3RD PERSON'S POV
Nilubos ni Ian ang pagtulog ng araw na iyon. Tanghali na rin siyang gumising. Nagising na lang siya sa katok ng kanyang kuya.
"Ian! Ian! "
"Bakit?" pupungas-pungas pa ito sa antok at pagod.
"Uy, nakalimutan mo bang may swimming kayo ngayon. Treat ng mommy ni Karl" Tiningnan nito ang kanyang cellphone. 10 miscol at sangkatutak na text na ang kanyang natanggap kay Karl.
Pumasok ang kanyang kuya.
"Kuya, anong almusal?"
"Ang paborito mong tuyo, tocino at egg with sinangag"
"Angsarap naman" hinila siya ng kuya at ibinangon.
"Ian, boyfriend mo na ba si Karl?"
"Joke lang naman yung sagot ko, Kuya. As in kunwari lang"
" Pero alam mo, no one will ever do such generosity kung di ka mahal nung tao. So, don't make it a joke. Sinabi mo pa sa madaming tao"
"Kuya galit ka ba?"
" Mag-sorry ka kay Karl."
"Kuya, parang mahal ko na si Karl. What do you think? May gusto rin kaya siya sa akin"
"Bakit? hindi mo ba nahahalata?"
"Paano ba malalaman iyon?"
"Napakainosente mo naman. 'Yan ang napapala ng walang nanliligaw."
Humiga ulit si Ian at nagtalukbong ng kumot.
"Manhid ka ba? Bakit? Sino namang santo ang gagawa ng mga ginawa para sa iyo ni Karl? Ikaw na rin ang maysabi, from your dress down to your shoes, may PA ka pa. Siya lahat ang gumastos di ba? Kung napagod ka, napagod din siya"
"What do you mean?"
"Kapag inihahatid ka niya dito, hindi pa siya umuuwi. Naglalagi siya sa boutique at personal niyang inaasikaso ang gowns na isinuot mo. Design niya lahat ang suot mo di ba"
"Oo"
"Ngayon, isipin mo. Bakit niya gagawin yun?"
"Kasi magkaibigan kami"
"Bakit sinabi ba niyang kaibigan ang turing niya sa iyo?"
BINABASA MO ANG
ANG LOVER KONG BADING
RomansNow I realized how stupid Cupid is. Why would he make me fall in love with a gay instead of a guy? Foolish heart to even beat for him. Crazy heart, crazy mind... What else can I do but to love him?
