MOTHER AND SON

197 6 0
                                    

MOTHER'S POV



Nakaupo sa swivel chair si Karl habang gumagawa pa ng ibang sketch ng damit para kay Ian ng dumating ako. Abala siya ngayon habang pinamamadali rin niya akong ipatahi ang mga kasuotang iyon. Well, ideas kept coming kaya ganoon. Ayaw niyang palampasin ang pagkakataon na inspired siya sa pagdidisenyo ng damit. Sayang naman kung biglang mawawala iyon sa kanyang isipan kaya double time siya.



Naisip ko din kasing maglabas ng sort of coffee table book ng mga damit na gawa ng KCi Clothing.



"Karl, tapos mo na ba ang pinagagawa ko sa iyo?"


"Few more sketches , Mommy. Here it goes"


"Let me see" Naningkit ang mata ko. Anong kalokohan ito? "Karl, halika nga dito" Iniabot ko sa kanya ang sketchpad. Nakita kong inaayos na niya ang mga colored pencils sa lagayan niya.


"Yes,Mom. Not satisfied."


"What is this? Are you making fool of me?"


"Why?"


"Karl, puro mga wedding gowns lahat ito."


"Hindi mo kasi sinabi kung ano ang gusto mo" Pagdadahilan pa niya. Ano naman kaya ang pumasok sa kanyang isipan at ito ang kanyang mga disenyo ngayon? Hindi pa naman kasi kami gumagawa ng wedding gowns. Ang KCi Clothing ay gumagawa ng mga pormal na kasuotan para sa iba't ibang okasyon gamit ang iba't ibang uri ng tela ngunit hindi mga wedding gowns. Hindi pa namin iyon nasusubukan maliban sa gawa mismo ni Karl noong sumali ng pageant si Ian.


"Tok! Tok!" Nahinto kami sa aming diskusyon.


"Pasok. "


"Ian, nandyan ka na pala" Sabi ni Karl. "Doon tayo sa kabilang kuwarto. Tingnan natin 'yung mga damit." Niyaya niya ang dalaga sa fitting room. Maluwag ang kuwartong iyon. Kompleto iyon sa mga kagamitan na maaaring gamitin sa pictorial. May iba't ibang pares ng sapatos, mga accessories sa katawan upang palamutian ang sinumang modelo na naka-schedule upang kunan ng larawan.


"Karl, magsusukat lang ng damit si Ian. Isama mo si Pia. " Sigaw ko habang papalabas sila.


"Wala ka bang tiwala sa anak mo?"


"Baka sa halip na damit ang isukat mo. Iba ang gawin mo"


"Ano po 'yon?" sabat ni Ian.


Nagkatinginan kaming dalawa. Nagmamadali siyang inilabas si ian. Mukhang hindi naiintindihan ni Ian ang pinag-uusapan namin.



FITTING ROOM


3RD PERSON'S POV



Isinama niya si Pia sa loob at pinasamahan si Ian na isukat ang mga damit. Umupo lang si Karl at hinintay ang paglabas ng girlfriend niya.



"Sir okay po ba ito kay Ma'am?"


"Ian, ikot ka. Pia, bakit walang sapatos si Ian?"


"Ay sorry Sir" Nagmadali ang assistant sa pagkuha ng sapatos.


"Sige, okay 'yan. Isama mo 'yan sa dadalhin bukas"



Mahigit na sampung damit ang isinukat ni Ian. Tuwang tuwa siyang makita si Ian sa mga damit na isinuot nito. Kahit si ian ay impress na impress sa mga disenyo ng mga iyon. Humarap ito sa salamin at kitang kita sa mata nito na nagustuhan niya ang pagsusukat ng damit tulad ng sabi niya.



"Gagamitin ko bang lahat iyon sa pictorial?"


"Oo. May mga magmi-make-up na sa iyo doon at mag-aayos ng buhok mo depende sa kung saan ang location. Maaga kang susunduin dito ng van?"


"Puwede bang sa iyo na ako sumabay?"


"Hindi ka puwede sa kotse ko"


"E di doon ka din sa van sumabay"


"Halika ka nga dito. Huwag kang makulit. Doon ka sumabay" Pinaupo ni Karl sa kandungan niya si Ian. Nahiya si Pia ng makita ang boss at ang girlfriend nito sa ganoong ayos.


"E Sir sorry po"


"Isara mo ang pinto paglabas mo, Pia"


"Yes, Sir . Ok na po lahat."


"Paano 'yung mga accessories at sapatos na isusuot ni Ian, okay na rin ba? As in wala nang nakalimutan" Nakatingin lang si Ian kay Karl habang nagbibilin ito sa staff.


"Yes, Sir. Okay na po lahat"


"Iwan mo na kami. Lock the door please...." Nanlaki ang mata ni Ian. Namula siya at nahiya sa sinabi ng kasintahan. Akma itong lalabas at suusnod sa babae ngunit hinila siya ni Karl at niyakap siya ng mahigpit.


"Ikaw, napakapilyo mo. Baka mamaya malaman ni Mama at Papa na..."


"Sssshhhh! Huwag ka kasing maingay. " Pero nagpumiglas si Ian at tumakbo palabas. Nabunggo nito si Karla na papasok din sana ng fitting room.



Hindi na lang siya nag-usisa.

ANG LOVER KONG BADINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon