DARREN VS. KARL

167 7 0
                                    

DARREN'S POV



Hindi ako sang-ayon sa relasyon nina Karl at Ian. Angdaming lalaki sa mundo , bakit sa baklang iyon pa? Naunahan lang niya ako pero sisiguraduhin kong maghihiwalay sila. Kinabukasan. inabangan ko si Ian sa kanto ngunit masyadong maagap si Karl.



"Hi. Ian. Sabay na tayo"


"Sabay kami ni Karl. Ikaw baka gusto mong sumabay sa amin"


"Hindi na bale"


"So, ano ang ibig mong sabihin sa pagsundo sa akin kahapon at sa galit-galitan factor mo?"


"Ian, puwede ba? Maaga pa para sa ganyang usapan?"


"May gusto ka ba sa akin?" Tahimik lang ako.


"Magsalita ka at aminin mo kung meroon"


"Kahit aminin ko, sa tingin ko ay huli na"


"Yun lang ang malaking problema"


"Pero hindi ako makapapayag. Aagawin kita."


"Hindi maganda ang balak mo kaya hindi ka magtatagumpay, Darren. Magkaibigan tayo. Dapat masaya ka para sa akin." Bigla akong natigilan sa sinabi niya.



Malayo pa lang ay nakita niya ang papadating na sasakyan ni Karl. Hindi niya ako mapilit na sumabay sa kanila.



Mukhang huli na ang lahat sa amin ni Ian. Alam kong matagal a niyang pinapangarap magkaroon ng boyfriend na tipong kailangan niya itong hilingin ng hilingin. Heto na at mayroon na siyang boyfriend ngunit hindi ako masaya para sa kanya. Hindi ako komportable na isang bakla ang magugustuhan niya. Hindi ko alam na weird ang taste niya. Fine, pogi naman si Karl pero mas mukha siyang babae kaysa kay Ian. Well, para silang magkapatid. Hindi ko alam kung sino ang kumikendeng sa kanilang sa paglalakad. Hindi ko alam kung sino ang mas maarte sa kanilang dalawa.



Noon pa man ay gusto ko na si Ian. Dangan nga lang at matalik kasi kaming magkaibigan. Nakakapangselos din pala kahit bestfriend kaming dalawa tapos may boyfriend na siya. Nararamdaman kong may balak si Karl kay Ian pero hindi ko akalaing sasagutin ni Ian ang pag-ibig ng bading na iyon.



Pagdating ng hapon ,angkita kami ni Jaimee. Isinama ko siya sa mall.



"Himala, bakit ka nagyayaya ngayon?"


"Gusto ko lang mag-relax. Nai-stress kasi ako kay Ian." Sabi ko. Nagtataka si Jaimee. "Jai, may boyfriend na si Ian."


"Talaga!" Mukhang hindi pa niya alam. "Sino?" Excited pa siya. Ewan ko lang kung ma-excite siya kapag nalaman niyang si Karl ang bf ni Ian.


"Si Karl... 'yong baklitang anak ng may-ari ng dresshoppe sa baba nina Ian."


"Wow! OMG! Itong si Ian , ni hindi man lang ako binalitaan." Nakakagulat. Tuwang tuwa pa siya. Mukhang okay lang sa kanya.


"Okay ka lang... Bakla kaya 'yon!"


"Eh ano naman... Matagal na rin siyang gusto ni Ian. Di mo ba alam..."


"Hindi ... Hindi mo man lang siya pinagsabihang pumili ng mas karapat-dapat para sa kanya."


"At sino ang mas karapat-dapat?"


"AKO!" Grabeh ang tawa ni Jaimee. Para akong nainsulto sa kanya.


"You know what friend. This is too much. Don't stress yourself because of this issue. Maging masaya na lang tayo para kay Ian. Dream come true niya iyon, just in case you do not really know."



At dream come true pa pala iyon. Hindi ako makapaniwala.


ANG LOVER KONG BADINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon