WEDDING PREPARATION

200 8 0
                                        

KARL'S POV



Binusisi kong mabuti ang kaliit-liitang detalye ng gown ni Ian. Isang buwan din ang iginugol ko upang mabuo ang eksaktong detalye ng gown na gusto kong isuot ni Ian, para sa pinakamamahal kong babae. May wedding planner ako para sa lahat. May wedding coordinator na aasikaso sa mga kakailanganin sa simbahan at reception, mga wedding invitation at ang photo coverage. Walang reklamo ring sumunod si Ian sa mga dinaluhan naming seminar at rehearsals. Hindi ko narinig ang reklamo sa kanya.



Hindi kami natuloy sa pagko-cool off. Nang ihatid ko siya sa bahay nila, naglakas loob akong nagpaalam kina Tita Almira at Tito Robert sa plano ko na pakasalan si Ian pagka-graduate namin.



"Bakit ka nagmamadali? "Tanong ni Tito Robert. Hindi ako nakaimik kaagad pero niyakap ko ng mahigpit si Ian.


"Tito Robert, Tita Almira, sorry po...." Kinuwelyuhan ako ni Tito Robert. "Pananagutan kop o si Ian. "


"Karl... Mama, Papa, sorry po kasi mahal ko din naman po si Karl."


"Buntis ka ba, Ian" Sigaw ng kanyang papa.


"Papa, hindi po..."


"Tito, ayaw ko lang pong magkahiwalay kami ni Ian kaya ngayon pa lang ay ipinagpapaalam ko na sa inyo ang plano namin." Plano ko lang... Iyon ang totoo...Wala nang nagawa sina Tita Almira at Tito Robert. Babae ang anak nila. Hindi ko naman tatakasan si Ian kaya sinikap kong makuha pa rin ang tiwala nila.



Iyak ng iyak si Ian sa loob ng kuwarto ng gabing iyon. Magkatabi kami sa kanyang kama. Nandoon ang pagsisisi pero huli na. Natulog ako sa kanila para lang makasiguro na hindi sasaktan si Ian pag-uwi ko. Nagpaalam ako kay Mama at sinabing mamanhikan kami kina Ian.



Naisisingit pa ni Ian ang photo shots para sa magazine cover ni Mommy. Ako ang pinakamasayang tao sa lahat ng payagan kami ng kanyang mga magulang. Mas nagpursigi akong makaipon habang nasa huling taon kami sa Aeronautics. Matutupad na ang pangarap kong makasama si Ian habambuhay at bumuo ng pamilya na matagal ko na ring gusto.



Madalas na rin akong payagang umuwi kina Ian. Ako ang sumusundo sa kanya tuwing may schedule siya ng flight habang ako naman ay mas maagang nakakauwi sa bahay. May mga pagkakataong sabay kaming nagre-review para sa exams namin. Kapag may naiwan siyang researchwork, ako na ang gumagawa noon.



Nang gabing iyon , sinundo ko si Ian mula sa flight nito galing ng Korea. Pumasok ito sa kanyang hotel suite. Nakahiga doon ang dalaga at halatang nagpapahinga na. Maayos na nakapatong sa sopa ang gamit ni Ian.



Ginising ko si Ian ng halik.


ANG LOVER KONG BADINGMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon