LALAINE'S POV
Walang nagawa si Karl kundi sumama sa akin pauwi ng bahay. Hindi ko na siya pinapasok sa kanyang trabaho . Naglasing na naman siya. Nang makita ko may tawag sa kanyang cellphone ay ako ang tumanggap ng tawag na iyon.
"Huh, sino si Philena Aguas...Mukhang kilala ni Karl...Customer?" Hindi ako makapaniwala sa itinawag ng kanyang staff. May babaeng pumunta doon at hinahanap si Karl. Nag-usisa ako. Napagkamalan daw iyon ni Karl na fiancée niya. So , ibig sabihin... muntik na talaga silang nagkita ni Ian sa boutique niya. Mukhang hindi alam ni Ian ang trabaho ngayon ni Karl. Nasulyapan ko si Karl.
"Ian, huwag mo na akong pagtaguan. Magpakita ka naman sa akin" bulong ni Karl sa sarili. Hinayaan ko na lang siyang magpakalasing. Bukas ay mahihimasmasan din naman siya. Habang pababa ay at nag-iisip kung sino si Philena Aguas ay nagulat ako ng bulungan ako ng aking kasambahay.
"Ma'am may naghahanap po kay Sir Karl?" Napaisip ako kung paano natunton ni Philena Aguas ang bahay namin. pero mas nagulat ako sa aking nakita... Si Ian pala.
"Ian! Oh my... Ian,bakit napasugod ka?"
"Tita, I decided to see Karl para once in for all I also have a peace of mind"
"Ian, are you sure of this? Are you ready to see him?" Umiyak si Ian. Hinawakan siya ni Lalaine.
"Tita"
"Do you still love, Karl?" Tumango ang dalaga at umiyak. Halata ni Lalaine ang pananabik ng dalaga na makita si Karl.
"Tita, do you think I can do this? "
"Yes, you have to. After this, what's next?"
"We can start separate lives"
"Is that what you plan?"
Hindi umimik si Ian. Alam niyang hindi iyon ang plano niya pero ang lahat ay walang kasiguruhan ngayon. Puwedeng magalit si Karl sa kanya at ipagtabuyan siya o puwede ring magsimula silang muli at ituloy ang kasal.
"Nasaan po si Karl?"
"Nasa kuwarto niya" Umakyat ang dalaga ngunit saglit lang ito at hiningi ang susi dahil naka-lock ang pinto ng binata. Habang paakyat ng dalaga, tinawagan ko si Almira.
"Almira, alam mo bang nandito si Ian?"
"Huh! Anong ginagawa niya dyan?"
"Mukhang kakausapin na niya si Karl. Sana pareho na silang gumising sa katotohanan at aminin pa ring mahal nila ang isa't isa"
BINABASA MO ANG
ANG LOVER KONG BADING
RomanceNow I realized how stupid Cupid is. Why would he make me fall in love with a gay instead of a guy? Foolish heart to even beat for him. Crazy heart, crazy mind... What else can I do but to love him?