KARL'S POV
Kinabukasan, maaga ako ng umalis ng bahay. Balak kong tyiempuhan si Ian sa kanto nila upang maisabay siya. Tama nga ako ng hinuha, nakita kong nag-aabang na siya ng masasakyang jeep.
"Ian, halika na. Sabay ka na sa akin" Ngunit tila walang narinig si Ian. Dumiretso ito ng lakad at lumayo sa kotse ko. Sinundan ko siya at bumaba ako ng kotse. "Hindi ka ba talaga sasabay sa akin?" Sabay hawak sa braso niya. Hindi ko na alam kung paano paaamuhin ang dalaga kaya halos magmakaawa ako sa harapan niya ngayon.
"Maraming sasakyan ngayon kaya hindi naman mahirap mag-abang dito. Sige, una na ako sa iyo" Inismiran niya ako at pilit na iniwasan.
Iniwan niya ako habang sumakay siya ng jeep. Natagalan na lang siya sa biyahe tulad ng dati. May mga tsuper kasi na bawat kanto ay hinihintuan kahit walang sasakay na pasahero. Nasa loob na halos ang mga kaklase namin at wala pa siya. Pumasok si Karl na may dalang bulaklak. Naghiyawan ang mga kaklase niya sa loob ng silid.
"Wow! Flowers!"
"Yes, may manliligaw na rin sa wakas si Ian" Sabi ng mga babae ng biglang dumating si Ian lalong nagkagulo ang lahat.
"Hindi na pinatatagal 'yan, Ian. Baka makawala pa ang bukod-tangi mong manliligaw" Inirapan niya ang mga kaklase niyang lalaki pero dedma lang. Hindi niya ako pinansin . Lalapitan ko sana siya pero tumayo ang dalaga at lumipat ng ibang upuan.
"Huh! Anong nangyari dun?" Sabi ng buong tropa. Sabay tingin kay Ian.
"Karl, bakit? " tanong ni Cyanne.
Napapikit na lang si Karl at sabay iling. Yumuko ito at humanap ng upuan bago pa siya madatnan ng guro. Ibinaba niya ang bulaklak sa isang upuan. Napapahiya siya sa buong klase sa ginagawang pag-iwas ni Ian.
"Nag-away ba silang dalawa?" Dinig kong tanong ni Cximara kay Cyanne.
"Sila na ba?" Tanong naman ni Pinky kay Iris.
Pagdating ng lunch time , hinanap ko si Ian sa kantin. Nakita niya itong kasama ng knyang mga kaibigan kaya balik uli sa dating gawi. Sina Iris at Pinky na naman ang kasama ko. Pero tulad din ng dati, naiwang mag-isa si Ian sa mesa. Wala namang nagbago, mabagal pa rin siyang kumain sa kabila ng marami itong pagkain.
Lalapitan sana uli siya ngunit nagligpit kaagad ito ng pagkain atsaka umalis.
"Karl, ngayon mo nararamdaman ang hirap manuyo ng babae" Sabi ni Iris.
"Oo nga e. Grabe namang pagpapahirap ang ginagawa ni Ian sa akin."
"Bakit mo pa rin siya sinusuyo?" tanong ni Pinky.
"E kasi, ang totoo. Mahal na niya si Ian. Aminin mo!" - Iris
"Wrong timing kasi palagi ang sitwasyon. Noong umakyat ako ng ligaw, wala siya. Tapos itong si Alvin, gumawa pa ng eksena"
"What?" -Pinky
"Kung anu-ano ang sinabi niya kay Ian kaya hindi na tuloy ako pinapansin ni Ian sa sobrang sama ng loob niya"
"Ano na ngayon ang balak mo?"
"Hindi ko alam. Nandito na ito e. Susubukan ko pa rin"
Hindi pa man kaming dalawa, matindi na ang pagsubok na pinagdadaanan namin. Hindi na maililihim pa pero halatang halata ang effort na panunuyong ginagawa ko para sa kanya. Sa kabila ng napapahiya ako sa karamihan ng mga estudyante, hinding hindi ko siya tatantanan.
"Uy, bakla... Ano bang drama mo ha!" Tropang B ang nangangantyaw kay Karl ng mapadaan ito sa Catwalk. Tropang B as in The Brat, the Bully and The Braggart... Sabi ni Boston habang nakaakbay sa kanya si Bamboo.
"Iba na ang tipo ni Bakla... Babae na! " Sigaw pa ni Bamboo. Tumawa naman si Beauty na nasa tabi lang ni Boston.
"Hoy, tigilan na ninyo si Karl..."
"Bakit may angal ka?" Huminto si Karl sa kinatatayuan nito at nilingon ang tatlo na nagkakatuwaan.
Pero hindi natinag ang pusong nasaktan. Nagmatigas si Ian at pinanindigan ang pagpapahirap na ginawa sa akin. Kahit alam niyang nahihirapan na rin siya sa sitwasyon, hindi pa rin siya nagpasuyo. Hindi rin ako susuko kahit samahan pa rin ng isang bruha at dalawang bruho...
BINABASA MO ANG
ANG LOVER KONG BADING
RomanceNow I realized how stupid Cupid is. Why would he make me fall in love with a gay instead of a guy? Foolish heart to even beat for him. Crazy heart, crazy mind... What else can I do but to love him?