3RD PERSON'S POV
Sa eroplano.
Hindi alam ni Ian kumbakit abut-abot ang kaba niya. Pauwi siya ng Pilipinas ng araw na iyon. Isang buwan ang ibinigay na bakasyon sa kanya ng kompanya. Na-miss na niya ang kanyang mama at papa pati na ang kanyang kuya Toby pero hindi siya puwedeng umuwi sa bahay. Baka sa hotel na lang sila magkita pag-uwi niya.
"Kumusta na kaya si Karl?"
Bigla siyang lumuha. Sa tuwing pipikit siya, si Karl lang ang nakikita niya sa kanyang alaala. Naalala niya kung paano magmakaawa si karl sa kanya na huwag na itong umalis pero hindi siya nakinig.
"Ian, mag-usap nga tayo"
"Cyanne, bakit?" sinalubong siya ng sampal ni Cyanne.
"Bakit mo ito nagawa kay Karl?"
"Isipin mo na kung ano ang gusto mong isipin"
"Pinaasa mo lang ang tao. Sana tinapat mo na siya na hindi mo siya mahal"
"Hindi sa hindi ko siya mahal"
"Inilagay mo sa malaking kahihiyan si Karl"
"Hindi ko iyon ginusto"
Nahalata ni Cyanne na namumutla si Ian. Ilang linggo na rin niya napapansing namumutla ito mula sa mga biyahe nito. Binalewala niya ito at hindi niya napigilang komprontahin ang dalaga.
"Ian, teka lang. Bakit namumutla ka?"
Biglang napansin ni Cyanne na dinudugo si Ian.
"Ian, bakit dinudugo ka?"
Bago pa makasagot si Ian ay hinimatay na ito. Agad-agad siyang isinugod sa ospital. Doon nalaman ni Cyanne na tatlong linggong nagdadalantao si Ian. Nagbook ng flight si Cyanne para sa magulang ng dalaga.
"Ian, bakit hindi mo sinabi kay Karl?"
"Cyanne, hindi ko alam na... "
"We have now arrived, please unfasten your seatbelts" Umalingawngaw ang paalala ng flight attendant.
BINABASA MO ANG
ANG LOVER KONG BADING
RomanceNow I realized how stupid Cupid is. Why would he make me fall in love with a gay instead of a guy? Foolish heart to even beat for him. Crazy heart, crazy mind... What else can I do but to love him?
