3RD PERSON'S POV
Naunang pumasok ng classroom si Ian. Nandoon si Prof. Haultman.
"Listen up here. The school will be having a beauty pageant this coming August. The winner will represent the school to compete Ms. Tourism International. So who among you has the guts to give it a try?"
"Ian, mag-try ka na" Sabi ng mga kaklase....
"Chance mo na ito?" Kinalabit ni Cyanne si Ian.
"Ano?" Naiiritang sabi ni Ian.
"Bakit ba masyado ka yatang busy?"
"Inuumpisahan ko na kasi 'yung research work ko"
"2 weeks pa naman 'yan. Masyado ka namang advance"
"Nagda-download lang muna ako tapos babasahin ko pa ito"
"Hindi ka ba nakikinig?"
"Ano bang kaguluhan 'yan?"
"Nagtatanong si Ma'am kung sino ang may malakas na loob na sumali for the pageant this coming August. Ang mananalo, isasali sa Ms. Tourism International"
"At ano ang kinalaman ko dyan?"
"Sali ka na"
"May stage fright ako"
"Matututunan mo din 'yan"
"E kung ma-mental block ako at di ko alam ang sagot"
"Ang dami mong dahilan" Pero lahat ay nakatingin sa kanya.
"Huwag ninyo akong tingnan ng ganyan. Tatamaan kayong lahat sa akin" Pumasok si Karl. Nagulat siya dahil parang pinagkakaisahan na naman si Ian. Galing siya sa Student's Affairs Office.
"Umupo ka nga dito. Bakit ba nag-ingay silang lahat?" Nagulat silang lahat sa ikinilos ni Karl lalo na sa kung paano niya tratuhin si Ian.
"Ewan ko sa mga iyan. Dinadamay ako sa kalokohan nila."
"Bakit? Anong meroon?"
"Huwag mo na lang pansinin"
"Ian, sali ka sa pageant"
"Hay naku Karl. Pati ikaw?"
"Bakit? Iyon ba ang dahilan ng pag-iingay nila?"
"Kasi itinuturo nila ako kay Ms. Katie"
"Bakit ayaw mong subukan? Ako ang mag-i-sponsor ng damit mo. I'll be your make up artist and designer"
"Ayoko nga. Di ba may swimwear portion 'yan?"
"Bakit di ka pa ba nakakapagsuot ng swimsuit?"
"Hindi pa"
"Siguro jogging pants ang suot mo kapag nagsu-swimming?"
"Sobra ka naman"
Pagpasok ng kanilang professor sa classroom ng hapon din iyon, nagbigay muna ito konting announcement.
"We are happy to announce that in your class. You are represented by Nianne Ayle Lerman in this upcoming beauty pageant"
"Wow!" sabi ng ilang mga kaklaseng lalaki.
"Go!" natuwa ang mga kaklaseng babae.
"Yes" Tumayo si Ian. Nilapitan ang guro at tiningnan ang papel.
"Sir, I did not apply for that" Nalilitong sabi nito. Pero pinalakpakan siya ng lahat ng mga kaklse. Nandoon ang approval at suporta ng lahat.
"Hoy, bakla. Ikaw ba ang nag-apply para sa akin na sumali sa pageant?" Binalingan niya ang mga kaibigan at tinitigan ng masama si Karl.
"Tigilan mo ako sa katatawag sa akin ng bakla ha! Baka..." banta ng binata.
"Baka, ano?"
"Baka halikan kita dyan" bulong nito sa dalaga.
"Ewww! kadiri!" ganti ng dalaga.
"Sige. Magsalita ka pa. Tingnan natin kung sabihin mo pang kadiri kapag nahalikan kita" pabulong lang itong sinabi ni Karl upang hindi sila maging tampulan ng tuksuhan sa loob ng klase.
"Uy, nag-aaway ba kayo?" Yumuko si Ian. Nagdabog siya at sumalumbaba sa kanyang upuan. Alam ni Demetrice na galit ito.
"Halika nga. Sa labas tayo mag-usap" Isinama niya sa kubling lugar si Karl.
"Bakit mo ako isinali doon?"
"Kaya mo naman e. Subukan mo"
"Wala akong lakas ng loob na sumali sa mga ganyan"
"Sabi ko, subukan mo. Buo ang tiwala ko sa kakayahan mo. Mananalo ka, Ian"
"Tuturuan mo ako?"
"Kukuha tayo ng trainor mo"
"As if may pera ako. "
"Sumali ka, ako ang bahala"
"Karl, nahihiya ako"
"Sabi ko na nga ba. Huwag kang mahiya"
Nagkasundo ang dalawa sa kompetisyong sinalihan. Sa kabila ng katotohanang may kahinaan ang bawat tao, sinisikap nilang suportahan ang kanilang lihim na pagtatangi sa isa't isa.
BINABASA MO ANG
ANG LOVER KONG BADING
RomansaNow I realized how stupid Cupid is. Why would he make me fall in love with a gay instead of a guy? Foolish heart to even beat for him. Crazy heart, crazy mind... What else can I do but to love him?
