GREAT MORNING

248 5 0
                                    

KARL'S POV


Nadatnan si Mommy na abalang –abalang nagluluto sa kusina. Niyakap ko siya sa likuran. Lumingon siya , hinahanap siguro si Ian kung kasama ko bang bumaba para kumain.



"Nasaan na si ian?"


"Bagsak pa sa kama ko. Pinagod ko kagabi." Hinampas ako ni Mommy sa braso.


"Nagugutom ako. Puwede na ba 'yan?" Nagluluto siya ng pork humba.


"Gisingin mo na si Ian para sabay na kayong makakain"


"Dadalhan ko na lang siya ng pagkain doon. Babantayan ko kasi baka matakasan ako. May damit ka ba dyan na kasya kay Ian?" Sabay bulong ko sa kanya. Napamulagat ang mga mata ni Mommy.


"Bakit?"


"Nasira ko kagabi 'yung damit niya" Sabay kamot sa ulo.


"What?!"


"Mommy, huwag po kayong maghysterical ng ganyan"


"Karl"



Wala akong inaksayang pagkakataon. Tinawagan ko ang magulang ni Ian at sinabing hindi na makakauwi ang dalaga sa araw na iyon dahil doon na muna uuwi si Ian hanggang sa ikasal kami.



"Grabe ka naman,Karl.Para mong ikinukulong si Ian" Sabi pa ni Mommy habang naghhaanda ng makakain sa mesa.


"Tita este Mama Almira mabuti na ito para hindi niya ulit ako takasan. Pakidalhan na lang po ng ilang pirasong damit dito sa Ian. May mga bagong tahing damit po ba kayo para sa kanya, isama na rin po ninyo para may panlakad siya" Sabi ko sa kabilang linya. Inimbitahan ko silang maghapunan sa bahay para makapag-usap-usap kami pagdating namin ni Ian.



Ala una na ng hapon ng magising si Ian. Hindi na siya nakapagtanghalian sa sobrang pagod. Napangiti na lang ako ng tingnan ko siya habang nakahilig ang ulo niya sa unan at balut na balot ng comforter.



"Ian, halika at kumain tayo sa baba. May mga damit ka na dito. Inihatid ni Mama Almira."


"Ganoon ba? Uuwi na lang ako"


"Mula ngayon, hindi ka na uuwi. Bahay mo na rin ito. Hindi na kita papayagang umuwi" Sabi ko sa kanya.


"Karl, ano to?"


"Simple lang. Hindi ka makakaalis hangga't hindi tayo naikakasal" Napatitig siya sa akin at ngumiti.


"Karl, maaatim mo ba akong ikulong dito"


ANG LOVER KONG BADINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon