IAN'S POV
Patay malisya sa nangyari. Hindi ako makaimik. Napakagat labi si Karl. Ako ang ninakawan ng halik at hindi ako nakapalag. Ni hindi ko siya nasampal para iganti ang ginawa niya sa akin. Wala ako sa sarili ko.
"Bakit parang ang aga mo? Saan na ang mga kasama mo?" Patay-malisya na parang walang nangyari.
"Hindi pa kasi dumadating sina Pinky at Iris" Hindi siya makatingin ng diretso sa aking mga mata.
Nagtataka talaga ako dito kay Karl. Ang mga kabarkada puro mga babae. Minsan ko lang nakita na nakihalubilo ito sa mga lalaki. Masyado siyang malinis sa katawan. Ni hindi mo makikitang gusot ang kanyang school uniform. Napakabango nga niyang tingnan. Clean cut syiempre ang buhok. Matalino siya at magaling makipagdebate. Dean's Lister nga siya e. Sa apat na taon naming magkakasama, wala akong nakitang kasama nito na maituturing mong girlfriend niya. Pero naging bulung-bulungan na "bakla" daw siya. Kaya sino ba naman ang hindi siya mapagkakamalang "Bakla".
"Diyan ka muna habang wala pa rin akong kasama" Sabi ko na lang. Dedma talaga as if walang nangyari.
"Ha oo, sige" abala ito sa ginagawa.
"Ano 'yan? Wow! Karl angganda naman ng design mo. Akin na lang" Feeling close ang peg namin na parang wala kaming history ng awayan at walang ganap kanina .
"Ha! Sige, sa iyo na lang" Pinunit niya ito mula sa kanyang sketch pad at ibinigay sa akin.
"Patingin nga ako ng iba mo pang design" Hinila ko ang hawak nito kahit halatang medyo nagdadalawang isip na ibigay ito sa akin. Napatitig siya sa akin. Pinagmasdan niyang mabuti ang reaksyon ko habang iniisa-isa ang pahina ng sketchpad.
"Siya lang ang nakita kong naka-apppreciate ng ganito sa mga design ko"
"Ay, angganda nito. Ito pa. This one, I like this and this"
"Di nga?" di makapaniwalang sabi ni Karl.
"Alam mo Karl mananahi kasi si Mama. Kapag may gusto akong damit sa mga magazine ipinapagaya ko sa kanya."
"Talaga! Kaya pala hindi ka na baduy manamit ngayon" Tumingin si Ian kay Karl at ngumiti. Halatang masayang masaya ito sa mga nakita.
"Maganda pala si Ian. Nakakatuwa siyang kausap"
"Si Mama lang ang nagtatahi ng mga damit na isinusuot ko tuwing washday natin" Pinalampas ko ang sinabi niya. Ayoko na talaga ng away. Atleast for a change.
"Nahalata ko ngang masyado kang pa-girl tuwing Friday. Hindi ka pa ba nakakapagpantalon at rubbershoes?"
"Nagpapantalon din naman pero minsan lang"
"Angganda ng mata ni Ian. Shit! Bakit ganito? Anong nangyayari sa akin? Is this what they call...."
"Mas gusto ko lang magbestida. Hindi ba bagay sa akin?"
"Ha? Mas okay nga sa iyo. Bihira nang magsuot ng dress ang mga babae ngayon." medyo nauutal nitong sagot.
"Love at first sight? Damn it!"
"Uy, Karl please. Gawan mo ako ng design ng bestida na babagay sa akin" Tumayo ako at pumosing sa harap niya na parang isang modelo. Umikot at nameywang pa ako.
"Sige, mamaya. Gagawan kita"
"Yehey!" umupo ang dalaga at sa sobrang tuwa ay ikinawit ang braso sa leeg ni Karl.
At sabay kaming lumayo sa isa't isa. Baka magnetin na naman ang mga labi namin at hindi ko alam kung ano ang puwedeng mangyari sa susunod.
BINABASA MO ANG
ANG LOVER KONG BADING
RomantikNow I realized how stupid Cupid is. Why would he make me fall in love with a gay instead of a guy? Foolish heart to even beat for him. Crazy heart, crazy mind... What else can I do but to love him?