3RD PERSON'S POV
Pagdating sa bahay. Doon lang naibulalas ni Karl ang sama ng loob.
"Damn it! Pinagdiskitahan niya ang punching bag na nakasabit sa kanilang garahe.
"Uy, karl. Anong nangyayari sa iyo?"
"Buwisit kasi itong si Alvin. Akala ko, okay na lahat at nagkaintindihan na kami. Hindi pa rin ako tinantanan sa school"
"O e bakit ka ganyan?"
"Punyeta talaga! Nakita na nga ni Ian na hinalikan niya ako kahapon at kanina yumakap siya sa akin habang umiiyak. Tapos sinabi pa kay Ian na may nangyari na daw sa aming dalawa"
"Anong ginawa mo?"
"Nasuntok ko po siya. Nagalit si Ian. Nag-iiyak sa sobrang inis"
"Nagpaliwanag ka ba?"
"Ayaw niya akong pakinggan , ayaw niyang magpahatid at gusto niyang makipag-cool off sa akin"
"Pumayag ka ba?"
"Natural hindi ako pumayag. Nakapagtaas na nga ako ng boses e. Nakita ko ngang nagulat siya at hindi makapaniwala"
"Now, you are learning to fight for your feelings. 'Yan ang nagagawa ng totoong nararamdaman. How did you end up?"
" Alam ko pong hindi pa ito tapos. Malamang bukas maging malamig ang pakikitungo sa akin ni Ian. Pero syiempre bago kami naghiwalay, hindi niya puwedeng kalimutan ang kanyang goodbye kiss sa akin. It's a must kasi mamimiss ko siya mamaya sa pagtulog"
"E kung hindi siya nag-good bye kiss sa iyo. Anong gagawin mo?"
"I'll drive back to their house and get my good night kiss"
"Wow! angtindi mo namang ma-in love"
"I can not afford to lose her Mom. I really love her"
"There's more about being in love Karl."
"I know that, Mom. I know and I should be ready for it"
Sa bahay naman nina Ian, kahit halatang umiyak si Ian. Hindi ito nagawang tanungin ni Almira. Hinayaan niyang manahimik muna ang dalaga dahil hindi rin naman ito makakatiis sa bandang huli at magkukuwento pa rin siya. Naunang kumain si Ian at maaga ring natulog.
Hindi nakapasok ng araw na iyon si Ian. Sumama ang pakiramdam nito at masakit ang ulo niya.
BINABASA MO ANG
ANG LOVER KONG BADING
Roman d'amourNow I realized how stupid Cupid is. Why would he make me fall in love with a gay instead of a guy? Foolish heart to even beat for him. Crazy heart, crazy mind... What else can I do but to love him?
