BRO'S OPINION

171 8 0
                                    

BRO'S POV



Sa totoo lang ,hindi ko kailanman hinusgahan ang mga desisyon ng bunso kong kapatid kahit sa paraan ng kanyang pagpili ng magiging boyfriend. Para sa akin, aanhin niya ang lalaking lalaki kung irresponsible at barumbado o di kaya naman ay nananakit ng asawa. Hindi ko hinuhusgahan ang pagkatao ni Karl. Eh ano nga naman kung totoong bakla siya? Kung mahal niya si Ian, sapat na iyon.



"Akala mo ba Darren, natuwa ako sa ginawa mo kanina kay Karl?" Sabi ko.


"Kuya? Akala ko kampi tayong dalawa"


"Matagal na akong nakikinig sa usapan ninyong dalawa doon sa baba. Hindi ko lang kayo pinakialaman. Hindi ko nagustuhan ang ginawa mo. Alam mo palang boyfriend siya ni Ian pero tinuloy mo pa rin. E ano kong bakla siya? Hindi ka ba masaya para kay Ian? Tama ang sabi niya hindi nakikilala ang tunay na lalaki sa pakikipagsuntukan lang. So, sa tingin mo, lalaki ka na dahil nasuntok mo siya" panenermon ko.


"Akala ko kaibigan kita?" Sabi ni Ian habang nasa sala kaming lahat.


"Sorry, Ian"Tinalikuran na siya ng dalaga. ini-lock nito ang pinto ng kanyang kuwarto.



Hindi daw pumasok ng dalawang araw si Karl hanggat hindi nawala ang pasa nito sa pisngi.



Ngunit pagpasok nito naramdaman ni Ian ang panlalamig ng pakikitungo nito sa kanya pero dedma. Binati pa rin niya si Karl.



"Kuya, pumasok na si Karl..." Mukhang masaya ang kapatid ko.


"Hi, karl. Kumusta na? Uy, wala na ang pasa mo" Iniiwas ni Karl ang mukha niya kay Ian. Medyo napahiya ang dalaga dahil nasa harapan niya sina Pinky at Iris. Tinapig pa ang kamay nito habang hinihipo ang kanyang pisngi. Nagkatinginan na lang sila.


"Kuya, parang galit siya?" Text sa akin ni Ian.



Hindi daw kasi siya pinansin ng binata ng dumating ito. Dumistansya muna si Ian dahil hindi rin niya alam kung masama ang loob sa kanya ng binata. Hindi siya sumabay sa binata ng pagkain sa kantin. Hindi siya tumabi dito. Hindi rin niya tinanong kung isasabay siya sa pag-uwi. Hindi siya pumasok sa huling klase nila. Nagpunta siya sa dati niyang pinagkukublian kapag masama ang loob niya.



"Bakit hindi ka pumasok sa last subject natin?" Seryosong tanong ni Karl.


"Bakit hindi mo ako pinapansin?"


"Ian, magbreak na kaya tayo?"


"Kuya nakikipag-break siya sa akin...."Muling text ni Ian. Tsk!Tsk!Tsk! Mukhang masama na ito.

ANG LOVER KONG BADINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon