hindi ko alam kung ano ang meroon sa iyo at sinagot ka ni Ian"


"Kahit ganito ako, alam kong mahal ko si Ian"



Hindi naman siya dapat naging bayolente dahil lamang sa sinabi ko. O baka nainsulto siya sa sinabi ko. Sinuntok niya ako pero hindi ako gumanti .



"Darren, huwag kang ganyan. Mahal ko ang kaibigan mo at mapagkakatiwalaan ako kahit sabihin mo pang bakla ako"


"Tumayo ka at sumuntok. Patunayan mong maipagtatanggol mo si Ian" Tumayo ako pero hindi ko sinunod ang sinabi niya. Hindi ko ugaling pumatol sa mga taong wala sa katinuan. Nagmumukha akong walang pinag-aralan.



Hindi napansin na kanina pang nakikinig si Kuya Toby sa usapan naming dalawa.

ANG LOVER KONG BADINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon