IAN'S POV
Angsarap ng ganitong pakiramdam. Even if things were uncertain, I just feel good about it. I love being with him. Kung puwede lang na babae na lang ang manligaw, liligawan ko talaga si Karl. But things were not as easy as that. Babae pa rin ako at alam ko kung saan ako dapat lumugar. Pero hanggang kailan ko mapipigilan ang aking sarili. Unti-unting nahuhulog ang loob ko sa kanya. Kung iiwas ako, anong mangyayari?
Sabado.
Nasa loob lang ako ng kuwarto . Wala akong balak lumabas. Balak kong magmovie marathon ngayong araw kahit mag-isa lang ako. Kung tutuusin, wala na akong bagong CD . Halos paulit-ulit ko nang napanuod ang mga ito at na-memorize na rin pati linya ng artista dito. Nakadapa ako sa aking kama at nakataas ang paa ko. Habang nakatutok ako sa aking pinanunood , hindi ko namalayang pumasok sina Jaimee at Darren sa aking kuwarto.
Si Jaimee at Darren ang matalik kong mga kaibigan sa aming lugar. Magkakahuwalay man kami ng kolehiyong pinasukan , magkakaiba man ang kursong aming mga kinuha, dinadalaw pa rin nila ako. Magkakaibigan pa rin kaming tatlo. Sabay talon ng dalawa sa kama ko.
"Hoy tama na ang pagmumukmok" si Jaimee.
"Uy, kayo pala. Kanina pa kayo?"
"Oo, masyado ka kasing busy sa pinanunood mo"- si Darren.
"Kumusta na? Mabuti naman at naisip ninyong dalawin ako"
"Pare-parehong busy sa school"
"Ian, ano ba 'tong mga pinanunood mo? Napanuod na nating lahat ito di ba?"
"Mas gusto kung panuorin 'yan ng paulit-ulit"
"Hopeless romantic lang"
"Ian, lumabas na nga muna kayo diyan" Sigaw ni Mama.
"Mamaya na lang po Mama."
"Tita, dito muna po kami"
"Bahala kayo"
"Kumusta? May boyfriend ka na ba?"
"Magkakaboyfriend ba 'yan? Tuwing nagkikita kayong dalawa, puro boyfriend ang tinatanong mo kay Ian. Ano bang maikukuwento niya sa iyo?"
"Darren, masyado kang bitter. Ano bang problema mo? E kung lumabas ka kaya para nakakapagkuwentuhan kaming dalawa."
Lumabas nga ang binata. Hinayaang magkuwentuhan ang mga dalaga.
BINABASA MO ANG
ANG LOVER KONG BADING
RomanceNow I realized how stupid Cupid is. Why would he make me fall in love with a gay instead of a guy? Foolish heart to even beat for him. Crazy heart, crazy mind... What else can I do but to love him?
