3RD PERSON'S POV
Dumating ang pinakahihintay ng lahat sa gabi ng paligsahan. Pinagkagastusan ang paglalagay ng palamuti sa entablado lalo na sa rampa ng mga kandidata. Maganda ang lighting and sounds. Exciting ang gabi para sa lahat ng mga kalahok.
Inihatid niya si Ian sa dressing room. Nasa gawing likuran ito ng stage.
"Karl, kinakabahan ako"
"Huwag kang kabahan. Isipin mo na lang na matatapos din ang gabing ito"
"Whew! Grabe." Hinawakan siya ni Karl. Hinalikan siya ng binata atsaka niyakap.
"Do you think that would do to remove your nervousness? "
"Hindi nga eh. Lalo kasi akong kinabahan. Karl,why did you kiss me?"
"Do it well, Ian. We'll talk later"
Lahat ng mga kaklase ni Ian ay siniguradong makakadalo ng gabing iyon. Ipinakita nila ang buong suporta sa dalaga. Si Karl ang mas kinakabahan, hindi pa lang nag-uumpisa ang contest. Pinaupo niya ang kanyang mommy at ang magulang ng dalaga kasama ang kuya nito sa upuang naka-reserve para sa kanila sa bandang harap ng entablado.
Tamang tama lang ang make up ni Ian tulad ng instruction niya sa make up artist nito. Maganda din ang pagkakaayos ng buhok nito. Nakahanda na sa van ang iba't ibang damit at sapatos ng dalaga batay sa iba't ibang portion ng contest. May mga PA siyang inupahan para kay Ian.
Nagsimula ang contest. Nagpakilala ang bawat contestant.
"Ian, hindi ko alam kumbakit ginagawa ko lahat ng ito para sa iyo. Hindi ko alam kumbakit ako nagkakaganito."
Sigawan ang mga kaklase nila ng makitang rumampa si Ian. Naka-t-shirt at shorty shorts si Ian. Gulat na gulat si Karl dahil mabilis matuto si Ian tulad ng feedback ni Rene. Lalong tumindi ang hiyawan sa pinakahihintay ng lahat, ang swimwear portion. Tulala na lang si Karl ng makita niya si Ian. Ang sexy ni Ian.
"Ano mo ba si Ian?" sabi ni Rene.
"Kaibigan... Di ba iyon naman ang sabi niya? "
"Kaibigan o kai-bigan"
"Huh! umayos ka nga"
"Yung totoo"
"Totoo"

BINABASA MO ANG
ANG LOVER KONG BADING
RomanceNow I realized how stupid Cupid is. Why would he make me fall in love with a gay instead of a guy? Foolish heart to even beat for him. Crazy heart, crazy mind... What else can I do but to love him?