KARL'S POV
Gumaan ang pakiramdam ko ng mapaamo ko ang tigreng tulad niya. Kinalingguhan, dinalaw ko si Ian sa kanila. Gusto ko ding ipaalam na kami na.
"Good afternoon, Tito Robert. Nandyan po ba si Ian?"
"Kumusta Karl? Ano bang atin?"
"Hi Tita Almira"
"Uy, Ian. Pasok ka." bati ni Almira ng makita ang binata sa pinto.
"Tito Robert, liligawan ko po sana si Ian. Kung okay lang po sa inyo."
"O hayan na pala si Ian. Almira, manliligaw daw si Karl kay Ian" ngumiti lang ang ina.
"Bukas ang bahay namin sa iyo, Karl. Basta't iingatan mo si Ian at hindi paiiyakin"
"E, hindi pa nga sila, napaiyak na ni Karl" sabay tingin sa binata.
"Ano ba 'yan, Papa?" sabat ni Ian.
"E di ba nga nung nakaraang linggo, wala kang ginawa kundi magmukmok sa kuwarto mo. Magbihis ka nga muna ng maayos doon. Ano bang pinaggagawa mo?" sabi ng ama.
"Paano kasi, tanghali na nasa kuwarto pa rin? Nanunood na naman ng walang katapusang love stories" sabi ni Almira.
"Mama, naman e"
"Dalian mo na." Bumalik kaagad si Ian sa sala.
"O, Ian. Nagpaalam na si Karl na manliligaw. Maiwan muna naming kayo. Jaimee, Darren, tulungan ninyo ako sa kusina"
"Sige po Tita" tugon ng dalawa.
Naiwan ang dalawa sa sala. "Ginulat mo ako a. Anong nakain mo?"
" For formality sake lang ito. Ayokong sabihin mo na hindi man lang ako umakyat ng ligaw dito sa inyo. Mabuti nga at natyiempuhan kita"
"Bakit?"
"Pangalawang akyat ko na nang ligaw sa iyo. Noong una wala ka. Lumabas kayong tatlo nina Darren"
"Ah, oo nga. Tapos that week, kinausap ako ni Alvin"
"Ian, di ko alam kung paano sisimulan"
"Kaya mo yan. It's now or never"
"Matagal na akong may gusto sa iyo. Kaya lang hindi ko alam kung kailan at paano sisimulan"
BINABASA MO ANG
ANG LOVER KONG BADING
RomanceNow I realized how stupid Cupid is. Why would he make me fall in love with a gay instead of a guy? Foolish heart to even beat for him. Crazy heart, crazy mind... What else can I do but to love him?