3RD PERSON'S POV
Imbitado lahat ang mga tropa ng iba't ibang grupo sa klaseng iyon ni Cyanne sa kanyang karawan. Hindi mawawala si Ian at Karl. Iyon lang ang paraan niya upang magkasundo ang dalawa. Gusto rin naman niyang magkaayos sila. Mabuti na lang at pinayagan din si Ian. Dati kasi, kahit anong yaya sa kanya ay hindi mo talaga siya mapapasama.
"Ian, birthday ni Cyanne. Sama tayo" yaya ni Hailee.
"All girls night out ba 'yan?"
"Mas madaming girls ang kasama. May ilan ding boys" tugon ni Cximara.
"Excuse me, pinapauna ko na sa inyo. Kung kasama 'yung si ... please lang. I won't go either"
"Hindi mo ba siya nami-miss?" tanong ni Aimee.
"What?"
"Grabe naman ang reaksyon mo, Teh! Si Karl pa lang ang nanliligaw sa iyo, ganyan ka na"
"Excuse me, kailan ba siya nanligaw? Hindi lang siya bakla pero torpe pa"
"Dahan-dahan ka nga sa pagsasalita mo." Hindi nila napansin na kanina pang nakaupo si Karl sa gawing harapan ng tambayan. Nang marinig niiya iyon ay bigla itong tumayo at lumapit kay Ian.
"Pakiulit mo nga ang sinabi mo" hawak niya sa magkabilang braso si Ian.
"Bakit ko kailangang ulitin ang sinabi ko kung narinig mo naman?" pagsusungit ni Ian habang titig na titig ito sa binata.
Hinawakan ni Karl sa magkabilang pisngi ang dalaga at akmang hahalikan na ito. Pumikit si Ian. Kalahating pulgada na lang, ididikit na niya ang labi sa labi ni Ian pero bumulong ang binata. Biglang nagtilian ang lahat.
"Alam mo, mahal na mahal na kita. HUwag mong hintayin na maubos ang pasensiya ko dahil hahalikan talaga kita kahit madaming tao dito.Kapag hindi mo pa ako pinatawad sa Biernes, humanda ka sa akin" may pagbabantang sabi ni Karl.
Natuto na tuloy siyang magmatigas at lumaban pero hindi sa paraang alam natin. Ipinaglalaban pa rin niya ang nararamdaman kay Ian. Binitiwan siya ni Karl. Halos pigil ang paghinga ng lahat dahil sa tensyong nangyari. Akala talaga nila, hahalikan na ni Karl si Ian.
"Anong sabi ni Karl?"
"Hindi namin narinig. Bakit ganoon?"
Tulala si Ian. Hindi siya makapaniwala sa narinig. Pagkatapos noon, dedma lang talaga. Parang walang nangyari at balik sila sa pinagdidiskusyunan.
BINABASA MO ANG
ANG LOVER KONG BADING
RomanceNow I realized how stupid Cupid is. Why would he make me fall in love with a gay instead of a guy? Foolish heart to even beat for him. Crazy heart, crazy mind... What else can I do but to love him?